Chapter 36: Rings of Engagement

104 8 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"That's it. That's all for today. Thank you for listening," pagtatapos ng gurong nangasiwa. "You may now take your break."

Medyo may pagkatagal-tagal ang meeting namin ngayon marahil mabusisi saka isa-isa nilang pinaliwanag ang mga bagay na dapat naming malaman magmula sa nakaraang mga nanalo ng titulo, mga pagsasanay, mga preparasyon, at ang iba pang mga kakailanganin. Sa pagdidiskusyunan naming lahat ay ro'n ko lang nalaman na kasama sina Cam at Kendra sa mga delegates na may experience na pagdating sa pageants kaya naman sila ang may mas alam sa mga ganito habang ang mga natira ay pawang mga first timers lang kagaya ko. 'Yung iba ay halatang napilitan lang sumali.

"Sabay na tayong mag-lunch, Sierra?" patanong na pahayag sa 'kin ni Cam sa tabi ko.

"Sige lang," tango ko. Samantala ay hindi ko naman naiwasang mapalingon kay Lorenz na ngayo'y kasama si Kendra pagkatapos n'on. Gayunpaman ay winakli ko na lang sila sa 'king isipan at hindi na sila binigyang pansin saka nagpatuloy sa paglalakad sa labas.

Naunang naglalakad sa 'kin si Cam habang nakasunod naman ako sa kaniya. Nang makalabas kami ay mabilis na napukaw ng atensyon ko ang mga  estudyanteng kakalabas lang din ngunit nakakapagtakang may dala-dala na silang bag sa kanilang paglabas bagay na nagpakunot sa 'king noo.

"Ba't parang uwian na?" naguguluhan kong tanong.

"Ewan ko rin," tipid niyang tugon.

Nagkibit-balikat na lang at naglibot ng tingin. Ilang saglit pa ang lumipas ay may bigla na lamang may nangalabit sa 'kin.

"Cuz."

Humarap ako rito. "Ikaw lang pala, Lauren," wika ko. "Anong meron? Ba't parang nagsisiuwian na sila? Half day lang ba tayo ngayon?"

"'Yun nga pinunta ko rito," aniya. Pagkuwa'y bumaling siya sa katabi kong si Cam. "Hi, Cameron." Kumaway pa siya.

"Hello," kaway naman niya pabalik.

Nagpatuloy lang si Lauren sa kaniyang sasabihin. "Half day nga lan daw ngayon. May urgent meeting daw ulit ang mga teachers. Balita ko rin na ngayon mag-aayos ng buong unversity and ince tapos na exam natin at wala ng masyadong mga gagawin, half day na lang," paliwanag niya para maliwanagan ako.

"So p'wede nang umuwi?" pagkumpirma ko.

"Oo nga  raw," pag-uulit naman niya. "Sabay na tayong umuwi. May surprise kami para sa 'yo. Wait. Not sure kung surprise, pero good news." Hinila niya pa ang braso ko ngunit kaagad ko naman akong kumawala.

"Gaga ka ba? Nasa room pa namin 'yung bag ko," asik ko.

"Ay, sorry naman. Ba't ''di mo pa kasi kinukuha?"

"Teka lang, ha? Ngayon ko lang nalaman."

"Oo nga pala. Sorry," aniya sabay peace sign.

Sumingit naman si Cam sa kalagitnaan ng pag-uusap namin. "Wait. Hindi ka na sasabay sa 'king mag-recess, Sierra? I'll buy you some ice cream pa naman. Libre ko sana."

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon