This story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award.
Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Makalipas ang ilang mga araw matapos ang pagtatangkang magpakamatay ni Lorenz, malimit at bilang na lang sa daliri kung ilang beses ko siyang makita maging si Kenra. Sa bawat paglabas ko ay halos hindi ko siya makita at wala ring kaalam-alam sila Tyson patungkol sa kung ano na'ng nangyayari sa kaniya. Dagdag pa ro'n ay mas pinili ko itong ilihim kayla Kuya Dwayne nang sa gayo'y walang maging aberya. Pinakiusapan ko ring pareho sina Cam at Lauren patungkol dito dahil iisa lang naman kami ng pinapasukang unibersidad. Lahat kami'y nag-aalala. Walang ni isa sa 'ming may lakas ng loob para makipagharapan kay Lorenz. Magingako'y ayoko rin dahil umiiwas lang ako sa gulo at problema.
Pagkalabas ko ng cafeteria ay inayos ko ang pagkakasukbit ko ng aking bag habang kaswal na sinusuklayan ang aking mamasa-masa pang buhok kung kaya bahagyang nakabaling ang ulo ko sa gilid para madali ang paghagod ko ng suklay. Maaga kasi akong umalis sa pag-aakalang traffic dahil may parada ang ibang school kaya hindi ko na nagawa pang mag-blower. Laking pasalamat ko na lang na nakababa na ako sa university bago pa man magsimula ang parada dahil paniguradong mahuhuli ako.
Tahimok lang akong nagsusuklay papunta sa hagdanan para makaakyat papunta sa room ko nang bigla na lang ako mapasigaw nang may buong puwersang humatak ng buhok ko. Tuluyan kong nabitawan ang suklay ko't napangiwi sa hapdi ng pagkakahatak sa 'kin.
"May kasalanan ka sa 'kin," nagngingitngit at nanggigigil sa galit na wika ng babaeng madali kong nakilala sa boses pa lang.
"Kendra?" hindi makapaniwala kong tanong. Hindi ko na alam kug ano ba'n dapat kong gawin dahil basta ko na lang hinawakan ang kamay niyang nasa buhok ko't sadyaing ibaon ang mga kuko ko nang sa gayo'y bitawan niya ako. "Bitawan mo 'ko!" Mas diniinan ko pa ang pagbaon ko sa 'king mga kuko at gano'n na lang siya mapasigaw sa sakit bago ko siya itulak papalayo sa 'kin na naging sanhi para mapaupo siya sa sahig.
Gulong-gulo ang kakasuklay ko lang na buhok ko at buhol-buhol din lalo na ang dulong bahagi nito kung kaya ginamit ko na lang ang aking mga daliri para ayusin ito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sitwasyon ko ngayon. Gaya ng inaasahan ay pinagtitinginan kami ng ilang mga estudyante. Hindi ko tipo an gumawa ng ganitong klase ng eskandalo. Sobra-sobra na akong nilalamon ng hiya sa 'king buong sistema.
"'Tang ina naman, Kendra. Ano na naman ba 'to?" bulyaw kong tanong kasabay ng paghilamos ng mukha dala ng pagtitimpi.
Kaagad naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo at walng pigil akong sinampal nang malakas. Hindi ko agad nagawang kumios para umilag.
"Nang dahil sa 'yo, muntik nang magpakamatay si Lorenz!" nanggigigil niyang sagot at muling umamba ng sampal subalit mabilis akong nakakilos para salagin ito.
Alam kong mahapdi ang pisngi ko. Gusto ko 'yon hawakan para maibsan ang sakit subalit napapangunahan na ako ng emosyon ko. Nakakabigla.
"Bitawan mo 'ko!"
Pinanlakhan ko lamang siya ng mg mata at buon puwersang biitawan ang kamay niya na bahagyang nagpausad pa sa kaniyang kinatatayuan. Masyadong mabilis ang nangyari. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong maging reaksyon sa pagtangkang pagpapakamatay ni Lorenz gayong siya naman talaga ang rason. Nakakapagtaka lang din kung saan niya nalaman ang patungkol sa nangyari.