Chapter 12: Sickness

147 12 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

Mabigat ang mga talukap ng mga mata ko nang ako'y magising. Bumungad sa paningin ko ang nakakasilaw na liwanag mula sa ilaw kung kaya mabilis kong tinakpan ang mukha ko. Ilang saglit ay nang masanay ay inalis ko na rin ito. Malalim akong humugot ng hininga.

Natagpuan ko ang aking sariling nakaratay sa isang kama habang nakatulala sa kawalan. Ginilid ko ang aking katawan para maging komportable ang sarili ngunit ramdam ko agad ang kasamaan ng pakiramdam ko. Sa isip-isip ko'y gusto kong umupo pero nahihirapan ako't tanging pag-angat lang ng kamay ang nagagawa. Kumikirot ang ilang parte ng katawan ko sa tuwing gagalaw ako.

Samantala, dumikit ang naman pisngi ko sa unan ay may nasalat akong parang basa sa bandang noo ko. Gamit ang kamay ay kinapa ko ito't napagtantong cooling pach pala ito. Binalik ko na lang ito sa 'king noo. Bigla na lamang akong napatanong sa isipan ko.

Nasaan ba ako ngayon? Paano ako nakapunta rito sa bahay namin? Shit.

Naalala ko na naman sina Mommy at Daddy. Napakagat-labi na lang ako para pigilan ang inis. For sure n'yan kinuha na nung mag-asawang dayuhan 'yung painting ko. Letseng 'yan.

Saksak nila sa baga nila 'yung 200 million.

Pagkuwa'y dumaan ang ilan pang sandali nang may kumatok sa pinto. Kaagad na napunta ro'n ang atensyon ko nang ito'y magbukas at iluwa ang isang lalaking nakaitim na medyas. Unti-unting umangat ang tingin ko papunta sa pula nitong shorts, puting polo shirt, relo sa kaniyang kamay, sa hawak niyang tray, hanggang sa pormado niyang buhok. Napag-alaman kong si Cameron ito kaya naman nagtataka akong sinulyapan siya.

"C-Cameron," tawag ko sa kaniyang pangalan. Parang may bagay na nag-udyok sa 'kin para bumangon pero gano'n na lang ako mapadaing nang sumakit ang likod ko. Ambilis kong mapagod.

"Sierra, gising ka na pala," tugon naman niya sa 'kin. Nagmadali siyang ilapag ang tray na hawak niya sa katabi kong lamesa at agad akong nilapitan. "Don't move," nag-aalala pa nitong sabi. Inalalayanan niya akong iayos ang aking pagkakahiga maging ang aking unan. "May sakit ka, Sierra. 'Wag mo masyadong igalaw sarili mo," dagdag niya pa.

Nanatili lang sa kaniya ang atensyon ko. Hindi ko maibuka ang bibig ko dala ng hiya. Wala akong ideya kung siya ba ang nag-uwi sa 'kin dito gayong wala rin akong masydong naaalala.

Pagkuwa'y umupo siya sa 'king tabi sa bandang tagiliran ko. "What do you want?" kaswal habang bahagyang nakangiti niyang tanong.

"Okay lang ako. Ahm, ikaw ba ang nag-uwi sa 'kin dito?" tanong ko pabalik kahit na parang si Lorenz ang nando'n.

Matagal bago siya sumagot. "Oo..."

Tumango naman ako't nagpakawala ng hangin. "Salamat," ani ko.

Baka mali lang ang akala ko ng mga oras na 'yon. Si Cameron naman pala ang nagdala sa 'kin dito papauwi.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon