Prologue

3.4K 96 42
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Dahil wala na akong ibang mapagpipilian, si Uncle Bernard na ang naghatid sa 'kin patungo sa dorm ni Lorenz. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse habang nilalamon ng malalim na pag-iisip. Nag-aalala ako sa totoo lang.

Sa'n na ba kasi 'yung gunggong na 'yon?

Matagal-tagal na rin no'ng huli akong nag-message sa kaniya. Kanina pa ako silip nang silip sa phone ko na para bang 'di mapakali subalit hanggang ngayon ay wala pa rin siyang replies sa chats ko. Active naman ang kaniyang status ngunit hindi man lang ako ma-seen. Kumbaga e parang nananadya siya knowing na 'di naman siya ganito unless na lang kung sobrang busy siya. Pero magsasabi naman 'yun. I don't have any idea what's going on.

Dala ng pagkainip ay muli akong nagtipa ng message sa kaniya. I'm hoping that he'll reply this time.

Lorenz Aldous

Destiny Sierra
Lorenz, kelan mo ko balak iseen? Gago ka. Kanina pa namin kayo hinihintay ron. Bahala kayo sa buhay nyo mga bwiset. Maubusan sana kayo ng pagkain.

No choice. Pupuntahan kita. Kala mo ha

Isiseen mo ba ako o isiseen? Nakakainis ka naman ehhh

Hoy!!! Birthday ko ngayon kaya wag mo kong iprank. Kaloka to

Iyon na lamang ang huli kong tinipa. Sa inis ay labag sa loob kong pinatay ang phone saka nilagay ito sa 'king bulsa. Pagkuwa'y napansing pamilyar na ang dinadaanan ay umangat ang tingin ko rito. Malapit na kami. Sana naman nando'n siya.

"Uncle, do'n n'yo na lang po ako ihinto," turo ko sa may eskinita. Binigyan ko na lang ng senyas si Uncle para ihinto na ako malapit sa poste sa tapat ng apartment na tinutuluyan ni Lorenz.

Huminto naman ang kotse sa isang gilid eksakto kung saan ang itinuro ko. Kaagad na akong lumabas ako ng at lumapit sa bintana ng kotse saka kumatok nang tatlong beses. Pinagbuksan naman ako ni Uncle.

"Uncle, 'wag n'yo na po akong hintayin. Mauna na po kayo," habilin ko. "Baka matagalan pa po ako rito, eh."

"Nako, 'di puwede. Malalagot ako sa Mom mo nito. Hintayin na lang kita rito," tanggi niya. "Ano pa ba'ng gagawin mo ro'n? Akala ko ba may susunduin ka lang?" pahabol pa nitong tanong.

"Matatagalan pa ako, Uncle. May gagawin pa kami kaya mauna na po kayo," pagdadahilan ko. "Kaya ko na po sarili ko, Uncle."

"Nako, Destiny. Lagot ako nito sa mom mo. Mapapahamak pa ako," giit niya pa.

"Sige na, Uncle, oh. Dali na. Saka after naman nito, babalik din naman kami agad," pangungumbinsi ko pa't umaktong bahagyang nagmamakaawa.

"Sigurado ka ba talaga? Nako lang, Destiny. Ang kulit mo. Paano pagbalik mo? Wala kang pamasahe."

"Meron po ako," tugon ko naman.

"Sigurado ka?"

"Opo."

"Bahala na. Sabihin ko na lang ang kulit mo," bugnot niyang pagsuko sa pagpupumilit ko. Napabuga siya ng hangin saka unti-unting sinara ang windshield ng kotse. 'Di na siya lumingon sa 'kin at niloko na ang kaniyang sasakyan.

Sa puntong 'yon ay naiwan na akong mag-isa sa gilid ng poste. Sinundan ko lang ng tingin ang kaniyang kotse hanggang sa tuluyan siyang makalayo. Nang hindi ko na 'yon matanaw ay napabuntonghininga na lamang ako sa kawalan.

Humarap na ako sa pasilyo ng apartment na tinutuluyan ni Lorenz ilang segundo ang nakalipas. Madilim do'n at tanging ang maliit na bumbilya na halos mapundi na ang nagbibigay liwanag sa daan.

Mariin akong napalunok. Gano'n na lang magsimulang bumabalot sa 'king dibdib ang hindi komportableng pakiramdaman. Dala nito ay binasa ko ang aking labi bago at nagsimulang maglakad.

Dumiretso lang ako. Sa bawat hakbang ko ay nabubuo ang mga yabag na tunog na ume-echo sa buong pasilyo na. Sa pagpapatuloy ay kusa namang huminto ang paglakad ko sa tapat ng pinto ng apartment unit ni Lorenz. Ilang segundo rin akong tumagal sa gano'ng posisyong nakatulala bago ko inangat ang kanan kong kamay para kumatok ngunit gano'n na lang ako magtaka. Unang lapat pa lang ng aking kamay ay bumukas na ito. Hindi ito nakatarangka at naiwang nakabukas. Biglang namilog ang mga mata ko habang nakakunot ang noo.

Why would he leave his door open knowing he always locks it? Weird.

Wala sa sariling hinawakan ko ang seradula ng pinto at dahan-dahang binuksan ito nang patulak. Unti-unti kong inawang ang pagkakabukas ng pinto upang 'di makagawa ng anumang ingay hanggang sa tuluyang makapasok na ako sa loob. Laking gulat ko lang nang puro bote ng mga alak, balat ng mga sitsirya, mga tissue, nagkalat na mga pinggan, at mga basura ang kaagad bumungad sa 'kin pagpasok ko. Sobrang kalat at dumi ng sala.

Bumaling naman sa couch ang aking atensyon at laking gulat ko lang nang makita ang kaniyang naiwan na phone. Dahil dito ay mas malawak ko nang nabuksan ang pinto. Namamawis ang kamay ko nang kinuha. Kinakailangan ng passcode para mabuksan ito. Tadtad ng mgaD chats ko mula kanina ang kaniyang phone.

Dumapo naman sa hagdan ang tingin ko hanggang sa itaas kung saan nandoon ang kuwarto ni Lorenz. Dahil sa pag-aalala ay minadali kong umakyat patungo ro'n.

Sa bawat hakbang ko ay mas bumibilis ang pintig ng aking puso. Sa bawat apak ko sa mga baitang ay pansin kong bumabagal ang mga paa ko. Nang makarating sa taas ay sa kuwarto niya ako unang tumingin. Halos tumigil na ako sa paghinga at mapako sa kinatatayuan dahil sa nakita.

Deep inside, I was thinking that he's doing some pranks on me. Well, I was too assuming. I regret why did I go here. I'm more surprised more than I've expected. Unfortunately, it's to late not to stop myself from crying.

"Lorenz..."

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon