DESTINY
Kinabukasan din nang ako'y maging maayos na ay pinayagan na akong pumasok nina Mommy at Daddy. Masigla na akong nakakakilos 'di tulad kahapon. Nagdala rin ako ng dalawang tablet ng gamot ko para mamaya.
Pagkababa ko pa lang muka sa cab sa tapat ng gate ng UOL ay minadali ko nang tumungo sa annex. Pagkuwa'y dumiretso ako sa room. Of course, gaya ng inaasahan ko kapag um-absent ka kung kaya naman napakapit na lang ako sa strap ng aking bag.
"Destiny!"
"Nandito na si Destiny!"
"Oy, ba't ka absent kahapon, Destiny?"
"Hoy, Destiny, may papagawa si Prof."
Tinadtad na ako ng mga litanya ng mga kaklase ko hanggang sa makaupo ako sa 'kin puwesto. Pinagkrus ko ang dalawa kong mga braso at tumulala sa paanan. Maya-may'y may naramdaman akong puwersang nagpausad sa 'kin nang bahagya.
"Destiny," tawag ni Kai sa 'kin at umakbay. "Bakit wala ka kahapon?" nangungulit pa nitong tanong.
"Malamang, hindi ako pumasok, eh," namimilosopon sagot ko sa pabirong tono ng pananalita.
"Gano'n? Bakit nga?"
"Kasi nga absent," bugnot kong sagot.
Nag-pout naman siya sa 'kin. "Sana ayos ka lang."
"Ngayon ayos na ako kaya nga ako pumasok na, eh. Pero kahapon may lagnat ako. Okay na?" Nag-thumbs up pa ako sa kaniya.
"Ah."
"Ano pala'ng mga ginawa n'yo?" Ako naman ang nagtanong.
"Nag-continue lang ng discussion si Prof. Continuation lang din ngayon. Ang daming aaralin, eh. Habol ka na lang," paliwanag niya.
"Sige, sige," tango ko.
Ilang saglit pa ang lumipas ay umalingawngaw na ang trumpeta sa baba hudyat na oras na para isara ang gate ng UOL. Sakto namang dumating si Prof Hireo bibit ang kaniyang malaking bag na naglalaman ng laptop, projector, at book niya kaya naman nagkani-kaniya ng ayos ang mga kaklase ko.
"Good morning," kaswal na pagbati niya.
"Good morning, Prof," sabay-sabay naming pagbati pabalik.
Ibinaba niya ang kaniyang bag sa lamesa at habang nilakabas ito isa-isa ay muli niya kaming kinausap. "Oo nga pala. Before we continue our lesson, I have an announcement." Huminto siya nang panandalian. "The teachers and staffs of UOL will be having a meeting for an orientation so that's why half-day lang tayo," mahaba niyang litanya bagay na dahilan para magsismgawan ang mga kaklase ko sa tuwa at gayundin sa kabilang section na dinig din. "Okay, that's enough. Now get your books and open it on page 17." Pagkuwa'y tumingin sa 'kin. "Destiny, habol ka na lang for the mean time, okay?"
"Yes po," tango ko.
Back to normal na naman. Puwede bang mag-time na? Geez.
***
"And that's all for today. Please don't forget to bring your materials tomorrow for our activity. Goodbye," muling paalala ni Prof Hireo. "You may now take your break." Then he left.
Matapos mailigpit ang mga nakalabas na gamit ay lumabas na ako dala-dala ang phone at wallet ko. Gaya ng nakasanayan, hindi na kami madalas nagkikita ni Lauren dahil sa tight niyang schedule kaya naman bumabalik ako pagkabili ko sa cafeteria ko kaya naman kapag nagkita kami ni Foreigner guy e nagsasabay kami.
Sumabay ako sa mga bagong labas na mga estudyante sa kani-kanilang mga room. Nang makababa sa quadrangle ay nagmamadali akong pumunta sa cafeteria subalit wala pa sa kalahati ang aking nalalakaran ay may tumawag na sa 'kin.
"Sierra!"
Lumingon ako sa pinagmulan nito. Doon ko nakita si Cameron na kumakay mula sa 'di kalayuan. Patakbo siyang lumapit sa 'kin.
"Uy, Cameron, wala kang klase? Mamaya pa break n'yo, ah?" takang tanong ko pagkalapit niya.
"Umihi lang ako," kaswal niyang turan. "Anyway, are you okay na? Wala ka naman ng sakit?"
"Yup. Maayos na ang pakiramdam ko. Pinayagan na ako nila Mommy. Maraming salamat ulit."
"Wala 'yon. Ano ka ba?"
Agad akong sumagot. "Tao."
"Malamang. Saka wala na 'yon, 'no. Mahalaga e okay ka na." Nagpalinga-linga pa siya sa kapaligiran habang ang mga kamay ay nakalagay sa bulsa ng kaniyang pantalon. "O siya, I need to go. May gagawin pa ako," paalam niya't tinapik ang balikat ko.
"Sige lang. Mauna ka na ro'n. Thank you ulit," wika ko. Pagkuwa'y mabilis na naagaw ang atensyon ko nang mahagip ng mga mata ko si Lorenz. "Maya na lang," paalam ko pa saka tuluyang tamakbo papunta sa kaniya habang humigpit ang paghawak sa strap ng aking bag.
Nakita kong dumaan si Lorenz sa likod ng West Division si Lorenz kaya naman mas binilisan ko ang pagtakbo. Nang makapunta sa pinaglikuan niya ay gano'n na lang ako napatigil sa paghakbang at napako sa sariling kinatatayuan. Marahil dalawang metro lang ang layo ko sa kaniya.
"Why are you following me, Destiny?" tanong nito sa baritonong boses. Nakatalikod siya sa 'kin.
Tila nanuyo naman ang lalamunan ko sa tinanong niya. Mabilis akong natuliro dala ng hiya nang maalala ang pag-iwan ko sa kaniya sa cinema no'ng makalawa.
"Are you deaf? Why don't y—" Bigla na lang siya napahinto sa pagsasalita pagharap niya sa 'kin at nakita kong nakapangalumbaba ang ulo at nakahalukipkip. "What?"
Umangat ang ulo ko nang balutin kami n nakakailang na katahimikan. Bumungad sa 'kin ang magkasalubong na mga kilay niya habang siya'y nakatingin sa 'kin.
"Are you still mad?" nahihiya kong tanong.
"Mad?" He sounds sarcastic this time.
"Yup," tango ko. "I know you know what I'm talking about. I'm really sorry kung iniwan no'ng nakaraang araw. Nabasa mo naman siguro 'yung chat ko sa 'yo."
Unti-unting nawala ang pagkadilim ng kaniyang mukha. Gayunpaman ay wala pa rin siyang kibo.
"I'm sorry," I repeated.
"Okay," aniya. Pagkuwa'y tumalikod na siya bago nagpatuloy sa paglalakad at iniwan niya akong nakaawang ang bibig.
"Lorenz!" tawag ko sa pangalan niya subalit hindi man lang siya lumingon sa 'kin. "Lorenz! Hoy!" sigaw ko pa ngunit wala pa rin kaya naman napakuyom na lang ang mga kamay ko sa pagtitimpi. Tumakbo ako para pigilan siya sa pamamagitan ng paghigit ng kamay niya nang malapitan siya. "Hoy, sorry na nga, eh!"
Hinarap na niya ako at bugnot lang akong tinapunan ng kaniyang tingin. "Come with me," wika niya't naglakad na naman.
"Kanina ka pa. Ano ba, Lorenz? Sa'n ba tayo pupunta?" halos maubos ang pasensiya kong tanong ngunit walang tugon akong natanggap mula sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...