Chapter 49: Settled

79 5 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Hmm... Hmm..."

"It's already morning, Destiny. Wake up na."

Naniningkit kong minulat ang mga mata ko nang makaramdam ng bahagyang pagtapik sa 'king balikat. Unti-unti akong lumingon dito at muha kaagad ni Lorenz ang bumungad sa 'kin. Basa pa ang kaniyang buhok at may iilang patak ng tubig na tumutulo sa mukha ko kung kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

"Good morning."

"'Yung buhok mo," wika ko. Pagkuwa'y nag-inat ako ng aking katawan saka umupo na mula sa pagkakahiga. Tahimik lang akong natulala sa kawalan hanggang sa tuluyan nang bumalik sa sarili pagkaraan ng ilang saglit. Nilingon ko si Lorenz na kasalukuyang naka-shorts lang at walang pang-itaas. May tuwalya pang nakasabit sa kaniyang leeg. Pabalik-balik lang ang sulyap ko sa mukha at katawan niyang may iilang mga butil pa ng tubig. "Naligo ka?" wala sa sarili kong tanong. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil namumutawi ang pagkailang ko sa kaniya. 'Yung mga utong niya kasi... kulay pink.

"What are you looking at?" nakaangat ang kilay niya namang tanog pabalik sa 'kin. Pumangalumbaba rin ang kaniyang mukha para tingnan ang kaniyang mga utong. "What's with my chest?"

Dali-dali akong napaiwas ng tingin at ituon ang sarili sa balkonahe saka umiling.

"Huh? You're staring on my chest for a couple of seconds. Gusto mong hawakan, 'no?"

Nakakunot-noo ko naman siyang hinarap muli dahil sa kaniyang sinabi. "Hoy, hindi, 'no," iling ko. "Nagtataka lang ako kasi dinaig mo pa 'ko."

"Why?"

"Kasi 'yung nipples mo kulay pink," pagtatapat ko't hindi na napigilan ang sarili para tumawa sa sariling kalokohan. Bukod pa ro'y bigla ko 'yong sinundot dahilan para siya'y makiliti nang kaunti.

"Don't. You're harassing me." Umakto talaga siya na parang may gagawin akong masama sa kaniya.

Mabilis namang nagbago ang reaksyon ko. "Hoy, hindi. Ang feeling mo."

"I'm just kidding," aniya't hinawi ang buhok ko sa harapan ng aking mukha.

Natikom ako dahil sa kaniyang ginawa.

"You're blushing red," nakangiti niya pang sabi.

Kaagad naman akong napahawak sa pisngi ko. "Hindi... Mainit lang," pagdadahilan ko naman.

"Mainit? The aircon is on. Don't lie."

Sinamaan ko lang siya ng tingin sa pabirong paraan. "Ikaw kasi, eh," sabi ko't agad na hinablot ang unan sa tabi ko saka ito hinampas sa kaniya.

"Stop!" Todo depensa naman siya sa kaniyang mukha habang panay ang pagtawa.

"B'wisit ka. 'Yung buhok mo basa pa. Natutuluan pa 'ko."

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon