DESTINY
"Lorenz," pukaw ko sa kaniya.
"Hmm?"
"Pagabi na. Uwi na kaya tayo," tugon ko.
"It's too early pa." Tumingin siya sa kaniyang relo. "Magsi-six pa lang naman, oh."
"Kahit na," 'di ko pagsang-ayon.
Napabuntonghininga lamang siya. "But I want to spend more time with you. Is it hard for you to cherish this moments? So what kung gabi na?"
Kaagad ko namang napagtanto ang kaniyang mga sinabi. "I'm sorry."
"It's okay. I just wann ask. When is your birthday?"
"Tapos na, 'di ba? Matagal na."
"Then we'll celebrate it."
"'Ha?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko para tumaas nang bahagya ang boses. "Okay ka lang?"
"Tara na kasi, ah. Ngayon lang naman 'to. Samantalahin na natin." Pagkuwa'y dali-dali niyang kinuha ang kamay ko at sinabay sa kaniyang pagtakbo hanggang sa makarating kami sa kaniyang naka-park na motor. "Sakay na," aniya pa.
Wala na akong naging reaksyon pa pagkatapos n'on at basta na lang sumunod sa kaniya. Pinasuot niya rin muna sa 'kin ang helmet saka siya sumakay. Kinalauna'y umalis rin kami. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Gayunpaman, halo-halong mga emosyon ang namumutawi sa 'kin ngayon---kaba, pananabik, at kasiyahan.
***
Huminto ang si Lorenz sa tapat ng beach kung saan nadatnan naming maraming mga tao ang kani-kaniyang nagsasaya ngayon. Sandamakmak na mga pailaw at mga palamuti ang bumabalot sa kabuuan nitong dalampasigan. Dito pa lang sa labas ay nadadama na namin ang malamig na simoy ng hangin. Nililibot ko lang ang aking tingin nang bigla akong hatakin ni Lorenz papasok nang wala mang pasabi at dinala ako sa pinagbibilhan naming palagi ng ice cream ni Lorenz.
"Dalawang large po ng vanilla 'yung nasa cone lang po. Palagyan na rin po ng chocolate drizzle," ani Lorenz sa tindero.
Nasa tabi lang ako ni Lorenz habang ako nama'y pinagmamasdan lang siyang pinapanood kung paano gawin ng tindero ang ice cream. Nang matapos ito ay kaniya itong binayaran saka humarap sa 'kin para ibigay ang isa.
"Thanks."
Nakisabay lang kami ni Lorenz sa mood ng mga tao ngayon. Maraming nagsasaya at talagang may kabuhay-buhay rito ngayon 'di tulad ng mga normal na araw kung kailan kami laging pumupunta rito para magpalipas ng oras o gumala. Huli ko nang napansing magkasabay kaming maupo sa pinong mg bahagi nitong dalmpasigan habang dinadama ang presensiya ng buong paligid maging ang mga alon ng dagat.
"Naalala ko lang 'yung birthday mo noon. That time, malaki akong pagkukulang at nagawang kasalanan sa 'yo. Sana sa ganitong paraan ay makabawi ako," litanya niya.
Ntutop ako't natigil sa pagkain ng ice cream nang humarap ako sa kaniya. "Hindi, hindi, Lorenz. Hindi mo naman ako obligasyon no'ng mga panahong 'yon saka mataga na 'yon. Kalimutan na rin natin 'yung mga masasamang nangyari kasi wala naman tayong mapapala," dugtong ko pa.
Pagkatapos n'on ay di ko inaasahang magiging tahimik kaming pareho. Mabilis akong nakaramdam ng pagkailang sa pagitn naming dalawa. "Lorenz..."
"It's okay. I understand naman. Te amo."
Kahit gabi man ay naaninag ko pa rin ang paggalaw ng kaniyan ulo nang siya'y humarap sa 'kin kung kaya gano'n na rin ako.
"Wanna dance?" pang-aalok niya sa 'kin.
Basta na lang akong napalingon sa buong paligid at nakita ang karamihan sa mga taong nagsasayaw kasama ang kani-kanilang partner. "Pero, Lorenz, hindi pa 'ko tapos," pagdadahilan ko nnaman.
"Later na 'yan. I just cann't sit here and waste all my remining time. Tara na, Destiny." Nilahad niya sa 'kin ang kaniyang nakabukas na palad.
Wala na akong ibang napagpilian kundi itapon ang natitira ko pang ice cream saka tumayo para samahang si Lorenz na sabik na sabik na sanang idiin. Pumuwesto kami sa gitna at hiawakan niya ang pagkabila kong bewang. Ako naman ay parehong nasa kaniyang balikat.
"Let's just enjoy this moment, please," aniya't hinalikan ako sa 'king tabi.
I was left speechless for a while.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...