Chapter 26: Frankly Asking

102 8 1
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Kaagad kong binitawan ang hawak kong raketa sa lupa nang maramdamang nag-vibrate ang phone ko sa 'king coat kaya naman dali-dali ko itong hinugot at napag-alamang si Mommy pala ang tumatawag.

"Wair lang," sabi ko sa kanila at dumistansya nang kaunti para sagutin ito. "Bakit, Mommy?"

"Anak, Destiny, may big dinner sa bahay mamaya. Invite mo si Lauren kung p'wede siya," batid niya sa 'kin sa kabilang linya.

"Ay, Mommy, kasama ko ngayon si Lauren." Humarap ako kay Lauren at sinenyasang lumapit sa 'kin bagay na madali naman niyang naintindihan. "Ikaw na lang magtanong sa kaniya, Mommy, oh," dugtong ko't inibot ang phone kay Lauren.

"Sino 'to?" tanong naman niya nang kuhanin ang phone ko.

"Si Mommy," sagot ko.

"Hello po, Tita. Si Lauren po ito. Ano po 'yon?" pamugad niyang tanong kay Mommy. "Ah . . . Gano'n po ba? Nako, Tita, mukhang hindi po kami makakasama kasi may pupuntahan po kami nila Papa po . . . Opo, Tita. Pasens'ya na po. Pero don't worry, Tita. May next time pa naman po . . . Opo, Tita. Bye po," paalam niya. "Oh, phone mo."

"Uy, 'di ka sasama sa dinner?" paniniguro ko pagkatanggap ng phone ko.

"Aalis kasi kami, eh. Next time na lang. Babawi ako," aniya't inayos ang pagkakasukbit ng kaniyang bag. "Anong oras na pala?"

Sinilip ko naman ang phone ko. "Magtu-two na."

"Need ko na bumalik. May gagawin pa kami. O siya, next time na lang. Bye," sambit na lang niya't nananakbo nang umalis haban kumakaway.

Bumuntonghininga na lamang ako't pinulot ang raketa sa lupa. Lumapit naman sakin sina Lorenz, Ryker, at Tyson.

"Bakit? Anong meron?" tanong ni Tyson.

"Wala ka na ro'n," sarkastiko ngunit pabiro kong sagot.

"Sungit."

Inabot ko na lang kay Lorenz ang hawak kong raketa at siya naman nitong isinauli sa may ari. Pagbalik naman ni Lorenz ay kasabay naman nito ang paglisan ng dalawa. Si Tyson ay bumalik na sa kaniyang klase samantalang si Ryker naman ay dumiretso nang umuwi sa kadahilanang may pupuntahan din siya gayong half day lang naman sila sa araw na 'to kaya naman kaming dalawa na lang ni Lorenz ngayon ang natira dito sa quadrangle. Nagsimula na akong maglakad-lakad para maibsan ang pagkailang na namamayani sa pagitan namin.

"Destiny," maya-mayang pukaw niya sa 'kin.

"Oh?" kaswal kong tugon.

"Are you busy? May ginagawa ka ba?" tanong niya.

"Wala naman. Bakit?"

"Nothing. Bored lang. Mamaya rin wala akog shift kasi day off ko," aniya.

Sa mga oras na 'to ay saka ko lang napansing magkasabay na kaming naglalakad ni Lorenz. Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang kapuwa niyang mga kamay na nakalagay sa loob ng magkabilang bulsa ng kaniyang pants.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon