Chapter 11: Under Umbrella

145 12 2
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Pagkababa ko pa lang sa tapat ng bahay mula sa cab ay sinikap ko nang magmadaling pumasok. 'Yung puso ko ay walang humpay sa pagpintig nang malakas at dagdag pang paputol-putol ang hininga ko na animo'y napakalayo na ng tinakbo ko. Nanlalamig ang katawan ko sa pawis na aking nilalaba dulot ng kaba at pag-aalala kung ano na ang nangyari.

Samantala, kanina pa ako ginagambala ng konsensiya ko sa pag-iwan ko kay Lorenz sa cinema. Gustuhin ko man siyang hintain para magpaalam ngunit 'di na ako mapakali sa sinabi ni Ate Dani. Kating-kati akong tawagin si Foreigner guy pero nakalimutan niya nga pala 'yung phone niya kaya wala ring sense na m-in-essage ko sya kanina. Malilintikan na naman ako sa kaniya nit. 'Di ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Geez.

Salampak ang mga palad kong dumapo sa pinto bago ito buksan. Halos pabagsak akong pumasok nang hindi man naisipang hubari ang mga sandals kong suot. Patakbo akong tumungo sa sala. Umawang ang bibig ko nang madatnan sina Kuya Dwayne at Ate Dani na preskong naglalaro lang ng chess.

Pagkuwa'y nagtanong ako. "Ate, ano'ng emergency?" Nakakunot ang noo ko habang sulubong nang bahagya ang mga kilay kong tinapunan sila ng tingin. "Ano'ng emergency ang sinasabi mo?" pag-uulit ko

Pareho silang hindi kumibo at nagpatuloy lang sa paglalaro.

"Ate, Kuya? Sila Mommy?"

Bagaman nanatiling nakatuon ang atensyon sa ginagawa ay si Kuya Dwayne ang sumagot sa 'kin."Just go to the guest room. Nando'n sila Mommy. Hinihintay ka nila"

"What?" naguguluhan ko pang tanong. "Wala naman yatang emergency."

"Shut up ang just go to the guest room," mariin niyang sabi dahilan para matikom ako. "Iniistorbo mo kami rito."

"Ayoko," giit ko. "Sabihin n'yo muna."

This time, si Ate Dani naman ang nagsalita. "Destiny, just go to the guest room, please. Hinihintay ka na nila ro'n kanina pa."

"No. Akala ko ba may emergency? Wala naman," pagmamatigas ko pa.

"Kumalma ka nga muna. Just go to the guest room para malaman mo. Tapos," putol niya sa pag-uusap.

Nanatiling nakapako ako sa 'king kinatatayuan at hindi na nakakibo.

"Oh? Ano pa'ng tinatayo mo? Pumunta ka na ron," aniya pa.

Sa inis ay 'di ko na nagawa pang sumagot at pabalibag kong binato sa couch ang sling bag ko saka agad na dumiretso patungo sa guest room. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari ngayon kung kaya naninikip ang dibdib ko sa kaba. Nang makarating. Nagpakawala ako ng buntonghininga at dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sa una'y unti-unti lang ang pag-awang ko nang sa kalagitnaa'y sinagad ko na ito. Tumama ang siradula nito sa pader dahilan para makagawa ng ingay at maagaw ko ang atensyon ng mga tao sa loob.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon