Epilogue

352 9 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Makaraan ang dalawang linggong pagpapahinga pagkatapos ng operasyon, sa wakas ay makakauwi na rin ako. Kasalukuyan akong nakasakay sa kotse namin habang nakatitig lang sa labas ng bintana. Sa isip-isip ko'y 'di na ako makapaghintay para makita si Lorez.  Sana'y nasa bahay siya pag-uwi ko. Gustong-gusto ko na siya muling makita.

"Magpahinga ka muna, Destiny pag-uwi. 'Wag muna masyadong mag-isip ng mga kung ano-ano. Kailangan mong magpahinga para mabilis kang gumaling. Babalik pa tayo every week for checkup mo," mahabang litanya ni Mommy bagay na madali ko namang naintindihan.

Naging matagl bago akosumagoot. "Opo."

"Sa k'warto ang diretso mo. Naglinis na ro'n si Yaya Cha. Matulog ka lang muna," pagsingit pa ni Daddy.

Hindi na ako kumibo p't napabuntonghininga na lang nang palihim.

Sa mga araw na 'yon ay hinahanda ko ang aking katawan para s operasyon kogayong kinkailangan ko ng heart transplant. No'ng una'y natatakot ako dahil ito ang unang beses na ooperahan ako subalit ito lang ang tanging paraan para mabuhay pa ako. Sinabihan ako ng doktor na kung papatagalin pa ang paghihintay ay mas lalala pa ang sakit ko o ang mas hipit pa ro'n ay baka humantong sa puntong 'di na kayanin ng katawan ko at tuluyan na akong mamatay.  Itong operasyon na 'to ay nagkakahalaga ng milyo-milyong halaga ng pera kung kaya lahat ng naipon ko sa mga sining ko ay rito lang napunta. Masakit kung iisipin pero hindi namin kami gano'n kayaman kaya wala na akong pagpipilian pa. Sa araw ng operasyon ko ay pinatulog muna nila ako hanggang sa nagising na lang ako ritong nakaratay at tapos na. Nagpapagaling na lang ako hanggang heto ako at papauwi na sa bahay.

Nang magising ako ng mga oras na 'yon ay siya kaagad ang hinanap ko, pero sila Daddy lang ang nando'n para sa 'kin. Sa tuwing nagtatanong ak kung nasa'n na siya ay sinasagot lang nilang hindi pa umuuwi si Lorenz galing Spain. Ako naman ay patuloy pa rin sa pag-message at pagtawag sa kaniya ngunit isa ro'n ay wala mang nasagot kung kaya sa huli'y hinayaan ko na lang siya saka nagpatuloy sa paghihintay. Nag-aalala ako sa totoo lang.

"We're here," ani Mommy nang may galak.

Dahil sa puwersa dulot ng pagpreno ni Daddy ay mabilis kong napagtantong nandito na kami malapit sa bahay namin. Unti-unti na siyang nagbagal ng pagmamaneho hanggang sa tuluyan na kaming makapasok sa loob ng gate. Sinalubong kami nina Yaya Cha sa labas at napangiti naman ako nang makita nang malapitan ang bahay namin. Na-miss ko rin ang tahanan namin. Ang tagal na rin no'ng huli akong nakauwi rito.

"D'yan ka lang muna, Destiny," habilin ni Daddy.

Tumango lang ako.

Magkasabay na bumaba sina Mommy at Daddy mula sa kotse at iniwan akong mag-isa. Naghintay lang ako ro'n saglit at pinagbuksan na nila ako kinalaunan.  Inalalayan nila akong makababa at laking gulat ko na lang nang makita sila Ate Dani na sumalubong sa 'kin. Nakakaagaw pansin ang ilang mga lobo at banner sa taas.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon