Chapter 15: Unfair Judgement

139 9 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Papikit-pikit pa ang mga mata ko nang magising ako. Unang bumungad sa 'kin ang madilim na paligid ng sala at ang tanging maaaninag lang ang siwang ng bintana kung saan may maliit na liwanag.

Ipinilig ko ang aking ulo subalit biglang natutop ako nang maramdamang kanina pa ako nakakanlong kay Foreigner guy. Sa gulat at hiya ay dagli akong napaatras. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko dulot ng ilang sa pagitan namin. Sumulok ako sa dulong gilid ng couch habang nakatiklop ang mga tuhod kong pinagmasdan si Lorenz na kasalukuyang natutulog. Huli ko nang napagtantong muntik nang rumatay ang katawan niya sa couch. Mabuti na lang at nanatili lang ang katawan niyang diretsong nakaupo. Dahan-dahan kong ibinaba sa malamig na sahig ang mga paa ko nang marinig ang mahihina niyang himig.

"Hmm..."

Hindi ko na alintana na basta na lang siyang nahiga sa couch nang direkta sa anggulo ko. Gustuhin ko mang tumayo subalit hindi ko magawa. Nakapatong na sa hita ko ang ulo ni Lorenz kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang pumirmi sa pagkakaupo at tumulala sa kawalan.

Kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko at sinulyapan si Lorenz na ngayo'y mahimbing na natutulog. Nakatagilid ang kaniyang katawan kung saan nakaharap ang pagkaupo ko. Magkadaop ang kaniyang dalawang mga kamay na nakaipit sa pagitan ng kaniyang mga hita. Umakyat ang tingin ko papunta sa kaniyang guwapong mukha. Tulog na tulog siya. Natatakpan ng makapal at malambot niyang kilay ang wangis. Bahagyang nakaawang pa ang kaniyang bibig. Dama ko ang bawat malali niyang paghinga.

Bumuuntonghininga ako Sa hindi malamang dahilan ay kusang gumalaw ang kamay ko. Unti-unting gumalaw ang kamay ko hanggang sa lumapat ito sa kaniyang pisngi dahilan para magulat ako.

"Geez. Ba't ang init mo?" tanong ko sa gulat.

Kung sa kanina ay malimit lang ang pagdampi ko, ngayon ay idiin ko na. Magmula sa pisngi, noo, at leeg ay kinapa ko na. Ang init niya. Nilalagnat si Lorenz. Geez. Kaya pala kanina ay hindi siya masyadong nagsasalita o nagkikikilos man lang. Gayunpaman ay nag-aalala na ako dahil 'di ko alam kung paano at ano'ng mga gagawin ko.

"Hmm..." daing ni Lorenz. Pilit siyang nag-iinat para ibsan ang masamang pakiramdam.

Geez. Hindi ko abot 'yung electric fan. Ano'ng gagawin ko?

Muling napunta kay Foreigner guy na ngayo'y bahagya nang nanginginig ang mga braso. Napangiwi ako kasabay ng paglingon ko sa kanang bahagi't umatras at napunta sa hagdan pataas sa kaniyang kuwarto ang atensyon ko. Muli kong tiningnan si Lorenz.

Paano ko siya maiaakyat sa taas gayong inaapoy siya ng lagnat? Tulog pa 'tong isang 'to. Hindi ko naman siya puwedeng buhatin. Aish. Bahala na. Gigisingin ko na lang 'to.

"Lorenz," bigkas ko sa kaniyang pangalan at tinapik ang pisngi niya. "Uy, Lorenz, gising," pag-uulit ko ngunit wala pa rin itong imik. "Lorenz." Tumaas nang bahagya ang boses ko maging ang pagtapik sa kaniya. Sa ngayon ay ginalaw na niya ang ulo niya na tila ba ayaw niyang magpaistorbo. "Lorenz, gumising ka." Pero wala.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon