DESTINY
Nagising ako dahil sa naramdamang haplos sa 'king balat. Sa una'y malabo pa ng aking paningin ngunit nang tumagal ay bumalik ito sa dati hanggang sa naging malinaw na ang aking nakikita. Natagpuan ko na naman ang sarili kong nakahiga sa malambot na kama. Naramdaman ko agad ang mabigat kong kanang kamay at napag-alamang may suwero na nakakabit dito. Sa paglingon ko naman sa 'king kabila ay ro'n ko natagpuan si Lorenz na nag-aalalang nakatingin sa 'kin.
"Kamusta ka na?" kaswal niyang tanong at bahagya akong nginitian.
Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko sa sandaling makita ko siya nang harap-harapan. Kulang ang mga salita para ipaliwanag kung ano'ng nararamdaman ko ngayon.
"Medyo may kirot pa rin pero okay naman ako," sagot ko. "Ang tagal mo ring nawala. Ano ba'ng ginawa mo? Nasa'n ka ba?"
Napabuntonghininga naman siya dahil sa naging tanong ko. "May inaasikaso ang akong mahahalagang mga papelos but it's now already done."
Tumango naman ako. "Na-miss kita."
"Me too. I miss you so much." Sunod niya akong dinampian ng halik pagkatapos n'on. "I've been busy the whole week because there'san emergency happening in my family."
"P'wede ko ba malaman kung ano 'yun?"
Umiling lang siya. "It's confidential, Destiny. I also want to be honest with you that I need to go to Spain to fix some probems. This is very urgent emergency. Sana maintindihan mo 'ko.
Huminga lang ako nang malalim. "Binibigla mo naman ako."
"I'm sorry."
"It's okay. Gusto ko ko lang malaman kung kailan ka aalis."
"Bukas," tugon niya't punangalummbaba ang mukha.
"Bukas? Agad-agad?" aligaga kong tanong.
"Yes, but I promise that I'll come back as soonn as possible. Babalikan kita. 'Di kita iiwan."
"Pe---" Hindi k na nagawa pang matapos ang dapat kong sabihin nang bumukas ang pinto sanhi para pareho nitong maagaw ang mga atensyon namin ni Lorenz.
Bumukas ang pinto at niluwa n'on ang si Ate Dani kasama sina Mommy, Daddy, at Kuya Dwayne. Nagkatanguan lang sila ni Lorenz at umalis din siya pagkatapos n'on kaya naiwan kaming buong pamilya ngayon dito sa kuwarto.
***
Kinabukasan pagkatapos ng mga kaganapan ay tuluyan ko nang 'di nakita si Lorenz. Wala man lang siyang chat o tawag man lang sa 'kin bagay na naiintindihan ko naman. Heto kami ngayon at pinoproblema ang paghahanap ng donor para sa operasyon ko gayong kinakailangan ko ng heart transplant. Walang mga stock sa mga ibang ospital at kailangan ko na raw maaoperahan agad nang sa gayo'y hindi na lumalala ang kalagayan ko. Mayroon naman sa ibang bansang available ngunit aabot pa ito nang mahigit isang linggo bago makarating at hindi ito puwede.
"Ate, may sinabi ba sa 'yo si Lorenz bago siya umalis?" kaswal kong tanong sa kaniya. Si Ate Dani lang ngayon ang kasama ko ngayon para bantayan ako.
"Wala, eh," iling niya.
Malalim na lang akong napauntonghininga pagkatapos n'on. Nag-aalala ako.
Maya-maya pa'y bumukas ang pinto at niluwa n'on si Mommy nang may ngiti sa kaniyang labi na animo'y may magandang balita.
"Anak," ani Mom. "May donor na kaming nakita,"masaya niyang balita kung kaya gano'n na lang umusli angg kurba sa 'king mga labi.
"Totoo?" paniniguro ni Ate.
"Oo, 'nak. Maooperahan na rin si Destiny sa makalawa."
Sa mga oras na 'yon ay unti-unting lumabo ng mga mata ko dulot ng aking mga luha. Hindi ko mawari kung ano'ng dahilan kung sa saya ba dahil gagaling na rin ako sa wakas o dahil hindi ko siya kasama sa tabi ko.
"Destiny, ba't umiiyak?" tanong naman ni Ate sa pang-aalong paraan.
Suminghap ako't pinunasan ito kaagad nang mapagtanto. "Masaya lang ako," pagdadahilan ko kahit may mas malalim pang rason. Hanggang ngayon ay hinahanap ko ang presensiya ni Lorenz.
BINABASA MO ANG
Color Codes | Completed | Wattys2022 Winner
RomanceThis story both won the Wattys2022 and the Biggest Twist Award. Destiny took a college entrance exam to pursue her dreams as an artist. Her works are always one of the best masterpieces that are bid on by those wealthy business owners. She's a casua...