Chapter 06: Phone Call

278 27 10
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Nothing. Jus-Never mind. I need to go home. Maglilinis pa ako sa bahay."

Binasa ko ang aking labi kasabay ng pagpunas ng mga natuyong luha para hindi mahalata ng mga taong nadadaanan ko. Nakalabas na ako ng UOL pero hanggang ngayo'y sariwa pang rumerehistro sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Foreigner guy.

Inaamin ko na ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Para bang may kung ano sa 'king dibdib sa bawat paghinga. Especially now, hindi ako sanay nang may taong galit sa 'kin kaya kung maaari sana ay inaayos ko na ito. Pero ngayon, hindi ko na talaga alam. Ang awkward. Kung bumangon lang sana ako nang maaga e'di walang problema ngayon. Geez.

Ngayong nakalabas na ako ng UOL, kasalukuyan na akong nandito sa river side. Sinadya kong magmadali nang sa gayon ay kung sakaling makalabas na si Foreigner guy ay hindi niya ako makikita. Siguro naman ay nakauwi na 'yung gunggong na 'yon. Bahala siya.

Mula sa kinatatayuan ay umangat ang tingin ko sa sementadong kinaaapakan. Banda rito sa puwesto ko ay patag na siyang nadadagdagan ng maliliit na baitang hanggang dulo kung saan nagmumula ang tubig na umaagos sa pagitan ng UOL. Bukod do'n ay may mga bakod na may hugis katawan ng mga punong nakalagay sa parehong gilid na siyang harang nito. May mga puno ring nakatayo sa gilid at ang mga sangang namumukadkaran ng mga malalagong dahon at bulaklak na nagsilbing panakip sa init ng araw. Ang mas nakakabilib pa rito ay isa-isang nagsisibagsakan ang ilang mga ito papunta sa lapag dahil sa kalakasan ng ihip ng hangin. Kahit papaano ay napagaan nito ang pakiramdam ko.

Hinawakan ko ang lace ng aking sling bag saka naggala-gala ng tingin sa paligid. Bawat parte na makita rito sa river side ng UOL ay talagang nakakamangha. Namumukadkaran ng berde ang lugar. Kagaya ko ay mayro'n ding iilang mga tao rito. Ilan sa kanila'y naglilibot din at nagpi-picture. Thanks to this place. It makes me calm somehow.

Medyo malayo na rin ang nalakad ko mula kanina. Patuloy pa rin ako sa paglalakad nang ilang saglit pa ang lumipas nang may tumawag sa pangalan ko.

"Sierra!" tawag ng isang boses ng lalaki.

Tumalikod ako sa kinaroroonan ng tumawag sa 'kin ngunit hindi ko naman makita.

"Sierra!" pag-uulit ng tumawag sa 'kin. "Destiny!"

Nilibot ko ang aking mga mata hanggang sa tuluyan ko nang makita ang pamilyar na mukha. "Cameron?" nakakunot-noo kong tanong nang makita siya.

Patakbo siyang tumungo sa 'kin. "Sierra," bahagyang humihinga nang malalim niyang sambit.

"Long time no see," nakangiti kong wika saka mahina siyang siniko. "Kamusta ka na?"

"'Eto, g'wapo pa rin," presko nitong sagot at pumorma pa sa harapan ko. "But, Sierra, you look gorgeous as ever," puri niya pa.

Napairap na lang ako sa kawalan. "Wala ka pa ring pinagbago. Bolero ka pa rin," pabiro kong ganti habang bahagyang natatawa.

Before I forgot, Cameron was my high school schoolmate back then. Magdadalawang buwan na kaming hindi nagkikita matapos ang aming graduation sa dati kong school. At oo, gaya nga ng sinabi ko, bolero 'to. But take note, this guy is cool so I won't wonder why he has a lot of friends including me. His attitude suits him well naman.

"E ikaw? Kamusta ka naman?"

"'Eto, ayos lang din. Naglibot-libot lang din ako," kaswal kong tugon.

Tumango-tango lamang siya. "Nabalitaan ko sa kuya mo e nakapasa ka raw. Congrats. Same tayo," nakangiti naman niyang batid sa 'kin.

"That's nice. Sino pala ang kasama mo? Ikaw lang?"

"Yup," tipid nitong sagot. "Bored ako to be honest. Since nagkita naman na tayo at sobrang g'wapo ko rin, kumain na lang tayo. Treat kita. Gusto mo?" alok niya bigla.

Mas lumawak naman ang pagngiti ko sa sinabi niya. Hindi na ako tumanggi. "Sige ba, pero sana naman wala na 'yung salitang, 'gwapo,' kasi panira pa, eh," pabiro kong buska.

Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Just kidding. Oo na, g'wapo ka naman talaga." Manlilibre nga pala 'to. Dapat magpakabait muna ako sa kaniya.

"Tara na. Nagugutom na rin ako."

Napagpasiyahan na naming bumaba na papunta sa parking lot ng school kung saan nando'n ang kaniyang kotse. Hindi ko inaàsahang may kotse na pala siya.

"Hop in."

"May kotse ka na pala?" namamangha kong tanong matapos makasakay sa loob. As I remember kasi hinahatid lang siya ng driver nila sa school namin.

"Oo. Gift sa 'kin ni Papa. Don't forget to wear your seat belt. Tanga ka pa naman," nakabungisngis niyang paalala bagay na ikinasama ng tingin ko sa kaniya.

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Itinaas ko katapat ng mukha niya ang kaliwa kong kamay, pagkatapos ay hindi nag-alinlangang iangat ang gitna kong daliri.

"Fuck you."

***

"So, what's your course?" tanong niya nang mailapag sa lamesa ang in-order niyang mga pagkain para sa 'ming dalawa. "Wait, sigurado ka ba d'yan na shake lang ang gusto mo? P'wede pa akong um-order do'n."

"Oo. Ayos na 'to," tanggi ko sa alak niya. Humigop ako sa shake. "Anyway, course ba? BFA kinuha ko," dugtong ko.

"Weh?"

"Bakit?"

"So sa UOL ka na mag-aaral?"

"Hindi ba halata?"

"Galing. Do'n din ako mag-aaral," masaya pa niyang panayam. Lumawak ang kaniyang ngiti.

"Woah. That was a surprise," ani ko. "E ikaw? Ano course mo?"

"Education."

"Wow naman. Ano'ng major mo?"

"General Mathematics."

Okay... I'm out to this subject. I hate mathematics.

"Geez. Lagi tayong magkikita." Pasimple akong natawa.

"Matanong ko lang, bakit ka nga pala nasa river side? Nag-retake ka ng exam? 'Di ka pa ba pasado, gano'n?" nagtatakang tanong naman niya.

Ewan ko pero nang dahil sa itinanong niy ay tumigil ako sa pag-inom. Mabilis na naglaho ang sigla sa 'kin. I never expect that he would ask this. Lakas niya um-observe. Though I hate lies, I need to lie this time.

"W-Wala. Gusto ko lang mag-ikot-ikot. May pupuntahan kasi ako dapat sa mall pero napadaan ako. So iyon."

"Hmm. Want me to take you to the mall after this?"

"No. Ayos lang sa 'kin. Ako na lang," tanggi ko.

Nagpatuloy lang kami sa pag-uusap hanggang sa kinalaunan ay naisipan na naming umalis na. Sinabi ko na ring 'di na ako pupunta ng mall at ihatid na lang niya ako sa bahay namin. Alam naman niya kung saan ako nakatira. Dumiretso na kami dala-dala ang t-in-ake out na mga pagkain na binili ko para kayla Ate Dani at Kuya Dwayne.

"Ito bahay mo, right?"

"Yeah. Dito na lang," saad ko nang ihinto sa kanto ang kotse niya. Tinanggal ko ang seat belt na nakakabit sa 'kin saka bumaba. Nang masarap ko ang pinto ay kinatok ko ang windshield bagay naman na kaniyang binuksan at sinabing, "Cameron, thank you," nakangiti kong pahabol. For the last time, I gave him a nod.

"No problem. See you next week," he said and winked at me.

Nag-thumbs up lang ako bilang tugon. Kinalaunan ay umalis na siya kung kaya naglakad na ako papunta sa bahay namin. Pagkasara ko ng gate ay biglang may kung anong tumunog sa bag ko. May tumatawag. Inilabas ko ito saka tiningnan kung sino. Tinakpan ko pa ang screenng phone ko pagkakuha gamit ang kaliwang kamay sa kadahilanang maliwanag sa labas kaya ito malabo.

Natagpuan ko na lang na nakaawang ang bibig ko nang makita kung sino ang tumatawag. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ito o hindi. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Lorenz is calling...

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon