Chapter 18: Cuddles

129 9 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Ang init ng katawan ni Lorenz ay bumalot sa 'king katawan nang siya'y yakapin ko. Patuloy pa rin ako sa pagluha sa kaniyang matigas na dibdib at dama ko ang bawat malalim niyang paghinga.

Ilang saglit pa ay ungat ang tingin ko sa kaniya at 'di k inaasahang magtatama ang pareho naming mga mata. Madilim man ay kita ko ang bahagyang paglalapit ng kaniyang kilay. Tumikhim muna siya bago ginalaw ang kaniyang mga kamay para hawakan ang mga braso ko't may puwersang pinapalayo niya ako sa kaniya kasabay ng pag-iwas ng kaniyang paningin dahilan para matutop ako saka agad nang nakaramdam ng hiya sa sarili. Hind na dapat ako magtaka kung masama ang loob niya sa 'kin.

Dumaop ang mga kamay ko't isa-isang naghalukipkip ang mga daliri. Napasinghap na lang muli ako at sinulyapan si Lorenz na ngayo'y nakakapit na sa gilid ng hagdan. Nahihirapan siya.

"Lorenz," tawag ko sa kaniya." Mabilis akong lumapi sa kaniya ngunit hindi ko man nahahawakan ang kaniyang kamay ay hinawi na niya ako.

"'Wag. Punyeta," pabulong niyang asik at dinig ko naman ito.

Mariin akong napalunok at nagpigil ng nagbabadyang luha. Wala na akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan si Lorenz na humakbang ngunit gano'n na lang ako mapaigtad sa kinatatayuan nang mapadaing siya't mapahawak sa kaniyang sintido.

"Uy!" Sa gulat ko'y kaagad akong kumilos para siya'y alalayan. Wala na akong pake kung ano man ang maging reaksyon niya sa gagawin ko. "'Wag ka nang maarte. Hayaan mo na ako," giit ko pa. Narinig ko na lang ang pag-isding at pagbuntonghinga niya.

Pareho kaming umakyat hanggang sa maidala ko siya sa tapat ng kaniyang kuwarto. Ako na ang nagbukas ng pinto. Gano'n na lang ako magulantang nang bumungad sa 'king harapan ang marumi at makalat na kuwarto ni Lorenz.

"Geez."

Napailing na lang ako sa sarili at 'di na nagtagal ay pinasok ko na sa loob si Loren saka pinahiga sa kama. Paglapat pa lang ng katawan niya sa tela nito ay patagilid na siyang humiga.

"Stay there. Kukuha lang ako ng bimpo," sabi ko. Nang bumalik ang atensyon ko sa marumi at makalat niyang kapaligiran ay napabuga na lamang ako ng hangin. Bumaba na ako dala-dala ang bimpong kinuha ko mula sa drawer ni Lorenz.

Tumungo ako sa kusina para kumuha ng palanggana at lagyan ito ng tamang dami ng tubig. Dito ko binabad ang bimpo. Bago ako umakyat sa taas ay naghanap din ako ng kaniyang puwedeng kainin na mainit at may sabaw. Mabuti na lang at marami siyang stock ng cup noodles dito kaya naman nagpakulo na rin ako ng tubig. Habang 'di pa ito kumukulo ay umakyat na muli ako dala-dala ang palangga.

Pagpasok ko muli a kuwarto niya ay ibinaba ko ang mga ito sa katabing lamesa. Pagkuwa'y piniga ko ang bimpo at nang masigurong okay na ay bumalik na ako sa kaniya. "Lorenz." Tinapik ko ang balikat niya ngunt 'di siya tumugon. "Lorenz," pag-uulit ko pero wala pa rin. Dahil do'n ay napilitan na akong ihiga siya nang nakaharap sa kisame.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon