DESTINY
Napabuga na lamang ako ng hangin pagkaraan. Wala na akong ibang nagawa kundi ang humigpit ang pagkakahawak sa strap ng aking bag saka bumaling sa kalsada kung saan dumaan si Lorenz.
"Cuz!"
Maya-maya pa'y narinig ko na lamang may tumawag sa 'king pamilyar na boses bagay na mabilis ko namang napagtanto kung kanino 'yon nagmula. Dali-dali akong humarap sa direkyon ng tumawag sa 'kin at do'n ko nakita si Lauren'g papalapit sa 'kin.
"Kanina pa kita hinahanap. Nand'yan ka lang pala. Buti na lang at nakita ko sila Tyson kaya tinuro ka nila rito. Sino ba 'yung kau---" Hindi na niya natuloy pa ang kaniyang dapat sabihin nang mabilis itong maintindihan. "Iniwan ka ni Lorenz?"
Napaangat naman ang mga kilay ko sa naging tanong niya. "Iniwan kaagad? Hindi ba p'wedeng may pupuntahan lang siya kaya hindi kami natuloy ngayon?" balik kong tanong sa kaniya. "OA, ha."
"E ba't parang nakasinghal mukha mo?"
Napabuntonghininga na lang ako sa kakulitan at sunod-sunod na mga tanong ni Lauren kaya naman nagpatuloy na ako sa paglakad saka siya nilampasan. Ilang mga hakbang pa lang ang nagagawa ko nang huminto ako para tanungin siya at sadyaing ilihis ang usapin. "Ano? Sasabay ka ba sa 'king umuwi?"
"May pupuntahan din ako, Cuz. Hindi ako makakasabay sa 'yo kaya mauna ka na muna. Next time na lang," sagot niya.
Hindi na ako kumibo pa't tumungo na paalis. Kaswal lang akong naglalakad habang nakahawak ang isang kamay sa strap ng aking bag nang laking gulat ko na lang nang makita si Cameron'g nakatayoo sa isang gilid na para bang may hinihintay.
"Uy, Sierra."
"Ano'ng ginagawa mo rito?" payak kong tanong.
"Narinig ko usapan n'yo ni Lorenz saka ni Lauren. Mukhang malungkot ka. Kung ayos lang sa 'yo, ako na lang ang maghatid sa 'yo pauwi para hindi ka na mamasahe," pag-aalok niya sa 'kin.
"I can handle myself naman, Cam. Salamat sa offer," pagtanggi ko naman hindi dahil sa mood ko ngayon kundi dahil sa hiyang nararamdaman kung sakaling magpahatid pa ako ay talagang istorbo pa 'yon sa kaniya. Tumango lang ako bago siya lagpasan ngunit kaagad niya ring hinigit ang kamay ko.
"Sige na, Sierra, kahit ngayong lang. Please," pangungulit niya pa.
Napabuntonghininga na lamang ako at 'di na pumalag pa.
***
Mabilis din naman niya akong nahatid sa eskinita kung saan pa ako maglalakad nang kaunti papunta sa bahay namin. Sa sobrang taranta ko nga'y nawala na sa isipan kong pasalamatan siya't basta na lang sinara ang pinto saka siya nilisan. Tinawag niya pa ako ngunit 'di ko na nagaawa pang tumugon at nagpatuloy na lang. Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay lumingon pa rin ako sa 'king binabaan at nakitang wala na siya ro'n. Kasabay naman n'on ay bumuhos pa ang malakas na ulan kung kaya patakbo na akong nagmadali hanggang sa makapasok na ako mula sa gate patungo sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomansThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...