DESTINY
"Go home right away after your class," Kuya Dwayne reminded me for nth time. "'Wag ka na maggala-gala."
"Oo na. Paulit-ulit ka," naiirita ko namang tugon. "Kanina ka pa sa bahay."
"Aba, dapat lang." Hininto niya ang kotse sa tapat ng UOL saka tinanggal ang pagkaka-lock ng pinto ng sasakyan.
"Tsk. Bye na," wika ko na lang bago lumabas. Instead of talking him back, I just grabbed my bag and started walking on the way to the UOL.
One week after my remaining vacation, today will now begin my life as a college student. Nagising pa nga ako nang madaling araw masiguro lang na hindi ako ma-late. Medyo nae-excite na nahahaluan ng kaba ang nararamdaman ko ngayon, s'yempre. Of course, sino iba't ibang mga mukha na naman ang makakasalamuha ko nito.
Ngayong nandito na ako quadrangle ng UOL, ito na nga 'yon. Bukod sa 'kin ay marami-rami na rin ang mga estudyanteng nagsisipasukan sa kani-kanilang room.
"Destiny!" tawag ng pamilyar na boses sa 'kin.
It seems that I already knew who owns that voice.
"Cuz!"
Bumaling ako sa pinagmulan nito at do'n ko nakita si Lauren na kumakaway sa ilalim ng puno. Malawak ang ngiti nitong lumapit sa 'kin sukbit ang kaniyang bag.
"Cuz," tawag niya pang muli. Inangkin niya ang kamay ko at parang bata siyang tumalon-talon sa harapan ko.
Mahina ko siyang tinapik sa ulo. "Gaga. Para kang tanga. Umayos ka nga," pabiro kong sambit. 'Di ko na napigilang matawa rin. Naitakip ko na lang ang aking palad sa bibig ko. Sabik na sabik na nga kami.
"Excited na ako mag-aral," aniya.
"Sus, sa una lang 'yan. 'Di mo alam buhay ng college, gaga. Education rin course mo, right? Major in English?"
"Yes," tango niya.
"Sa una ka lang n'yan sisipagin. Anyway, e'di pareho kayo ni Cameron? Education rin course niya, 'di ba?" kumpirma ko pa. Naging magkaklase na rin kasi sila no'ng elementary kami.
"Oo. Pero Mathematics ang major n'on. Ekis tayo r'yan." Nag-form pa siya ng ekis gamit ang kaniyang mga braso.
Ako tuloy ay nahampas siya sa kaharutan. "Gaga ka talaga." Napailing na lang ako sa kalokahan nitong si Lauren.
"Pero, Cuz, pansin mo, ang cute natin sa uniform, 'no?" tanong nito nang nakataas ang dalawang kilay. Umikot pa siya nang nakahawak sa dulo ng kaniyang palda na animo'y pinapaangat ito sa hangin.
Pagtaas lang ng isang kilay ang tinugon ko.
Just like what she've said, our school uniform is kind of a cute, and also different as well. Magmula sa kulay, tela, burda, at pagtahi ay napakaganda talaga at malinis ang pagkakagawa. Sa pang-itaas ay nakasuot ako ng puting long sleeve na pinaibabawan ng dark green coat. Bawat end line nito ay may telang itim na nakahatahi bagay na nagpadagdag angas sa dating dito. May tatlo lang nakakabit na butones dito at kada isa ay may mga nakaukit na, "U," "O," at "L." Kagaya ng kulay ng coat ko, gayundin ang aking necktie. Nakaburda rito ang letrang, "F" dahil freshmen student ako. Sa pang-ibaba naman ay dark green checkered skirt na two inches below the knee. Huli ay puting high socks na sinamahan ng itim na sapatos. Ang mas nakakabighani pa rito ay may University ID na rin kami first day of class pa lang. Kasabay itong ipinamigay kasama ng uniform namin. Awesome, 'di ba?
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
Roman d'amourThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...