Chapter 24: Bad Timing

113 7 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Hey. How's your sleep kako?"

Napaigtad ako mula sa pagkakatulala nang marinig ang boses ni Foreigner guy. "H-Ha?" Ngayon ko lang napagtantong kanina pa pala siya nagsasalita kaya medyo gulat-gulat pa ako.

"Look, you're not listening. How's your sleep last night?" pag-uulit niya sa kaniyang tanong.

Napatango naman ako nang ito'y maintindihan. "Ayos naman. Bakit?"

"Tinanong ko lang," aniya naman. Napahagikgik pa siya nang bahagya't umiwas ng tingin.

"Bakit nga?"

Humarap lang siya sa 'kin at inosente ang mukha akong tinapunan ng tingin. Inangat niya ang kaniyang daliri at itinutok ito sa kaniyang labi na para bang sinesenyasan ako.

Kumunot naman ang noo ko at nagtatakang dinampi ang hinlalaking daliri sa 'king labi. Umangat pa ang dalawa kong mga kilay na para bang sinisigurong nakukuha ko ang ibig niyang sabihin kaya nang may maramdaman akong magaspang ay mabilis ko nang napagtanto ang nais niyang ipahiwatig sa 'kin. Dahil dito ay agad akong napatayo para dumiretso sa lababo para magmumog at tanggalin ang natuyong laway sa gilid ng aking labi. Sa kalagitnaan naman n'on ay rinig ko ang kaswal na pagtawa ni Lorenz.

"Tulo ang laway, ah?" nananadya niyang tanong sa pabuskang paraan.

"Tsk," isding ko na lang sabay irap sa kaniya. Muli akong bumalik sa lamesa pagkatuyo ng bibig gamit ang tissue sa taas ng kaniyang refrigerator.

"Ang tagal mong matulog. 11 na kaya," kaswal niya pang sambit. "Tapos na rin pala akong kumain. Kainin mo na 'yan." Pagkuwa'y iginalae niya ang pinggan papalapit sa 'kin na naglalaman ng mainit na pancake na pinaibabawan ng sandamakmak na chocolate syrup. "Kain ka na."

"Sus. Ikaw nga e ang lakas maghilik. Nagising kaya ako kaninang madaling araw. Ingay mo," ganti ko naman bago humiwa ng piraso ng pagkaing nasa harapan ko saka ito kinain.

"Weh? Totoo?" Nanlaki pa ang mga mata niya sa 'kin na para bang manghang-mangha na naghihilik siya nang malakas.

"Oo nga," giit ko.

"Pasens'ya naman. Gano'n talaga ako," sabi na lang niya't napakamot ng ulo dala ng hiya.

Natawa lang kaming pareho ng mga oras na 'yon. Anong oras na rin ako nagising kanina. Paggising ko kay ay natagpuan ko na lang na maliwanag ang kuwarto habang mag-isa ako roon. Nang bumaba ako ay natagpuan ko si Lorenz na kakatapos lang ng nilulutong almusal na nilalantakan ko ngayon.

Sa totoo lang ay nakakapagtaka kung bakit hindi ako nakaramdam ng kahit anong pagdadalawang-isip o kaba gayong dito kayla Lorenz ako natulog. Siguro naman aakalain lang nila akong nagkulong sa kuwarto ko nang magdamag kung sakaling kumatok sila't walang magbukas sa kanila ng pinto. Kahit naman na iyon ang nakasanayan ko ay 'di ko maitatangging mapaisip na gamitin nila ang duplicate key ng kuwarto ko pero bahala na lang. May rason naman ako.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon