DESTINY
Mas maaga akong nagising kaysa sa alarm ng phone ko. Hihikab-hikab akong bumangon mula sa pagkakahiga at tumayo saka nag-inat ng katawan. Yinugyog ko pa nang bahagya ang mukha ko para mawala ang pagkaantok bagay na umubra naman. Nang maging ayos na ay lumabas na ako ng kuwarto ko't pumanhik sa baba habang kinukusot-kusot ang mga mata.
"Good morning, Destiny," bati ng isang boses ng babae sa isang gilid.
Lumingon ako sa pinanggalingan nito at namilog ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino ito. "Ate Tifanny!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko para tumaas ang boses nang makita ko siya sa couch namin habang nakaupo kaya naman hindi na ako nag-alinlangan pa't sinugod siya ng isang yakap. "I miss you, Ate."
"How sweet. I miss you, too," aniya rin.
Kumalas ako sa pagkakayakap nang hindi maitago ag ngiti sa mga labi. Pakiramdam ko'y ginanahan ako. "Ate Tiffany, ang tagal na no'ng huli tayong nagkita. No'ng debut pa ni Cassidy 'yon."
Pinaupo naman niya ako kaya kapuwa kami naupo sa couch. "May inasikaso kasi ako sa New York. Wala bang nabanggit si Dwayne sa 'yo?" tanong niya.
"Wala naman siyang nasasabi sa 'min, Ate. Ewan ko rin kung bakit hindi rin napapatanong sina Mommy at Daddy kasi halos apat na buwan na no'ng huli kang nabisita rito or baka aware naman sila, ako lang siguro hindi," litanya ko naman.
"Hayaan mo na. Baliw talaga 'yong si Dwayne," hagikgik naman niya.
"Baliw sa 'yo," pabiro ko bang sambit.
"Sinabi mo pa. Baliw na baliw talaga 'yung kuya mo sa 'kin. Muntik na kaya akong 'di matuloy sa New York. Masyadong OA ang kuya mo. Baka raw may manligaw sa 'kin do'n as if naman kung papatulan ko sila," paliwanag niya. "Kung hindi ko pa siguro binantaang makikipaghiwalay ako sa kan'ya e hindi talaga ako papayagan. Iyon, takot din naman pala siya. Hirap umintinding trabaho ang habol ko ro'n," pagpapatuloy niya pa.
Natawa na lamang ako. Well, totoo naman ang sinabi niya. She's gorgeous, sexy, tall, standard, and empowered woman. No wonder na bagay sila ni Kuya Dwayne. 'Yun nga lang ay kung minsanmay saltik si Kuya.
"Kamusta naman 'yung sa New York mo, Ate? Ano nga pala ang ginagawa mo ro'n?
Inayos naman niya ang kaniyang buhok at hinawi ang ilan sa likod ng kaniyang tenga. "Ahm, training, photography, and signing contracts to be a model of products," sagot niya. "God. I just can't even imagine Dwayne flooding me calls and messages. He's totally an asshole."
Natawa na lang kaming pareho sa kaniyang sinabi.
Maya-maya, natigil na lang kami sa pagtawa nang marinig ang boses ni Kuya.
"Ako? Asshole?" tukoy niya sa kaniyang sarili.
The wide curve in my lips slowly turns into a flat line until it was totally vanished. Para bang may kung anong umepal na nakapagbago ng mood ko kaya naman natagpuan ko na lang ang aking sariling naglalakad patungo sa kusina nang hindi bumabaling ng lingon kay Kuya Dwayne.
Kakain na lang ako ng almusal ko kaysa makipagplastikan kay Kuya sa harapan ni Ate Tiffany. Hindi pa rin kami ayos hanggang ngayon. Ang aga-aga pa pero sinisira na niya mood ko.
***
Dahil alam kong nasa paligid ko lang si Kuya Dwayne at umiiwas ako sa kaniya, minadali ko nang kumain ng almusal kong tinapay na pinalamanan ng ham saka keso. Hindi na rin ako nakapagtimpla ng mainit na chocolate drink ko dahil tatagal pa ako ro'n. 'Di bale sana kung nandito sina Yaya Cha st Pia subalit leave nila ngayon.
Pagkatapos kumain ay kaagad akong naligo at nagbihis ng aking uniporme. Lumabas na ako ng bahay nang hindi nagpapasabi kayla Kuya at hinintay na lamang si Lorenz sa tapat kanto kung saan niya ako sinusundo. Good thing we're both still managing our friendship. LOL.
Time went briskly. He's already ten minutes left from the call time we used to. Ilang minuto na lang at paniguradong male-late na ako kaya naman kinuha ko ang aking phone mula sa 'king bag. Gano'n na lang ako mabigla sa nabasa ko.
Lorenz Aldous
Lorenz
Destiny, don't wait for me. I'm going late. You may commute just for this moment.I'm sorry. Babawi ako next time. Thanks.
Napabuga na lamang ako ng hangin sa nabasa kasabay ng pagkainis kaya naman nang akmang babalik ako sa bahay gayong wala na akong ibang choice kundi ang magpahatid kay Kuya Dwayne ngunit gano'n na lang mapaangat ang ulo ko nang marinig na tinawag niya ako.
"Ba't nand'yan ka pa? Hindi ka ba sinundo ni Lorenz?" nagtataka niyan tanong. Kasalukuyang nakababa ang front door glass ng kaniyang kotse habang kasama niya si Ate Tiffany sa loob na mukhang may pupuntahan silang dalawa.
Kung puwede ko lang sanang sagutin si Kuya Dwayne sa pabalang na paraan ay ginawa ko na ngunit kasama niya si Ate Tiffany at nakakahiya ring ako na rin 'tong makikisuyo sa kaniya.
"Hindi na raw niya ako masusundo kasi male-ate siya ng pasok. Mauna na raw ako," sagot ko't pilit na pinapakalma ang tono ng pananalita.
"Sumakay ka na rito. Ihatid ka na lang namin tutal malapit lang naman 'yung university. Sakay na. 'Wag nang maarte."
"Sure ka?" paniniguro ko. Nakakapanibago na hindi kami okay pero ganito niya ako tratuhin. Nakakakonsensiya tuloy.
"Sumakay ka na. Umaandar ang oras," wika niya kaya naman wala na akong ibang nagawa pa kundi lunukin ang sariling pride at sumakay na sa backseat ng kaniyang kotse.
***
Agad akong bumaba ng kotse nang ihinto ni Kuya Dwayne ito sa tapat ng gate ng university. Hindi ko na nagawa pang makapagpaalam dahil ikang minuto na lang ang natitira bago tumunog ang trumpeta ng UOl kaya naman nananakbo akong tumuloy na sa loob. Sa kinamabutihang palad ay nakapasok na ako sa at kasalukuyang naglalakad sa quadrangle bago ito tumunog nang malakas hudyat na dapat nang isara ang gate saka buksan na lamang ang maliit na pinto para sa mga late students.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa strap ng aking bag at nagpatuloy. Habang nasa kalagitnaan ng paglalakad ay basta na lamang akong napako sa kinatatayuan nang makita ang taong pumukaw sa atensyon ko.
Natutop ako't hindi na nakapagsalita habang pinagmamasdan si Lorenz na naglalakad nang nakangiti habang kasama ang isang babae. Ilang dips na lang ang layo niya sa 'kin kaya naman hindi malayong nagkasalubong ang direksyon namin sa isa't isa.
Bigla siyang natigil sa pagsasalita sa katabig babae nang magtapat ang aking mga mata. Segundo ang lumipas ay siya mismo ang nag-iwas ng tingin at hindi na nagpahalata sa kasamang babae. Nilagpasan niya lang ako na para bang hindi kami magkakilala bagay na aking ikinabigla nang bahagya.
Napako ako sa sariling kinatatayuan. Naging mabigat ang bawat paghinga ko. Pumangalumbaba rin ang ulo ko sa pag-alalang sinabihan niya akong male-late siyang pumasok ngunit heto pala siya't nauna pang pumasok kaysa sa 'kin. I have this gut feeling na itong kasama niya ngayon ang babaeng nabanggit niya no'ng makalawa . I'm not sure pero malakas pakiwari ko na siya 'yon.
Makalipas ang sandali ay napabuntonghininga na lamang ako saka tumuloy na papunta sa room ko.
I don't know why but I lightly felt a sudden squeeze in my chest. I'm not jealous or whatever. I don't have any idea, but one thing is for sure—I'm not feeling well today.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...