Chapter 05: Disappointment

302 27 13
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Magdamag na akong nakatulala sa kisame, walang ibang ginawa kundi ilibot at tumulala sa apat na sulok ng kuwarto ko. Kanina pa ako gising subalit ayoko pang bumangon. Nakahilata pa rin ako. Minsan tagilid dito, tagilid do'n, kung sa'n ako maayos na nakakapagpahinga. Nakakatamad.

Yesterday... Yes, yesterday. The day Foreigner guy hugged me, until now, I can feel it. Every time the moment flashes through my mind makes me blush, and I don't know why. Weird. This is not good.

Ngayong naalala ko na naman, nailamukos ng mga kamay ko ang kumot at tinapal ito sa bibig ko. Pati ang mga paa ko ay nagwawala sa kakakalampag nang impit akong tumili. Dahil do'n ay tuluyan akong bumangon habang nag-iinat. Naramdaman ko ang kaginhawaan nito sa aking katawan. Pagkuwa'y kinuha ko ang phone kong kakagaling lang sa pagkaka-charge. Umusad ako at tinukod ang siko sa unan para maging komportable ako.

Pagkabukas na pagkabukas ko nito'y agad na bumungad sa 'kin kung anong oras na. 10:07 AM.

"8:30 AM. 'Wag kang male-late."

Muling rumehistro sa utak ko ang sinabi ni Foreigner guy dahilan para manlaki ang mga mata ko sa napagtanto.

Mabilis kong hinawi ang kumot na nakatalukbong sa hita ko't dali-dali nagsikilos. Parang ang mga mata ko ay sobrang dilat sa paghahabol ng oras. 'Di ko alam kung ano uunahin. Sumasabay pa ang kaba sa pagpintig ng puso ko. Gusto ko mag-teleport.

***

Kaagad kong tinakbo ang quadrangle ng UOL hanggang sa corridor pagkababa ko ng cab maabutan lang si Foreigner guy ro'n. Nanlalamig ang mga kamay kong nag-aalinlangan kung paano kung hindi ko na siya makikita ro'n. Hindi puwedeng hindi kami magkita at mag-usap man lang ni Foreigner guyy. Geez. 'Wag sana siyang magalit sa 'kin.

Tumigil ako sa pagtakbo at nakayukong nakahawak ang mga kamay sa tuhod. Nang makabawi ng lakas ay malalim akong huminga. Natagpuan ko ang aking sariling nasa 3rd floor at sa tapat ng 12th room. Tahimik at wala na ako halos marinig kundi ang katahimikan. Wala ng mga tao rito. Gayunpaman ay kumatok ako nang tatlong deses saka dahan-dahang binuksan ang pinto. Gaya ng aking inaasahan ay wala ngang katao-tao bukod sa isang babaeng guro na ngayo'y nagko-compile ng mga papel.

"Hello, good morning. How may I help you?" nakangiting tanong nito.

Ngumiti ako sabay tango. "Good morning din po. Tatanungin ko lang kung ito po ba'ng room ang pinag-exam-an ng mga Freshmen for Civil Engineering?"

"No, Sweetie. Nasa Annex Building. 3rd floor, 2nd room," tugon naman niya bagay na ikinanuot ng noo ko.

"P-Po?"

Itinabi niya muna ang mga papel na kaniyang ginagawa at lumapit sa 'kin pagkatapos. "Kita mo 'yon?" Gamit ang kaniyang nakabukang palad, itinuro niya ang katabing building.

Tumango ako.

"There."

"Sige po. Thank you po pala," tango ko ulit.

"Sige, sige."

Hindi ko na hinintay pa ang ano pa man niyang sasabihin kung kaya nagmamadaling tumakbo papunta ro'n. Hinihingal na ako kanina pa. Liban do'n ay patuloy pa rin akong nangangamba. Sana nando'n pa siya kung kaya't wala akong ibang napagpilian kundi ang ilabas ang phone ko't tinawagan siya. "Answer it," halos mawalan ng hiningang sambit ko. It only keeps ringing and he doesn't even bother to answer it. Sigurado akong hindi na siya nag-e-exam. "Geez, sagutin mo, Foreigner guy," inis ko pang bulong. Pangatlo ko na itong tawag pero hindi pa rin niya ito sinasagot. Nagtataka na ako kung bakit hinahayaan niya lang na mag-ring nang mag-ring. Kinakabahan na ako sa tuwing naiisip kung ano magiging reaksyon niya.

Unti-unting bumagal at lumiit ang mga hakbang ko nang makarating sa 3rd floor ng Annex Building. Naghahabol ako ng hiningang kumapit sa pader malapit sa hagdanan. Dito ay marami-rami pang mga taong lumalabas galing sa kani-kanilang room.

Lumanghap ako ng hangin saka dumiretso malapit sa pinto ng 2nd room. Isa-isang may lumalabas na mga kakatapos lang mag-exam. I was relieved that maybe Foreigner guy is still in that room. Seconds have passed then I stopped in shock. Lumabas si Foreigner guy nang may maliit na ngiti ngunit nang magtama ang aming mga tingin, mabilis itong nawala. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagkailang. 'Di ko na rin halos mapansin ang mga taong nasa paligid lang namin. Umangat ang pareho nitong kilay at walang emosyong tiningnan ako.

"L-Lorenz," tawag ko sa kaniyang pangalang may halong pagkailang. I tried to make my voice whole but I failed. Napakagat-labi na lang ako. I'm right, he's mad.

Buong akala ko ay magsasalita siya pero taliwas ang nangyari. Dinaanan niya lang ako na para bang hindi kami magkakilala. Sinubukan kong 'wag magpahalatang napahiya ako kahit sa loob-loob ay iyon na ang nararamdaman ko. Late lang naman ako, eh.

"Lorenz." For second time, I called his name. Sa puntong iyon ay timigil siya sa paglalakad. 'Yon nga lang, nakapirmi siyang nakatalikod, ni hindi man lang ako hinarap. Pasalamat na lang ako't wala masyadong tao rito sa kinatatayuan namin. "Uy, Lorenz, I'm sorry. I'm really sorry kung na-late ako," nakapunglumbaba kong wika. Naghintay ako ng sasabihin niya pero wala akong natanggap. Ako na mismo ang humarap sa kaniya. "Lorenz, baka gusto mo namang magsalita?"

Blangko pa rin ang kaniyang mukha, na kahit katiting ay walang makikita. Idagdag pa rito ang tangkad niya pati na rin ang hulmadong katawan nito, mas lalo akong nilalamon ng kahihiyan.

"Bakit?" malamig nitong tanong.

Napayuko ako. "Are you mad?"

"Malapit na."

Namilog ang mga mata ko sa isinagot niya. "Lorenz, look, I'm really sorry kung na-late ako. Nawala lang talaga sa isip ko. Sorry. Sorry kung hindi kita nasamahan. Sorry."

"Kaya nawala sa isip mo kasi kinalimutan mo. Alam mo, kanina pa kita hinihintay bago pa lang magsimula hanggang matapos ako sa lintek na exam na 'yan. Kapag 'di ako nakapasa, ikaw kaya sisihin ko?" sarkastiko niyang tanong bagay na ikinalaki ng mga mata ko.

"Lorenz, 'wag naman sanang gano'n. See, I'm apologizing. 'Di ko talaga sinasadyang ma-late."

"Is it my fault?"

"I didn't say anything that it's your fault, Lorenz. Just don't be mad at me," pakiusap ko. Nakakapanibago ang kaniyang ugali. Dahil lang na-late ako e kaya siya nagkakaganito. Ang babaw naman ng dahilan niya.

"Nothing. Jus-Never mind. I need to go home. Maglilinis pa ako sa bahay."

Mariin akong napalunok. Sinubukan ko namang magpigil pero hindi ko nagawa. "Lorenz?" Ang totoo niyan ay unti-unti nang nauubos na ang pasensiya ko.

"May sasabihin ka pa ba?"

Natikom ako't hindi nakakibo.

"Good." And in just split second, he left me.

Muli ko siyang tinawag sa kaniyang pangalan pero hindi niya ako pinakinggan. Nagmumukha lang tuloy akong tanga.

Hindi ako makapag-isip nang tama. Sa huli, namalayan kong nagmamadali na pala akong bumaba papuntang ground floor habang pinupunasan ang ilang luhang tumatakas. Sa isip-isip ko ng mga oras na 'yon ay nagsisisi ako kung bakit ko pa siya tinulungan.

What's wrong with him?

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon