DESTINY
Days went really briskly. To be honest, I never thought that I will be Lorenz' lowkey tutor at all. Though I only help him on how to understand and memorize things that he might encounter in his exam, thanks that this will be the last day.
Nakakapagtaka nga lang kung bakit ko siya tinutulungan. First of all, we're strangers and we're not in good terms as far as I remember. Second thing, I don't like his attitude. Third, ang layo ng kurso niyang Civil Engineering sa BFA na kurso ko. And forth, what the hell on the world. Hindi ko alam kung bakit may mga instances na naa-attract ako sa kaniya. But since pumayag na ako, wala na akong magagawa gayong bukas na rin ang exam niya.
Sa isang apartment lang na medyo may kaliitan nakatira si Foreigner guy nang mag-isa. No'ng dati, I think pangatlong araw namin sa pagre-review niya, pinagmasdan ko lang siyang mag-aral. Tahimik lang ako n'on at nakikita ko siyang nahihirapan kung paano kabisaduhin 'yung formula na wala rin akong kaalam-alam. Gusto ko na lang matawa pero hindi ko magawa. Kaya wala akong nagawa kundi ituro ang mabisang paraan para mabilis niyang makabisa ang mga 'yon. Sa mga oras na 'yon ay tuluyang nawala ang inis ko kay Foreigner guy. Nakakaawa kasi. 'Di ko rin alam kung bakit. Basta ang gusto ko lang ay makapasa siya. Walang perang binabayad sa 'kin bagkus ay nililibre na lang niya ako ng ice cream gaya ng sabi ko. Sa tingin ko nama'y sapat na 'yon.
"Foreigner guy, sunduin mo na 'ko. Nandito na ako, eh," agarang bungad ko nang sagutin niya ang tawag. Napalingon pa ako sa kapaligiran ng UOL
"Okay. I'm on my way na." Pagkuwa'y pinutol na niya ang linya.
Ilang saglit pa ang nakalipas ay unti-unti ko nang natanaw ang kulay itim niyang motor hanggang sa huminto siya sa tapat ko't kaswal lan akong tinapunan ng kaniyang tingin.
"Kanina ka pa ba?" tanong niya.
Umiling ako. "Nope. Actually, kakarating ko lang din namn," sagot ko.
"Then what are you still looking at? Subir."
"H-Ha?" naguguluhan sa sinabi niyang tanong ko. "Subir?"
"Tsk. Sumakay ka na kako," paglilinaw niya't hinubad ang kaniyang helmet saka ito inabot sa 'kin. Bahagya pang pinihit ang manibela para magkaro'n ng malakas na tunog ang kaniyang motor sa tambutso. "Suotin mo," dugtong pa niya.
Naiilang ko naman itong tinanggap. "Paano ka?" nag-aalala kong tanong nang mailagay ang helmet sa ulo. This was the first time he lend me his helmet. Geez. May pakulo na naman 'tong si Foreigner guy.
"E kung may masamang mangyari sa 'yo? Ako pa ang malalagot, 'no. Suotin mo na nga 'yan."
"Oo na." Napairap na lang ako sa ka-OA-han nitong si Foreigner guy. Minsan hindi ko mawari kung mabait o masama ang ugali nito.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...