DESTINY
"Congrats, Bro."
"May asawa na si Dwayne. Parang kailan lang e umiiyak pa no'ng hiniwalayan siya ni Tiffany."
"Napag-iwanan na tayo ni Dwayne."
"Sino next na ikakasal?"
Tatlong linggo ang nakalipas pagkatapos ng pageant, tuluyan nang kinasal sina Kuya Dwayne at Ate Tiffany kasabay sa kaarawan ko ngayon. Double celebration. Talagang pinaghandaan ang araw na 'to kaya naman hindi na nakakapagtakang maraming tao rito reception venue.
"Tumigil nga kayo," natatawang sambit ni Kuya Dwayne na kasalukuyang nakaupo sa gilid habang abala sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. "Sa susunod, kung sino ang isusunod na ikakasal, bibilhan ko ng motor. Promise 'yan," dagdag niya pa.
"Loko!" bulalas naman bigla ni Ate Tiffany at mahinang binatukan ang katabing si Kuya Dwayne. "Kung makapagsalita ka e akala mo namang marami kang pera. Marami ka bang pera?"
"Oo naman," kampanteng sagot sa kaniya ni Kuya.
"Wala ka ngang ginastos sa kasal natin. Lahat sagot ng tatay mo, 'no," prangka namana niya pabalik.
"'Wag mo nga ako siraan sa mga kaibigan ko. Nagbigay rin ako ng pera kayla Daddy, 'no." Umismid siya at muling binalingan ang mga kaibigan. "Basta, kung sino ang isusunod na ikakasal sa 'tin, bibilhan ko ng motor. Wedding gift ko," paniniguro niya.
Ilang metro ang layo ko sa kanila subalit dinig na dinig ko ang kanilang mga pinag-uusapan kaya naman hindi ko mapigilan ang aking sariling para mahinang matawa sa kanilang lahat. Masaya ako ngayon dahil bukod sa nadagdagan na naman ng isang taon ang edad ko, kasal na si Kuya at paniguradong susunod na si Ate Dani kung nagkataon. 'Yon nga lang ay kung magkaka-boyfriend siya agad knowing na hindi naman siya in relationship ngayon.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at inilibot ang tingin sa buong paligid. Tamang-tama lang 'tong nirentahang venue nila Mommy gayong may kasamang swimming pool sa tabi ng mismong hall. Ngayon ay may nag-e-enjoy nang mga batang inimbita sa paglalaro sa swimming pool. Sa bandang gilid ay makikita ang iba't ibang mga pagkaing nakahanda sa mahabang lamesa. Sa kabilang banda naman ay may maliit na photoboot do'n kung saan may mga nakapila para mag-picture as remembrance.
Abala sina Ate Dani, Mommy, at Daddy sa mga bisita. Dahil wala naman akong magagawa at busog pa rin naman ako, pasimple akong naglakad sa gilid ng hall saka tumungo sa itaas para magmuni-muni. May maliit na kuwarto kasi sa taas nitong hall na kasama rin sa binayaran nila Daddy at baka rito pa kami matulog dahil aabutin kami ng madaling araw kung uuwi pa kami sa bahay pagkatapos ng event.
Pumasok ako sa loob at binuksan ang ilaw. Nagpakawala ako ng buntonghininga bago nagpatuloy sa maliit na balcony. Hinawi ko ang glass door at dinama ang malamig na simoy ng hangin pagpatong ng mga braso ko sa railings. Nagmuni-muni muna ako saglit bago hugutin mula sa bulsa ang aking phone para magtipa ng message kay Lauren.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...