DESTINY
"Nasa'n ka na ba?"
"Malapit na 'ko. Just wait for a minute. I love you."
"Okay, okay."
"Wala bang, 'I love you, too?'"
"Nagtampo pa. O siya, I love you more."
"Ang cute mo."
"Thanks."
"Oh, ito na. Nandito na 'ko papasok sa street n'yo."
Ako na ang pumutol sa linya ng pag-uusap namin ni Lorenz pagkatapos at binaba ito sa 'king kama. Malalim akong napabuntonghininga. Umupo ako saglit at bumaling sa bintana ng kuwarto ko para magmuni-muni saglit. Namalayan ko na lang na may nakausling kurba sa 'king labi. Masaya ako.
Isang buwan ang nakalipas, maraming nagbago. Talagang sa una'y nakakapanibago ngunit unti-unti, nasasanay naman ako. Wala na si Kendra. I mean, hindi siya namatay or what pero magmula kasi n'on ay hindi na siya pumapasok. Siguro ay dala na rin ng hiya kaya gano'n. 'Yung kay Kuya Dwayne naman, pagkatapos ng gabing 'yon ay hindi na siya nanatili sa bahay. Marahil ay naninirahan siya ngayon sa bahay nila Ate Tiffany. Bukod pa ro'n ay muling tinanggap nina Mommy at Daddy si Lorenz. Sa una'y napaka-awkward pero nang tumagal, naging maayos na rin ang lahat. Baka nga isa rin 'yon sa mga rason kaya hanggang ngayon wala pa si Kuya. Gayunpaman, hinayaan ko na lang ito. Parang ang lahat ay nangyari lang kahapon.
"Destiny!"
Sa oras na marinig ko ang ko ang kaniyang boses ay kaagad akong napaigtad mula sa pagkakaupo at dali-daling sumilip sa labas ng bintana. Doon ko nakita si Lorenz sa simple niyang damit. Kumaway siya sa 'kin kung kaya kinawayan ko rin siya pabalik. Tuluyan na akong napangiti nang malawak.
"Wait lang," senyas ko sa kaniya. Kinuha ko na ang bag kong nakasabit sa seradula ng pinto at nagmadaling lumabas sa kuwarto para bumaba.
"Oh? May gala kayo ni Lorenz?" kaswal na tanong ni Ate Dani nang makita niya ako pagbaba.
Tumango ako. "Oo."
"Ingat kayo."
Hindi na ako kumibo pa't nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa makalabas ako sa bahay namin. Nadatnan ko sa labas ang nakatayong si Lorenz. Hindi niya maitago ang kaniyang ngiti nang makita niya ako kung kaya agad niya akong niyakap pagkalabas ko ng gate.
"You're gorgeous," puri niya pagkakalas niya ng pagkakayakap sa 'kin.
"Salamat," wika ko naman. "G'wapo ka naman." Hindi ko na napigilan ang sarili ko para pisilin ang kaniyang malambot na pisngi saka malimit na dampian siya ng halik dio. "Ambango. Amoy baby," dagdag ko pa.
"Don't be silly, Destiny. Anyway, where's your parents? Are they here?"
Umiling ako. "Wala sila. Umalis kanina pa. Nagpa-spa kasama sina Yaya Cha at Yaya Pia. Nilibre siguro. Day off nila ngayon, eh," sagot ko.
"Ah..." tango naman niya. "Are you ready?"
"Kahapon pa."
Dumiretso na siya sa kaniyang motor at sumakay na rin. Kinasa na niya ang susi rito para paandarin ang makina ng kaniyang motor. Humara siya sa 'kin para iabot ang helmet. "Wear this," aniya saka pabatong ibinigay ito.
Sinalo ko naman ito at sinuot na rin. Nang maging ayos na'y tumungo na ako sa kaniyang motor at umangkas na rin kinalaunan. "Okay na."
"Hug me."
"Tsk." Pabiro naman akong napairap. Sumunod naman ako sa kaniya. "Oh."
"Hold tight."
***
Papalubog na ang araw nang makarating kami sa pupuntahan namin. Heto ako ngayon at kasalukuyang kumakain ng ice cream na binili sa 'kin ni Lorenz habang nakaupo kami sa pino at puting mga buhangin dito tabing dagat sa silangang parte ng Linvilla.
"Parang kailan lang, ang sungit mo pa n'on sa 'kin. Pero ngayon, mas matamis ka pa sa asukal," bulong at bungisngis ni Lorenz.
"Huh? Ba't ako?" Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin pagkakain ko ng huling parte ng apa. "Ikaw kaya 'yung masungit sa 'kin. Tanda mo, ako nauna n'on sa paint brush pero kinuha mo pa rin? Ta's 'yung debut party ni Cass noon? Ta's na-late lang ako saglit sa second take mo ng entrance exam e minura mo na 'ko?" sunod-sunod kong tanong. Hindi ko napigilan ang bahagyang matawa sa mga kaganapan noon. Bumaling na lang din ako sa dalampasigan at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Naghihintay lang ako sa itutugon niya.
"Okay. Ako pala 'yung masungit," patol naman niya sa 'kin. "But you know, andami na ring nangyari. Ambilis ding lumipas ng mga araw. Parang kahapon lang ang lahat."
Hindi ako umimik. Tahimik lang akong nakikinig sa mga sinasabi niya.
"Of course, sa 'ting dalawa, ako ang maraming nagawang pagkakamali. I even doubt myself if I deserve to be your boyfriend. Therefore, I'm still grateful for loving me again. Nagsisisi ako sa mga nagawa ko sa 'yo noon. I know that I can't turn back time so let me do everything I can. Babawi ako," mahaba niyang litanya.
"Hindi naman nating ginusto lahat ng mga nangyari. Nakita ko naman kung gaano ka ka-sincere kaya hindi ako nagdalawang-isip na bigyan ka ulit ng pagkakataon. Mas minahal pa nga kita, eh," pagtatapat ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko lang siyang tumango.
"May I ask something?" tanong niya.
Humarap ako. "Go lang," kaswal kong tugon.
"May I kiss you?"
Gano'n na lang naging reaksyon ko matapos marinig ang kaniyang tanong. Natutop ako.
"May I?"
Suminghap ako ng hangin bago tumango bagay na naging dahilan para mapangiti si Lorenz. Tuluyan kong pinikit ang mga mata ko pagkatapos n'on. Ilang segundo ang nakalipas ay unti-unti kong naramdaman ang mainit na hininga ni Lorenz sanhi para bumilis ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam ang aking gagawin dahil tuliro ang aking isip. Hinayaan ko na lang lumipas ang sandali hanggang sa naramdaman ko nang lumapat na sa labi ko ang kaniyang labi.
Magaan lang ang kaniyang pagkakahalik sa 'kin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon dahil halo-halong mga emosyon ang namumutawi sa 'kin. Nakikisabay lang din ako sa ritmo ng paggaaw ng labi ni Lorenz. Dama ko ang ritmo, diin, at bawat hagot nito. May pagmamahal. Kinalaunan ay naghiwalay na rin ang aming mga labi. Pareho naming minulat ang aming mga mata habang naghahabol ng hininga.
"Te amo."
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...