Chapter 34: Handkerchief

86 6 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"I'll leave you here," ani Lorenz pagkababa ko sa tapat ng aming gate mula sa kaniyang motor.

"Lo---" Hindi ko na natapos pa ang aking sasabihin nang mabilis na niyang sinuot ang kaniyang helmet at walang anu-ano'y dumiretso na paalis sa isang iglap.

Seriously?

Mabigat ang mga sumunod kong paghinga pagkatapos n'on. Pumangalumbaba ang mukha ko't nilamon ng pag-iisip. Nakakaramdam din ako ng ginaw kahit hindi naman malamig. Hindi ko man aminin ay halata naman sa mukha ko ngayon ang pagkadismaya muli sa hindi malamang dahilan.

Sa isang buntonghininga ay tinanaw ko ang daan kung saan dumaan si Lorenz subalit wala na akong nakita maging ang ilaw ng kaniyang motor. Pakiramdam ko tuloy ay kasalanan ko kung bakit na lang biglang nagbago nang gano'n ang kaniyang mood dahil sa pangungulit kong pagtatanong kung sino si Kendra. Nagtataka rin kasi ako gayong parang narinig ko na 'yon sa kung saan noon bago pa man maging transferee student si Kendra do'n.

Tumuloy na ako papasok sa loob ng gate. Bago pumasok sa loob ay inilip ko muna ang aking phone upang i-check kung anong oras na. Nang makita ito ay napagtanto kong halos magdadalawang oras kaming gumala. Dumiretso na 'ko sa loob ng bahay at inaasahan ko nang maabutan ko pa sila pero tanging sina Yaya Cha at Pia lang ang naabutan kong abala sa paglilinis.

"Oh, Destiny, ba't ngayon ka lang? Gutom ka na ba? Ipaghahanda na kita," aligagang wika sa 'kin ni Yaya Cha na akmang kukuha na ng pinggan upang ipaghanda ako ng pagkain subalit agad ko na siyang pinigilan.

"Okay lang po, Yaya. I'm not hungry naman po," sambit ko. "Anyway, sa'n po pala sila Mommy?"

"Nando'n na silang lahat sa taas, eh," sagot naman ni Yaya Pia.

Tumango lang ako. Wala na akong kinibo pa't dumiretso na ako sa taas. Pagkaakyat ay napag-isipan kong tumungo muna sa attic. Imbes na sa upuan ako umupo malapit sa 'king lamesa ay mas pinili ko sa lapag. Pagkuwa'y inilabas ko ang aking phone saka hindi nagdalawang-isip magtipa ng mensahe para sa kaniya.

Lorenz Aldous

Destiny Sierra
Nasa kuwarto ko na ako ngayon. Gusto ko lang magpasalamat. Advance goodnight din.

Wait

Sorry pala kung medyo nainis kita sa pangungulit ko sayo. Hindi ko sinasadya yon.

Sorry

Sana bati na tayo

Night

Ibinaba ko na lang ang aking phone sa lapag at napatulala sa kawalan sa kadahilalang hindi naman siya active saka marahil naka-off ang kaniyang phone . Maya-maya pa'y napunta ang atensyon ko sa bagay na kakaiba sa divider ko kaya naman tumayo na ako para tingnan kung ano 'yon. Pagkalapit ko'y kinuha ang kulay lilang tela at sa oras na mahawakan ko ito ay mabilis kong napagtantong isa itong panyo. Binuklat ko ito at agad na nakita ang pangalang, "Lorenz" nakaburda sa cursive style sa sulok nitong bahagi. Dahil dito ay muli kong kinuha ang phone ko na nasa lapag upang i-message siyang naiwan niya ang kaniyang panyo ngunit sa pagtalikod ko nito ay may isang pangalan pa akong nakita na mas kinutuban ko.

"Kendra..." basa ko rito.

Wala sa sariling binuksan ko ang phone ko. Direkta kaagad ako sa account niya para mag-message pero sa sandaling magtitipa na ako ay nakita kong active na siya at alam kong na-receive na niya ang message ko. 'Yon nga lang ay gano'n na lang maging blangko ang ekspresyon ng mukha ko nang makitang binasa nya lang ito at hindi man lang nag-iwan ng kahit ano pabalik.

***

Pagkatapos ng klase ko kinabukasan ay maaga akong umuwi. Natapos ang buong araw ko ang hindi man lang nakakusap o nakita man lang si Lorenz gayong hindi na naman niya ulit ako sinundo. Medyo nakakahiya at awkward na rin kasi talaga. Sa totoo lang ay dala-dala ko sa pagpasok ang panyo niyang naiwan at balak ko sanang ibalik 'yon sa kaniya ngunit pakiramdam ko'y wrong timing naman kung sakali kaya napagpasiyahan kong 'wag na lang muna.

Sure na ba ako rito?

Kasalukuyan akong nasa tapat ng pinto ng kaniyang dorm ngayon. Nagpakawala ako ng isang buntonghininga bago ako kumatok nang tatlong beses. "Lorenz," tawag ko sa kaniyang pangalan. Segundo ang lumipas ay nakarinig na ako ng mga yabag ng mga paang bumababa sa hagdang unti-unting lumalapit papunta sa 'kin. Nang makitang umikot na ang siradula ng pinto ay ro'n a nagsimulang bumilis ang pagpintig ng puso ko.

Bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin si Lorenz na paniguradong may pupuntahan gayong nakaporma siya ngayon. Nakasuot siya ng blue polo shirt at gray shorts. Nagtataka naman niya akong tinapunan ng kaniyang tingin habang nag-aayos ng kaniyang relo.

"What are you doing here?" kaswal niyang tanong na 'di ko mawari kung mao-offend ba ako o hindi.

Napakagat na lang ako sa ibabang bahagi ng aking labi. "Ahm... Ano..."

"What?"

Mariin akong napalunok. "Isasauli ko lang 'tong panyo mong naiwan sa attic," tugon ko sa 'king pakay saka dinukot mula sa 'king sling bag ang panyo niya bago ito inabot sa kaniya.

"Ow... Thank you." Tinangap na niya ito at itinabi sa sofa. Bumalik siya at hinara muli ako. "Do you need something else?"

"Wala naman na," tipid kong sagot.

"Are you sure?" paniniguro niya. "May date kasi ako ngayon," pahabol niya pa sanhi para umawang nang kaunti ang bibig ko sa pagkagulat.

Hindi ko naman pinahalata ang akng naging reaksyon. "Date with?"

"Kendra."

Natutok na lang ako bigla. "Kendra?" pagkumpirma ko sa narinig.

"Yes. Wha't the matter? tanong niya pabalik sa 'kin.

"Wala naman," iling ko. Mariin ulit akong napalunok.

Wala na siyang ikinibo pa't tuluyan na siyang lumabas ng kaniyang dorm dala-dala ang susi ng kaniyang motor pagka-lock ng pinto. Napaatras pa ako nang bahagya para bigyan siya ng espasyo.

"I'll leave you here. She's waiting for me," aniya pa at basta na lang nagsimulang maglakad sa pasilyo nang walang anu-ano.

Naiwan lang akong mag-isa sa kinatatayuan sa tapat ng kaniyang dorm habang nakatulala sa kaniya.

Kendra... Kendra... 'Di 'yun yung binanggit ni Lorenz no'ng muntik nang ambahan niya ako ng yakap at muntik na ako mahalikan no'ng may sakit siya? Wait.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon