Chapter 29: Familiarity

81 7 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Finally," buntonghininga at sarkastikong sabi ko. "Anong oras na, Lorenz? Male-late na tayo. Geez."

"I'm sorry, I'm sorry. Tinanghali ako ng gising. Hindi ko pala na-confirm 'yung alarm," pagdadahilan niya.

"So kasalanan ko pa, gano'n?" Nailagay ko pa ang kamay ko sa 'king dibdib para pagmukhaing kagulat-gulat ang sinabi niya.

Hindi naman na siya kumibo at hinubad ang suot niyang helmet saka ito binigay sa 'kin habang masama ang tingin sa 'kin. "Will you shut your mouth? Mas lalo tayong male-late kapag kumuda ka pa."

Wala na akong iban nagawa pa kundi tanggapin ang helmet saka ito isuot sa sarili. Napabuga na lang ako ng hangin at umangkas na sa motor niya.

"Yakap ka sa 'kin," pilyo niyang sambit.

"Gago."

Natawa lamang siya bago paandarin ang motor.

Inang 'yan. 'Wag lang kaming ma-late dahil lagot talaga ito sa 'kin.

***

Hindi ko na kinausap si Lorenz nang maiparada niya ang kaniyang motor dahil dali-dali na akong nagtungo sa room ko. Habol-hininga pa akong natigil sa kinatatayuan at sa kinasamaang palad ay makakasabay ko pa so Prof. Hereo na papasok na rin.

"Prof. Hereo," tawag ko sa kaniya bagay na mabilis naman niyang ikinalingin sa 'kin. "Late na po ba ako?" tanong ko.

"Nope. You're just in time," tugon niya.

"Salamat po," tango ko naman at nagpatiuna nang pumasok sa room. Dumiretso na ako sa upuan ko'y nilabas ang notebook at sign pen na gagamitin pang-lecture sa new lesson namin.

"Attention, class. We still have few months before the celebration of our 50th foundation day and so the pageant. If there's anyone interested here to join, feel free to communicate with me," litanya niya. "Okay, let's move on. New lesson tayo for today so kindly get your own notebook and pens."

Sa mga oras na 'yon ay wala ako sa sariling habang nakikinig at basta lang sulat ako nang sulat. Gayunpaman, good luck na lang kung sinuman ang magiging representative.

***

Nang tumunog ang trumpet ng UOL ay hudyat na para puwede na kaming lumabas sa break time namin. Pagkatapos maligpit ang mga gamit ay lumabas na ako dala-dala ang phone at wallet. Laking gulat ko na lang nang makita sa si Lauren sa gilid na hinihintay yata ako.

"Cuz!"

"Oh?" Namilog naman ang mga mata ko sa pagkabigla.

Ang aga naman yata nilang pinalabas?

"Bakit? Ayaw mo ba akong makita?"

"Ba't ang aga mo? Mamaya ka pa, 'di ba? Wala ka na bang klase?" pabalik kong tanong. Pagkuwa'y lumapit ako sa kaniya at napansin ko na lang na magkasabay kaming naglalakad pababa sa quadrangle.

"Nako, Cuz, nagalit prof. namin kanina," panimula niyang kuwento.

"Bakit? Ano'ng nangyari?"

"E pa'no nagkaro'n kami ng citation which is last week pa sinabi sa 'min ng prof. namin para din ready kami. Ang kaso, 'yung majority naman naming mga girls, okay pa saka nakasagot, pero pagdating sa mga boys, halos lahat sila 'di nakasagot," pagkuwento niya. "Iyon, nagalit prof. namin. Kesyo sinasayang daw nila pera pambayad sa tuition which is totoo naman. Grabe. Feeling siguro nila e high school pa rin sila. Ewan ko na lang. Kaya nga 'eto, 'di na nagturo kaya pinag-break na kami nang maaga," pagpapatulot niya pa na para bang masaya sa nangyari.

"E ba't parang masaya ka pa?" kaswal kong tanong.

"Ayaw mo n'on? Magkasama tayong magre-recess."

"Sus." Napailing na lamang ako sa kalokohan ni Lauren.

Nang makababa na kaming pareho sa quadrangle ay naabutan na naming marami nang tao sa labas na kakalabas pa lang sa kani-kanilang room. Sa pagpapatuloy naming naglakad ay hindi sinasadyang makasalubong naming dalawa si Lorenz. Naramdaman ko pa ang bahagyang pagsiko sa 'kin ni Lauren.

"Mukhang OP na ako rito. O siya, maiwan ko na muna kayo," pagpaalam niya saka tuluyang umalis at iwan kaming dalawa ni Lorenz.

"Lauren!" Sinubukan kong tawagin si Lauren pero hindi niya naman ako pinansin at hinayaan lang. Heto tulot ako ngayon at nasa harapan ni Lorenz. Napabuntonghininga na lamang ako. "Ano?"

"What's with the mood? Ang sungit mo."

"Saan masungit do'n? Nagtatanong lang naman ako."

"Why? Late ka ba no'ng pumasok ka? Hindi naman, 'di ba?" Pagkuwa'y tinaas niya ang kaniyang daliri at p-in-oint ang pisngi ko.

Inis kong winakli ang kamay ni Lorenz. "'Wag ka nga. 'Di naman ako late. Corny mo. Ang sagwa mo pang tingnan."

"Sagwa? What does "sagwa" means?" inosente niyang tanong bagay na akin naman ikinahagikgik. "What's funny? Is that a rude word or something?"

"'Wag mo nang alamin. Basta pangit ka," pang-aasar ko na lang dahilan para mag-walk out siya. "Hoy, Lorenz." Nananakbo ko naman siyang sinundan dala ng malaki ang bawat hakbang niya. Tinawag ko siya pero hindi naman niya ako nililingon kaya naman hinagit ko ang kamay niya. "Oo na. Pogi ka na. Saka ibig sabihin ng 'sagwa,' pangit. Okay na?" Nag-thumbs up pa ako.

Tumigil lang siya sa paglalakad matapos ko 'yon sabihin. Nanatili lang siya sa kaniyang kinatatayuan bago niya ako harapin.

"Gan'yan dapat. Pogi. Tama," aniya at tinapunan ako ng kaniyang simpleng ngiti.

Mabilis naman akong nakaramdam ng ilang dahil sa tono ng kaniyang pananalita kasabay ng pagtibok ng puso ko nang malakas. Dumistansya tuloy ako sa kaniya nang ilang dangkal.

"Namimihasa ka."

Tinangka niyang guluhin ang bugok ko pero mabilis akong umiwas at umamba ng susuntukan siya sa kaniyang balikat 

"Isa pang gulo mo, Lorenz," asik ko.

"'To naman. Nami-miss ko lang namang guluhin 'yang buhok mo, eh."

"Gago. Kahapon mo pa ginugulo buh—" Bigla na lamang akong natigil sa pagsasalita nang iangat ni Lorenz ang kaniyang kamay na para bang pinapatahimik muna ako pansamantala.

"Wait, wait," usal niya habang sinisilip ang kaniyang phone na nagri-ring. Tinakpan niya pa ito ng kamay para maaninag ang pipindutin sa kadahilanang maliwanag dito sa labas ng quadrangle. "Tumatawag si Ryker."

"Oh? Sagutin mo na, ah."

Sinagot naman ni Lorenz ang tawag. Sa kaniya naman natuon ang atensyon ko na tila ba inuunawa ang pinag-uusapan nila base sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Puro lang siya tango hanggang sa mangunot ang kaniyang noo.

"Good news? What's the good news?"

Ako rin nagtaka sa kaniyang kinumpirma. Saglit pa ang lumipas ay unti-unting nanlaki ang mga mata niya.

"Is that the girl who's the new enrollee next semester? The one you're talking about?" pagkumpirma niya. "Woah . . ." Napatakip pa siya ng kaniyang bibig sa gulat. "So it's Kendra? Men, you don't know how happy I am."

Kendra? I've already heard that name before. Familiar . . .

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon