Chapter 31: Postponed

93 6 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Oof---Sierra?"

Mabilis akong napaigtad sa nilalakaran nang bigla na lang akong may nakabangga dahilan para kaagad na umangat ang tingin ko sa 'king harapan. Gano'n na lang ako magulat nang makitang si Cameron ito.

"Cam... I'm sorry. Hindi kita nakita," paumanhin ko.

"Okay lang. Pasens'ya na rin. Nagmamadali kasi ako," pang-aalo naman niya. "Pero long time no see. Ang tagal na rin pala no'ng huli tayong nagkita. I've been very busy kasi kaya madalang na lang talaga ako lumabas sa room namin," litanya niya pang para bang nahihiya nang kaunti kasabay ng pakamot sa kaniyang batok.

Dahil sa kaniyang mga sinabi ay madali namang napawi ang pagkahiya ko sa kaniya kaya naman payak lang akong tumango. "Oo nga, eh. Naging busy rin ako pero mas busy ka pa rin. Buti lumabas ka ngayon?"

"Wala naman kaming masyadong gagawin ngayon kaya nakalabas ako ngayong recess," sagot niya.

"E sa'n ka pala pupunta? Mukhang nagmamadali ka rin kasi, eh."

Pinakita niya naman sa 'kin ang hawak niyang libro. "Isasauli ko lang 'tong libro sa library then balik na ako sa room ko. Actually may deadline ang paghiram ng mga libro do'n and kahapon ko pa dapat isasauli 'to e kaso may pinagawa sa 'min kaya wala na akong time. Bali may multa akong singkuwenta," paliwanag niya pa.

"Loko-loko ka talaga. Sayang din 'yung 50, 'no. Ulam at kanin na rin kaya 'yon," giit ko.

"Hayaan mo na. 50 pesos lang naman 'yon," aniya. "Anyway, sa cafeteria ka ba papunta?"

"Oo. Bakit?"

"'Yun pala, eh. Sabay na tayo," pagyayaya niya pa bagay na agad ko namang sinang-ayunan.

Wala na akong ibang sinabi pa at basta na lang kaming nagpatuloy sa paglalakad sa pasilyo hanggang sa makaapak na kami sa quadrangle. Marami ng mga estudyante na kani-kaniya nang nagsisilabasan kaya naman mas pinili naming bagalan lang ang paghakbang para paunahin muna sila. Sa mga oras na 'yon ay muli na namang nagbukas ng panibagong usapin.

"Sierra," pukaw niya sa 'kin.

"Oh?"

"Alam mo na ba 'yung sa intrams natin?" tanong niya.

"Intrams?" nagtataka ko namang tanong pabalik. "Baka foundation day?"

"Yes. 'Yan nga ibig kong sabihin," tugon niya. "'Yun nga. Next next week na start ng foundation day. Ambilis. In just four months, may ganito na. Kung sa 'min, next year pa may pagan'to."

"Buti nga kayo may gano'n. Kami nga sa dati kong school wala," bugnot kong sabi.

"Wala lang. Balita ko kasi kahit hindi pa officially open ang registration, naghahanap na ng mga nterisadong sumali. Nakausap ko nga prof namin. I just can't imagine na kapag wala raw may gusto at nahanap, ako raw magiging representative. Kainis. Ayoko nga," asik niya. "Ang daming mga estudyante rito ta's ako pa mapapagkadiskitahan? Ako lang ba pogi?" sarkastiko ngunit pabiro niya pang tanong sa sarili.

Hindi ko naman mapigilang matawa. Mahina ko tuloy hinampas ang braso niya. "Loko. Ayaw mo n'on? Ikaw lang pogi?"

"S'yempre, gusto ko."

"'Yun naman pala, eh."

"Eh ikaw? Wala kang balak sumali if ever? I mean, you're gorgeous enough to be one of the representatives. For sure, papayag mom at dad mo."

"Thanks for the compliment pero I'm not really sure for the meantime. Marami na akong napanood na mga pageants tuwing may piyesta sa 'tin pero kung sasali man ako, 'yun 'yung first time ko. Nakakakaba kaya at nakakatakot. Maraming mga taong manonood sa 'yo, 'no," mahaba kong wika.

"Ako rin naman, pero enjoy-in ko na lang. Malay mo, in random, tayo pa magka-partner."

"P'wede naman, kaso ayoko pa rin, eh."

"Ang gulo mo."

Pabiro na lamang akong napairap sa kaniya bagay na ikinatawa namin ni Cameron pareho. Kinalaunan ay naghiwalay na kami ng nilalakaran nang malapit na kami sa pupuntahan. Sa daan patungo sa library siya dumiretso habang ako naman sa cafeteria.

***

Mabilis natapos ang klase naming normal lang naman gaya ng nakasanayan. Nakakapagtaka lang na recess at lunch ay hindi ko man lang nakita si Lorenz. To be honest, kaya ko namang bumili at kumain nang mag-isa pero nasabi niya kasi sa 'kin no'ng nakaraang kakain kami ng ice cream sa bahay niya kaya naman gusto ko siyang makausap upang kumpirmahin kung matutuloy kami ngayon.

Mag-isa akong bumaba mula sa taas ng aming kuwarto at nakisabayan sa mga kakalabas ding mga estudyante. Pagdating ko sa baba ay hindi naman sinasadya ng mga mata kong makita sina Tyson at Ryker kasama ang iilang mga babae. Patakbo ko silang nilapitan.

"Tyson, Ryker," tawag ko sa pangalan nilang dalawa.

"Oh, Destiny?" tugon ni Tyson.

"What's up?" kibo naman ni Ryker.

"Nakita n'yo ba si Lorenz?" agad kong tanong.

Si Tyson ang sumagot. "Nando'n na," turo niya ang direksyon kung saan nando'n ang parking lot. "Nauna na siyang umuwi. Check mo baka maabutan mo pa siiya. Halos kasabayan lang din naming lumabas, eh. Bilisan mo lang. Alam ko kasi may pupuntahan 'yun, eh," dagdag niya pa.

"Sige, sige. Salamat." Hindi na ako nag-aksaya ng oras at dali-daling tumakbo ng quarangle hanggang sa makarating sa parking lot. Sa kinambutihang palad ay nagawa ko pang maabutan do'n si Lorenz na kasalukuyan pa lang binbuhay ang makina ng kaniyang motor. Tinawag ko siya. "Lorenz!"

Kaagad naman siyang lumingon sa 'kin kaya naman mabilis akong lumapit sa kaniya.

"What?" kaswal niyang tanong habang nakataas pareho ang kaniyang mga kilay pagkalapit ko.

"Ahm... 'Di ba ngayon 'yung sinabi mo? Kakain kamo tayo ng ice cream sa dorm mo," pagkumpirma ko sa kaniya.

"Ah, iyan? Can we just cancel it for now? Babawi na lang ako sa susund. I promise," paniniguro niya at ginawaran ako ng isang ngiti bagay na kabaligtaran ang epekto sa 'kin.

"Akala ko ngayon?" tila nagpupumilit kong pag-uulit ng tanong.

"Let's just do it in other time. May kailangan pa akong puntahan. Babawi ako sa susunod, Destiny." Kinuha na niya ang nakasabit niyang helmet saka ito isinuot sa kaniyang ulo. "I'm sorry but I need to go. May susunod pa naman," pagpapatuloy niya. Tuluyan na siyang umalis at tanging usok lang mula sa kaniyang sasakyan ang naiwang bakas sa harapan ko.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon