DESTINY
Parang batang nakayakap sa 'kin si Lorenz habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Ako nama'y pilit siyang pinapakalma sa pamamagitan ng paghagod ko ng aking kamay sa kaniyang likod. Sa tuwing aamba ako para kumalas sa kaniya ay nararamdaman kong mas humihigpit ang kaniyang mga bisig sa 'kin. Pakiramdam ko'y nawala na ang pagkaantok ko dala ng pagtataka sa nangyari ngayon.
"Tahan na, Lorenz. Tahan na. Kung ano man 'yang problema mo, nandito ako. Makikinig ako sa 'yo," pang-aalo ko dahilan para unti-unting lumuwag ang kaniyang mga braso sa 'kin hanggang sa kumalas na siya sa pagkakayakap. "Do'n tayo sa taas mag-usap. Sabihin mo ang lahat sa 'kin, okay?"
Suminghap lamang siya't tumango.
Tinulungan ko siyang makatayo at magkasabay kaming pumanhik sa taas sama bumalik sa kaniyang kuwarto. Binuksan ko ang ilaw at pinaupo siya sa kaniyang kama. Tamabi naman ako kaagad at pinunasan ang mga luha ni Lorenz na halos manlagkit na dahil sa pagkatuyo sa kaniyang mga pisngi.
"Ik'wento mo na. Sabihin mo na sa 'kin 'yung problema mo. Makikinig ako," wika ko.
Nagsimula na naman siyang maluha. "'Y-Yung pamilya ko... Gusto na nila akong kunin," nauutal niyang sagot sa 'kin dahilan para mangunot ang noo ko.
"Ha?" naguguluhan kong tanong.
"I really want to tell this to you, matagal na. I'm finding a perfect time but I can't."
"Then ito na 'yon. Sabihin mo na sa 'kin, Lorenz," pagpupumilit ko.
"I don't want to be with my family anymore," aniya. "Gusto ko na lang manatili rito. Ayoko ro'n."
"Bakit? Hindi ka ba masayang makakasama mo ulit pamilya mo?"
"Never." Makailang ulit siyang suminghap ng hangin saka ulit nagpatuloy. "Mula pagkabata ko, wala nang inisip ang mga magulang ko kundi ang kompanya namin. I grew up mostly my time is with my tios and tias. Tuwing pasko at bagong taon lang yata sila umuuwi ng bahay. What's worst is that they even forgot to be present in my birthday and just give me bunch of moneys even though I don't need it. It feels like those speacial days became normal day," mahaba niyang pagkukuwento.
"Go on. Pagpatuloy mo lang," sambit ko.
"Then I have an older brother. He's name is Sebastian but I only call him, 'Seb' but I call him now by, 'Kuya Seb' when I'm already here in the Philippines. I feel envy about him. Lagi na lang kasing siya ang napapansin. Hindi na rin nakakapagtaka. He's smart and wise man unlike me." Huminto siya saglit para bumuntonghininga. "Maybe that time, I felt like I was an outcast."
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko ngayon. Nakakabigla siya gayong unti-unti siyang may pinagtatapat sa kaniyang sarili bagay na matagal ko nang hinintay. Gayunpaman, nasasaktan ako sa sitwasyon niya ngayon. Parang may kumikirot sa 'ki na hindi ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...