Special Chapter

253 9 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Here's your coffee. Inom ka muna pampainit. Malakas ang ulan ngayon kaya alam kong malamig," wika niya saka inabot sa 'kin ang tasa na naglalaman ng mainit na kape.

Tinanggap ko naman ito. "Ikaw nagsangkap nito?"

"Yup, try it."

Kasalukuyan kaming nandito sa taas ng attic para magpalipas oras at para na rin tapusin ko ang commission ko na kailangan kong matapos this week. Kasama ko ngayon si Lorenz para panoorin akong gumawa. Papauwi na siya sana subalit pinigilan ko siyang manatili na lang muna rito dahil malakas ang ulan at kung tumila man ay 'wag muna gayon madulas ang kalsada kaya delikado. Pumayag naman siya na at mas mainam na raw 'yon.

Tinanguan ko lang siya at ininom ang kape. Hindi naman naging grabe ang reaksyon ko nang matikman ito kahit na mas masarap pa sa inaasahan ko. Sakto lang ang tamis at pagka-cream. Humahagod sa lalamunan ko ang lasa kung kaya nakakainit ng katawan sa malamig na panahon.

"So how is it?"  tanong niya.

"Masarap," kumento ko. "The best so far."

"Would you like me  to make you one again?"

"Next time. Masama sa katawan ang sobra sa kape."

"Yeah."

Nagpatuloy na lang ako sa 'king ginagawa. Habang nasa kalagitnaan ako ay huli ko nang napansing nagdo-drawing din si Lorenz sa sahig gamit ang lapis at isang papel kung kaya tumigil ako sa 'king ginagawa at nilapitan siya para tingnan ang kaniyang ginagawa. Isa pala 'yong mata.

"Nice artstyle," wika ko. "Mas magaling ka pa pala sa 'king mag-drawing ng mata, eh. Sino nagturo sa 'yo?"

"Just self-learn."

Umupo ako sa tabi niya at pasimpleng kumanlong. "Nice."

"This is your eyes honestly. I just can't stop thinking about it that's why I drew it," pagtatapat niya.

Tinapunan ko lang siya ng tingin nang walang sinasabi. Nagkatitigan kami nang ilang saglit hanggang sa nagulat na lang ako nang mahirap niya ang pisngi ko ng puting pintura.

"Lorenz!" angil ko.

Tinawanan niya lang ako. Sa inis ko'y kumuha ako ng pintura sa 'king daliri at pinahid din ito sa kaniyang pisngi bilang ganti. Hindi naman siya nagpatinag at muli na naman akong pinahiran ng pintura ngunit sa pagkakataong ito ay sa braso ko naman. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko pero mukhangnasisiyahan naman kami sa ginagawa namin. Natagpuan na lang namin na napuno ng mga halakhak ang kuwartong ito. Punong-puno na kami ng mga pintura sa katawan.

"'Tang ina mo, Lorenz kapag tayo nakita ni Kuya Dwayne lagot ka ro'n."

"Tupiin ko pa nang walo 'yon, eh."

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon