Chapter 55: New Life

97 6 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

It's been weeks since happenings have passed. We do our daily routine. Things go the way it should be not until our schoolworks interrupt that's why Lorenz and I decided to have our own focus in our priorities. Tinambakan na kasi kami ng projects and activitie na kailangan mapasa bago ang deadline. Mas mainam na ring ginagawa namin nang mas maaga nang sa gayo'y hindi na kami magahol sa oras. Malapit na rin kasi ang exam namin kaya kailangang i-manage ang mga oras namin nang tama. Bali hanggang chat or calls lang muna kami pero pagkatapos naman nito ay sisiguraduhin naming babawi kami sa isa't isa.

"Are you sure na kaya mong umuwi nang mag-isa?" tanong ni Lorenz sa 'kin sa huling pagkakataon. "P'wede naman kitang ihatid na lang," dugtong niya pa.

"Oo, kaya ko na. Baka maistorbo pa kita sa gagawin mo," tugon ko.

"Istorbo? Hindi, ah."

"Never mind. By the way, nasabi ko na ba sa 'yong may good news daw sila Kuya?" paniniguro ko.

Npaisip naman siya na tila ba may inaalala. "Hmm... Wala naman."

"Kaka-message lang kasi kahapon sa 'kin ni Kuya kagabi. Tulog ka na yata n'on. Gusto niya nga na pumunta ka rin kasi may dinner ulit kami. Since may ginagawa ka pa, unahin mo muna 'yan ta's sunod ka na lang sa 'kin pagkatapos. Kasama rin sina Tyson at Ryker so don't worry," mahaba kong litanya nang nakangiti sa kaniya bagay na kaniya namang ikinatango. Pagkuwa'y kinuha ko na ang bag kong naglalaman ng aking mga gamit. "Mauna na 'ko. See you later." Tumalikod na ako para lumabas ng kaniyang dorm subalit nang akmang ihahakbang ko na ang mga paa ko nang bila niyang higitin ang aking kamay.

"Where's my kiss?"

Nakahangi naman ako nang maluwag sa sinabi niya. Nagtaka kasi ako sa ginawa na. "ito na," natatawa kong sambit. Tumingkayad ako nang kaunti at dinampian siya ng aking halik sa kaniyang pisngi. "Happy na?" sarkastiko kong tanong sa pabirong  paraan.

Malawak namang kumurba ang kaniyang mga labi. "Take care."

"Ikaw rin," sabi ko pabalik saka tuluyan na ring umalis.

***

Nang makababa ako sa tricycle sa tapat ng aming gate ay kaagad akong dumiretso sa bahay. Pagpasok ko'y kaagad na bumungad sa 'kin si Lauren na abala sa pagbuo ng puzzle sa sahig. Umangat ang kaniyang tingin sa 'kin at gano'n na lang ang naging reaksyon niya nang makita ako. Walang anu-ano'y niyakap  niya ako at parang batang umasta dala ng kaniyang emosyon.

"Ang tagal na nating 'di nagkita," aniya.

"Same, Sis. Medyo busy na kami kaya hindi na rin nakakalabas ng classroom,"  wika ko't kumalas sa pagkakayakap. "Ikaw lang ba ang nandito? May kasama ka ba?"

"Ako lang. Mamaya pa raw pupunta sila Papa. Nauna lang akong pumunta rito."

"Ah..." tango ko "Nasa'n pala sila Mommy?"

"Nando'n sa kusina kasama 'yung mga yaya," turo niya sa direksyong 'yon.

"Sige, sige. Maiwan muna kit. Magmano lang muna ako." Pagkasabi ko n'on ay dali-dali akong naglakad patungo sa kusina kung saan ko nadatnan si Mommy na kasalukuyang nagluluto kasama sina Yaya Cha at Yaya Pia.

"Oh, Destiny, napaaga ka yata?"

Nagmano ako. "Opo, Mommy. May aasikasuhin po kasi ako ngayon," sagot ko.

"Ikaw lang? Nasa'n si Lorenz? Ba't 'di mo kasama?" sunod-sunod niya pang tanong.

"Mamaya pa po ang dating niya. May ginagawa pa po kasi siya. 'Di ko lang po sure kung makikisabay siya kina Tyson at Ryker," paliwanag ko naman.

"Buti naman para marami tayo. Marami rin kasi ang mga lulutuin ko ngayon kaya kailangan maraming kakain. Masasayang lang 'to kapag natira."

"Si Daddy pala, Mommy?"

"Umalis lang  saglit. May kinuha lang kasama si Dwayne."

"Ano po pala 'yung good news na sinasabi niya?"

Bigla naman siyang napangiti sa tinanong ko. "Malalaman mo mamaya. Siya na lang ang magsabi sa 'yo."

Napatango na lang ako. "Akyat muna ako sa taas, Mommy."

***

Nang sumapit ang magkagabihan at napuno na ng mga tao ang bahay namin dahil dumating na ang mga kulang maging si Lorenz na siyang huli. Nandito siya sa kuwarto ko at pinaliwanag na kaya raw sila nahuli ng dating ay dahil hinintay niya pa raw sila Tyson na sunduin siya pero nalaman na lang niyang nauna na sila kung kaya mag-isa na siyang pumunta rito gamit ang kaniyang motor. Bali ngayon ay tinawag na kami ni Mommy kaya lumabas na kami ni Lorenz para bumaba patungo sa dining area namin.

Nadatnan namin silang lahat na nakaupo na sa kani-kanilang puwesto. Nasa gitna nila ang mahabang lamesa.

"Destiny, upo na kayo ni Lorenz. Do'n kayo umupo. Tabi kayo," anyaya ni Daddy.

Magkasabay naman kaming umupo ni Lorenz na natitirang dalawang mga upuan sa gilid ng lamesa. Nasa  harapan na rin namin ang iba't ibang mga pagkain. Sigurado akong sabik na ang lahat para dito dahil mababakas naman dito sa kanilang mukha. Baka ngayon na yata sasabihin ni Kuya Dwayne ang ood news na marahil ay nararamdaman ko na pero 'di naman ako 100% sure.

"Dwayne, sabihin mo na 'yung good news mo, oh," pang-uudyok ni Daddy dahilan para pamunta sa kanila ni  Ate Tiffany ang aming mga atensyon.

"Spill na," gatong naman ng ama ni Lauren.

"Sabihin mo na," sambit ko naman.

Nagkatinginan pa sina Kuya Dwayne at Ate Tiffany.

"Ang tagal naman, Kuya Dwayne," pabirong asik ni Lauren.

Napakuyom pa ng kamay si Kuya habang nakangiti. Bumuntonghininga siya bago sumagot. "Okay, the  good news is..." Sinadya niyang bitinin ang kaniyang sinasabi. "Tiffanny is 3 weeks pregnant and soon will have our first baby. Magiging lolo't lola na sila Mom," pagpapatuloy niya bagay na aming ikinatuwa kung kaya nagsigawan pa kaming lahat sa binalit niya.

"Congrats naman."

"Magiging daddy na si Dwayne. Binata na."

"Ninang ako."

"Sana girl."

"Sana boy."

We all cheered in hapiness. Magkakaroon na ulit ng bagong miyembro ang aming pamilya. Dahil din do'n ay nasimula na kaming kumain nang masagana. Patuloy pa rin ang pag-uusap pero kami ni Lorenz ay nanatili nang tahimik at nag-focus na lang sa kinakain namin. Habang nasa kalagitnaan ng pagnguya ay bigla na lang tumunog ang phone kong nasa 'king bulsa kung kaya tinigil ko muna ang pagkain ko para  silipin kung ano ito.

Pagkalabas ko ng aking phone ay laking pagtataka ko na lang nang makita ang iisang message ni Lorenz. Napabaling tuloy ako sa kaniya.

Lorenz Aldous

Lorenz
Someday, we will be just like them. We will have our own famil. That's my promise.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon