Chapter 56: Desiring Couple

99 8 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Are you ready?" kaswal kong tanong.

"Yup," sagot niya. "Nando'n na ba sila? Nag-message na sa 'yo si Lauren?"

"Pero papaalis pa daw sila. Kasama niya kasi sina Tyson at Ryker."

"Ahh... Sumabay na sa kan'ya?"

"Oo."

"Oh siya, magbihis ka na. Magto-toothbrush lang ako," aniya.

Tumango na lang ako bilan pagtugon. Umakyat na ako sa taas papunta sa kuwarto niya at iniwan siya na siya sa baba. Pagpasok ko sa loob ay kaagad akong nagbihis ng simpleng puting dress at nagsuot ng sandals. Pagkuwa'y humarap ako sa salamin ni Lorenz sa kaniyang closet para ayusan ang sarili lalo na sa buhok. Sinuklayan ko lang ito at hinayaang nakalugay. Naglagay na rin ako ng kaunting lipstick sa 'king bibig gayong amputla nitong tingnan. Mukhang ayos na 'to.

Aalis kami ngayon ni Lorenz para pumunta sa beach dahil mayroong event do'n ngayong gabi na inanunsyo lang kamakailan. Mabuti na lang at nakita namin ni Lorenz nang makadaan kami kaya inaya na rin namin maging sila Lauren tutal wala naman kaming pasok sa lahat sa araw ng Sabado. 'Di lang ako sigurado kung ano mismo ang event pero parang party siya at talagang masaya. Ang maganda pa rito ay wala ka ng entrance fee'ng kailangan pang bayaran maliban na lang sa mga pagkaing sa loob. Puwede namang magdala ng sariling mga pagkain pero napagpasiyahan naming 'wag na lang at do'n na bumili gayong masasarap naman ang mga pagkain do'n. Gusto ko rin kasing subukan 'yung mga pagkaing-dagat na nando'n.

Lumabas na ako ng kuwarto ni Lorenz dala ang aking sling bag sa 'king balikat. Pagkababa ko ro'n ay sakto namang tapos na siya habang nakatingin sa salamin para ayusin ang pagkakasuot ng kaniyang makapal na jacket. Mabilis ko namang naagaw ang atennsyon niya nang makita niya akong nasa baba na.

"Are you done?"

"Yup."

"Anong oras na ba?

"Alas-otso na."

"Tara na. Isang oras na lang at magsisimula na 'yon."

***

Marami ng mga tao nang makarating kami ni Lorenz do'n gamit ang kaniyang motor. Naabutan pa nga namin ang ibang kakarating lang din at isa-isang pumapasok papunta sa dalampasigan. Mula pa nga lang dito sa labas ay natatanaw ko na ang makukulay na mga pailaw at naririnig ko na rin ang nakakaengganyong patutog. Mukhang ganito nga ang nasa isip kong party ngayong gabi.

"Nasa'n na sila?" pabulong na tanong ni Lorenz sa tabi ko.

Hindi na ako nagsalita pa't pinagdaop na ang mga kamay namin saka hinila kasama siya para pumasok kasabay ng ibang mga tao. Nang makarating kami sa loob ay tuluyan na kaming namangha sa buong paligid. Kumpara kanina sa labas ay mas nakakabighani at makulay ito.

"Geez, ang ganda rito, Lorenz," sambit ko dala ng emosyon.

"Yeah."

Naglakad kami ni Lorenz para maglibot hanggang maya-maya'y may tumawag na pamilyar na boses sa 'kin.

"Cuz!"

Napalingon naman ako sa direksyon kung saan ito nagmula at do'n ko nakita si Lauren papunta sa 'kin. Kasama niya rin sina Tyson at Ryker.

"'Ayun sila, Lorenz," turo ko.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay kumalas na ako sa pagkakahawak kay Lorenz para lumapit kay Lauren. Gano'n na lang kami parang bata kung tingnan dahil nagyakapan pa kami sa isa't isa at tumalon-talon.

"Ang ganda rito, Cuz," ani Lauren.

"'Wag ka, mas maganda pa rin ako," pabiro ko namang tugon.

Nagtawanan lang kaming lahat hanggang sa nagkayayaan na kaming kumain. Hindi rin pala sila naghapunan gaya namin ni Lorenz para makarami kami ngayon. Sulit-sulit naman kaming lahat sa mga pagkaing hinanda sa 'min maging ang aming mga binayad. Talagang nakakadagdag din sa mood ang patugtog ng mga DJ kaya nang matapos ay nakisali rin kaming lahat sa mga taong nasa gitna na may kani-kaniyang mga flying lantern.

"Hingi kayo ro'n, oh," wika ni Lauren bagay na amin namang sinunod ni Lorenz.

Kumuha kami ng tig-isa ng mga ito at nagkaroon ng pribadong sandali para sa 'ming dalawa nang humiwalay muna kami kayla Lauren. Malapit kami ngayon sa tubig habang hawak-hawak ito.

"Before you let that away, please make your own wish," anunsyo ng DJ.

Nagkatinginan namin kami ni Lorenz pagkatapos n'on.

"What's your wish?" panimula kong tanong.

"My wish? Hmm... Simple lang siguro. I just wish that you would stay with me forever or vice versa. We don't know for what will happen in the future but I hope it would be the same the way we wanted to be," mahaba niyang sagot. "How about you?"

Napabuntonghininga naman ako kasabay ng pag-iisip. "Simple lang din 'yung akin. I wish na kahit ano'ng mangyari, never na magiging option ang breakup." Nginitian ko siya.

"That's kinda emotinal."

"Bitawan ko na?" pagtukoy ko sa hawak ko.

"Sabay na tayo."

Sa isang buntonghinina ay magkasabay namin itong binitawan kasabay ng iba. Umangat ang aming tingin para pagmasdan ang itaas na nagliliwanag dulot ng mga ito. Ang ganda at kalmado nilang tingnan sa mga mata.

"Let's play? Try to catch me."

Huli ko nang napagtantong tinakbuhan na niya pala ako. "Lorenz, hoy!"

"Habulin mo 'ko!"

Wala na akong magagawa kundi ang habulin siya. Sa pagtakbo ko ay bigla na lang akong kirot sa 'king dibdib dahilan para ako'y mapayuko at maghabol ng hingina. Mariin akong napapikit dahil sa bawat pagsinghap ko ay mas lalo itong sumasakit na para bang pinupunit kung kaya 'di ako huminga nang ilang segundo. Pagkaraan n'on ay unti-unting umangat ang tingin ko at nakitang patuloy pa rin sa pagtakbo si Lorenz. Tumayo na 'ko't nagpatuloy sa paghabol sa kaniya.

"Lorenz, hoy!"

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon