Chapter 19: Rendezvous Beneath The Night

134 10 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Mag-iisang oras na yata akongnakahiga habang katabi si Lorenz. Ngawit na ngawit na ko sa posisyon at puwesto ko subalit pinipigilan ko lang ang aking sariling 'wag gumalaw para 'di maistorbo ang pagtulog niya. Sa ngayon naman siguro ay tulog na siya gayong naririnig ko ang mahihina niyang mga hilik.

Inangat ko nang kaunti ang ulo ko at sinilip siya saka nakumpirmang tulog  na siya. Dahil dito ay hindi na ako nagdalawang-isip pa at dahan-dahang tinanggal ang mabigat niyang brasong nakayakap sa 'king tiyan. Mabuti naman at hindi siya nagising.

Nang maging malaya na ang katawan ko para kumilos ay paupo akong bumangon sabay balik ng tingin ng sulyap kay Foreigner guy. Pagkuwa'y bumaba naman ang tingin ko sa bimpong nalaglag sa noo niya kaya naman kinuha ko ito at sinalat si Lorenz. Sa ngayon ay nabawas-bawasan naman na ang init niya't nahimasmasan na kahit pa'y walang laman ang kaniyang tiyan o gamot na ininom man lang.

Tumungo na ako sa maliit na palanggana at binanlawan ang bimpo nang maminsanan. Pagkabanlaw ay tinupi ko na ito at ibinaliik sa noo ni Lorenz. Bago ko naisipang umalis ay tahimik kong nilinis ang kuwarto niyang makalat at marumi. Pagkatapos ng gawain ay nag-iwan ako ng sulat sa tabi ng kaniyang lamesa na namaalam na akong umuwi saka tuluyan nang umuwi at iwan siyang mahimbing na natutulog do'n.

***

"B'wisit," inis kong sabi kasabay ng pagbato ng hawak kong lapis sa sahig. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa pagkabanas. Wala kasing pumapasok sa isipan ko kung ano ang dapat na i-drawing. Kanina pa ako nakatulala sa canvas ko pero hanggang ngayon ay blangko pa rin ito. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing ilalapat ko ang lapis e bigla na lang nawawala 'yung naiisip ko. Geez. Art block is real.

Dahil dito ay tumayo ako at dumungaw sa bintana sa labas mula rito sa attic. Madilim na kalangitan ang natanaw ko. It's already night. Apat na ang oras na nakakalipas nang iwan ko si Lorenz sa kaniyang dorm. I wonder what's he's doing. Sana naman ayos lang siya.

Dumapo naman ang atensyon ko sa bandang gilid ng aking kuwarto. 'Yung painting na ginawa ko kamakailan lang ang bumungad sa 'king mga mata. Lumapit ako rito para kunin ito at pinagmasdan ito nang maigi.

Tuyo na siya nang idikit ko ang mga daliri ko rito. Maganda ang texture niya at napangiti na lang ako bigla sa satisfaction na maganda ng kinalabasan ng pininta ko. Pirma ko na lang sa baba ang kulang kaso tinatamad pa ako at wala pa ako sa mood. Next time na lang siguro.

Ibinalik ko na ito sa lamesa at pumunta sa switch-an ng ilaw para patayin ito saka tumuloy papunta sa kuwarto ko. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad sa 'kin ang phone kong nakapatong sa 'king kama. Dala ng pagkapagod at pagkabagot ay pabagsak akong humiga nang nakalapad ang mga kamay rito. Ilang saglit ako sa gano'ng posisyon nang umayos ako ng aking pagkakahiga para abutin ang naipit kong phone sa 'king tiyan. Nakatihaya ako ngayon para kumportabe ang katawan ko.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon