DESTINY
Lauren is calling...
Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa namin habang kumakain ng ice cream nang mag-ring ang phone ko. Bumaling ang tingin ko rito at napag-alamang tumatawag si Lauren. Sinagot ko naman ito bago hininaan ang volume TV.
"Lauren? Napatawag ka?" pamugad kong tanong.
"Destiny!" bigla niyang sigaw bagay na ikinaatras ng aking phone sa 'king tenga.
"Ow. Sorry, sorry. Anyway, ready ka na ba para bukas?"
"Teka lang. 'Wag kang sumigaw," asik ko. "Ano namang meron bukas?" tanong ko.
"Cuz, 'di mo ba alam?"
"Nagtanong ako, 'di ba? 'Di ko nga alam," sarkastiko ngunit sa pabirong paraan kong sagot.
"Bukas na ang debut ni Cassidy. Actually kanina ko lang din natandaan no'ng sinabi sa 'kin ni Dada. Mamaya na rin ako bibili ng gift ko for her. Saka simple lang naman daw 'yon. Do'n nga lang sa bahay nila gaganapin bukas ng gabi, eh. Well, ang laki kaya ng bahay nila," paliwanag niya.
Kummunot ang noo ko sa sinagot niya. "Sure ka? As in bukas? Bukas na bukas?" gulat at nanlalaki ang mga mata kong pagkukumpirma.
"Oo nga. Nako, Destiny. Nakalimutan na."
"Wait lang. Don't end the call," wika ko. Ibinaba ko ang hawak kong tub na naglalaman ng kinakain kong ice cream at nanakbong inakyat ang kuwarto ni Ate.
"Okay."
Bahagya kong inilayo ang phone sa 'kin bago binuksan ang pinto. Lumiyad ako nang kaunti para masilip siya. "Ate Danittia," bigkas ko ng kaniyang pangalan. Naabutan ko siyang abala sa pag-aayos ng kaniyang kuwarto. "Bukas na pala 'yung debut ni Cass?" sunod kong tanong.
"'Di mo ba alam?"
"Kaya nga nagtatanong ako, eh."
"Bukas na 'yon. Last week pa binigay ang invitation. Hindi ba nasabi sa 'yo ni Dwayne?"
Iling lang ang isinagot ko. "Sige, sige. Thanks." Pagkara ko ng pinto ay dali-daling akong nagtungo sa baba saka ibinalik sa tenga ko ang phone. "Bukas na nga raw. Tinanong ko si Ate Dani."
"May susuotin ka na?"
"Wala pa. Titingin na lang ako mamaya. Marami naman akong damit. Kahit ano na lang."
"'Yon naman pala, eh. O siya. Sige na. May gagawin pa ako. Bye na."
"Sige, sige. Bye."
Natapos ang pag-uusap namin ni Lauren nang putilin ko na ang linya. Akmang kukunin ko na ang tub subalit nakita kong na lang tunaw na 'yung ice cream.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...