Chapter 21: Bruise

133 8 0
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Excuse me. Excuse me po," pasintabi ko sa mga taong nagsisiksikan malapit sa bulletin board. "Excuse me po."

"Hintayin na lang kaya natin silang makaalis?" suhestyon ni Ryker.

Si Lauren ang sumagot. "'Wag kang desisyon. Mas marami pang tao mamaya."

Hindi na ako kumibo pa't tinuon na lang mismo ang atensyon dito. Binasa ko ito sa isip.

50th Foundation Celebration of University of Linvilla

Come and join us to celebrate our 50th foundation day with a theme, "Embracing Diversities." The university encourages everyone to be part of this once a year event in both intellectual and physical activities on October 25, 2021 to October 31, 2021. Stay tuned for more announcements by your respective class advisors.

"Hmm..." patango-tango kong pagbasa.

"Cuz," rinig kong tawag ni Lauren sa may tabi ko. "Look at this."

Tinuon ko naman ang atensyon ko sa tinutukoy niya. Nagpatuloy muli akong magbasa sa isipan.

The University of Linvillia proudly presents the search for Mister and Miss Linvillia 2021.

Registration begins on October 25, 2021 to November 10, 2021 from every 9:30 AM to 4:30 PM at the annex building.

Important notice: This is only applicable for students under senior high school and college. Each categorized team must have each pair of their representative. Before joining, kindly get the registration form to any officers in charge at the faculty. Prizes will be announced soon but one thing is for sure is that the winner will have scholarship.

"Wow..." mangha kong wika sa nabasa.

"Tsk. 'Yan lang pala. Akala ko naman kung ano na," bugnot namang usisa ni Lorenz saka payak na napabuntonghininga.

"Tara na nga. Nagugutom na ako," ani ko at humiwalay na sa mga taong nagsisiksikan.

Muling nagsalita si Lorenz. "Punyeta. Ang baho ng katabi ko kanina. Amoy putok," nakaisding ang mukha niya pang sabi dahilan para kaming lahat ay hindi mapigilan ang mga sariling matawa.

"Loko," ani Ryker.

"Ano ba talaga? Gutom na ako, Cuz," asik naman ni Laurene.

"Oh? Ano nga? Akala ko ba kakain na tayo? Wait, tayong lima na bang lahat?" tanong ko bagay na tinanguan naman ng lahat.

"E'di good. Kumain na tayo." 'Di ko na hinintay pa ang kanilang tugon at kaswal nang naglakad patungo sa cafeteria. "Bahala na kayo basta ako kakain na. Sumunod na lang kayo. Nasa mood pa naman ako manlibre. Sayang naman kung dumilim ang paningin ko," sarkastiko ngunit pabiro ko pang dagdag.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon