Walang tigil ako sa paghugot ng malalalim na mga buntonghininga habang nakatulala sa kawalan. Hating gabi na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Heto ako ngayon at nakahiga lang sa kama habang nakayakap sa 'king malambot na unan. Kanina pa ako nilalamon ng sariling pag-iisip.
Sa mga nagdaang mga araw ay mas lalong lumalala ang sakit kong nararamdaman. Ilang araw na rin akong absent para lang makapagpahinga pero wala namang nangyayari. Nitong nakaraan lang ako nakauwi dahil sinabihan na ako ng doktor na sa bahay ko ipagpatuloy ang pagpapagaling ko. Bukod do'n, kung gaano ako nagtagal sa ospital ay ganundin ang tinagal ng hindi naming pagkikita ni Lorenz. Puro lang kami sa call at chat nakakapag-usap. Iniisip ko na lang na baka busy lang siya or what pero ang weird kasi. May something weird lang.
Bumuga ako ng hangin.
Aldous Lorenz
Destiny Sierra
Lorenz, kamusta ka na?
Halos magdadalawang-araw na siyang walang paramdam sa 'kin. Gustuhin ko man siyang puntahan sa kaniyang dorm ay hindi ko magagawa dala ng kalagayan ko ngayon. Hindi naman ganito si Lorenz noon pa man.Tumagilid ako ng higa at sakto namang napunta ang paningin ko sa orasan na nakasabit sa pader ng aking kuwarto. Alas dose na ng madaling araw.
Dulot ng pagkauhaw ay napilitan akong bumangon mula sa pagkakahiga at bumaba sa kama. Pagkuwa'y maingat kong pinihit ang seradula ng pinto para makalabas nang sa gayo'y hindi ako makabuo ng anumang ingay. Nagpatuloy lang ako sa pagbaba hanggang sa tahimik kong narating ang sala. Madilim ang paligid dahil patay na ang mga ilaw subalkt sapat naman ang liwanag na nagmumula sa buwan para maaninag ko ang aking nilalakaran. Isa pa, may ilaw naman kapag binuksan ko 'yung ref. Akmang maglakad na ako patungo sa kisino ay gano'n na lang ako tumigil sa paghakbang nang makita sina Mommy at Daddy. Nag-uusap silang dalawa. Napakunot naman ang noo ko at sa 'di malamang dahilan ay gumilid ako sa tabi at nakinig nang maigi sa kanila.
"Drev, hindi ka ba nag-aalala sa anak natin? Sabi ng doktor, hindi raw umuubra ang gamot na pinapainom sa kan'ya. Para ngang lumalala pa."
"I know. That's why I'm worrying too."
"Sa totoo lang, may pinagtapat sa 'kin ang doktor."
"Pinagtapat?"
"May sakit ang anak natin, Drev. May sakit si Destiny sa puso. Sinabi sa 'kin ng doktor na may vulvular heart disease siya. Malaki ang kinakailangan nating pera para sa pampaopera at transplant niya."
Para akong naging bingi matapos marinig ang pinagtapat ni Mommy. Natagpuan ko na lang na napatakip ako sa 'king bibig at unti-unting lumabo ang mga mata dala ng pagluha. Dahil dito ay 'di ko na napigilan pa ang aking sarili para hindi magpakita sa kanilang dalawa.
"Mommy, Daddy," mangiyak-ngiyak kong tawag sa kanila. "Tama ba 'yung narinig ko?"
"Anak," ani Mommy.
"Destiny."
Gano'n na lang ako mas maluha nang akmang lalapit sila sa 'kin para aluin ako subalit bago pa man nila ako mahawakan ay bigla na lang akong namaluktot sa sakit at napahiga sa malamig na sahig nang umariba na naman ang pananakit ng aking dibdib sanhi para aligaga silang alalayan ako.
"A-Ang sakit..."
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...