DESTINY
"Destiny! Bumalik ka rito!"
"Destiny!"
"Sierra!"
"Cuz!"
Bago pa man ako makalayo ay pilit nila akong tinatawag. Kahit 'yung atensyon ko ay nasa ibaba ay ramdam ko ang iilang tao na nakatingin sa 'kin dala ng pagtawag nila Lauren sa pangalan ko. Gayunpaman ay hindi na ako inabala nito para tumigil at magdalawang-isip na mas bilisan pa ang pagtakbo papalabas ng UOL
Shit.
Hinawi ko sa ikalawang pagkakataon ang mga luhang pumuslit at nagmadaling pumara ng cab saka sumakay rito. "Kuya, sa Timog po," sabi ko na bagay naman na kaniyang tinanguan.
Nagsimula nang paandarin papaalis ng driver ang cab papalayo sa UOL. Hindi ko na napigilan ang aking sariling mapalihis ng tingin sa daan. Kumuyom sa palda ko ang aking mga kamay at pinagdiin ang mga nagtitimping mga labi. Naging malalim ang bawat paghinga ko kasabay ng paglamon sa ng konsensiya sa 'kin isipan.
I was right in the very beginning that it was Lorenz who fetch me hom, not Cameron. I was sick that time and he was the one with me. Now that he's sick, I didn't took care of him and what's worst is that I left him all on his own just because she mentioned a name of a woman. I feel like I'm a bad person. I'm feeling scared and guilty. Geez.
"Hija," pukaw niya sa 'kin. "Nagri-ring 'yung phone mo," sambit niya sa 'kin.
Saka lang bumalik ang wisyo ko nang marinig na nagsalita ang driver. "A-Ah, opo, opo," ang sambit ko na lang. Pagkuwa'y sinilip ko aking phne at nakitang tumatawag si Cameron. Bagaman guto ko sana itong sagutin pero kaagad ko na lang ito d-in-ecline at in-off ang phone ko.
Sigurado akong tatadtarin nila ako ng tawag kaya inunahan ko na. Sa tingin ko'y gusto pa nila akong samahan pero hindi puwede. Sa sarili ko ay dapat lang siguro na ako lang mismo ang pumunta kay Lorenz para itama ang pagkakamali ko. Ako dapat ang mag-ayos sa hindi pantay na naging pagtrato ko sa kaniya.
Geez.
Sa bawat segundong lumipas ay mas lumalakas ang pagtibok ng aking puso. Namamawis maging ang mga kamay kong nakahalukipkip dala ng kaba kahit pa na malamig naman dito sa loob ng cab. Napayuko na lang ako't hinayaan ang buhok kong tumakip sa kabuuan ng aking mukha.
***
"Para po," wika ko nang makita ang poste na tandang 'yon na ang nirerentahang dorm ni Foreigner guy. "Ito rin po bayad ko," abot ko sa pera. Pasimple akong suminghap at hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng aking tenga. Pagkuwa'y lumabas na rin ako ng cab.
Bumuntonghininga ako upang makabawi ng lakas. Lumingon ako sa pasilyo at walang anu-ano'y nanlalamig akong tumungo sa loob. Sa bawat paghakbang ko ay mas lumalapit ang distansya ko sa pinto ng dorm ni Lorenz kung kaya naman gano'n din ako bumagal sa paglalakad. Ngayong nasa harapan na ako ng pinto ng tinutuluyan niya ay para bang may puwersang nagpipigil sa 'kin subalit tinatagan ko na lang ang loob ko.
Hindi na ako kumatok dala ng maraming tumatakbo sa 'king isipn kung paano ko haharapin si Lorenz. Mariin akong napalunok nang hinawakan ko ang doorknob. Pinihit ko ito at napagtantong hindi ito naka-lock bagay na aking ipinag-alala gayong ugali niyang nagtatarangka ng pinto kaya naman kagat-labi kong binuksan ang pinto.
Agad na bumungad sa 'kin ang madilim na paligid. Mula sa baaba ay unti-unting umangat ang tingin ko hanggang sa mapunta sa lalaking ngayo'y nakatayo sa kusina. Nakapangalumbaba ang ulo niya't nakahawak ang dalawang mga kamay sa lamesa bilang alalay.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtam ang aming mga tingin. Madilim man ang paligid ay naaaninag ko naman sa kaniyang mga mukha ang panghihina at panlalata. Bukod pa ro'n ay ang damit niya ay gano'n pa rin, ni hindi man nabago dalawang araw na ang nakakalipas.
Huli na para mapagtanto ko ang ginawa ko. "Lorenz..." wika ko. Tuluyan na akong pumasok sa loob. Sa pagtakbo ko papalapit sa kaniya ay gano'n na lang ako manghinayang nang malinaw na makita ang mukha niya.
Masama ang tingin sa 'kin ni Lorenz kaya naman gano'n na lang ako manlamig at mapako sa kinatatayuan. Tahimik lang ako at napansing may luha na pa lang tumutulo pabab sa magkabilang mga pisngi ko.
"Lorenz..." Iyon na lang ang nasabi ko dala ng hiya. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay kusang gumalaw ang katawan ko't sinunggaban siya ng mahigpit na yakap. "I-I'm sorry..."
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomantikThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...