Chapter 03: Choiceless

509 32 20
                                    

DESTINY

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DESTINY

"Manong, para po," senyas ko. Bahagya akong lumiyad para ituro ang kanto kung saan niya ako ibaba bagay namang kaniyang ginawa. "Dito na lang po."

Hininto niya ako sa eksaktong kanto kong tinuro. Inilabas ko na ang wallet ko't dumukot ng pera saka ibinayad ito sa cab driver bago bumaba.

Nang makitang medyo malayo-layo na ang cab kong sinakyan ay bumaling na ako ng tingin sa harapan ng papasukan ko. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan saka hinarap ang lalakaran. Hindi naman maiwasan ng sarili kong mapatingala sa mataas na kulay berdeng gate nito. Mababasa sa bandang dulo ang karatula ng University of Linvillia.

Inayos ko ang pagkakahawak ng aking sling bag saka dumiretso. Habang papalapit nang papalapit, dalawang rumaragasang ilog na nakapalibot dito ang aking natanaw. Gumala pa ang mga mata ko't nasilayan ang mga matitingkad na mga dahon ng mga puno, dagdag pa ang mga batong nabalutan na ng mga lumot na siyang nagpapaakit pa rito.

Pagpasok ko pa lang ay kakaiba na ang pakiwari ko. It's weird. Not totally the negative but in opposite one. The ground is layered with grass instead of sement, resulting the whole place to be seen as green. It makes the entire space neat and clean to our eyes. Malawak ang kapaligiran. May iilang puno pa nga at sa ilalim ang mga upuan na gawa sa kahoy. Tambayan kumbaga. 'Di man lang ito nasisinagan ng init ng araw kaya presko ang hangin. Nakakagaan ito ng pakiramdam.

Gumilid muna ako at inilabas ang aking phone mula sa 'king bulsa saka muling ch-in-eck ang floor at number bulletin na aakyatan para sa resulta ng mga nakapasang aplikante. Sa pangalawang palabag at ikatlong bulletin ang sa applicants ng sa course na papasukan ko.

"Sana naman makapasa. Bahala na," bulong ko na lang.

Pumaibaba ang paglalakad ko saka nakapasok na sa corridor ng unibersidad. May mga guard rin na nag-a-assist sa mga papasok at lalabas. Bukod sa 'kin, marami rin akong mga estudyanteng nagbabakasakaling makapasa.

'Di na ako nag-aksaya pa ng oras at binilisan ang paglalakad patungo sa 2nd floor. Malakas ang tunog ng mga hakbang naming umaakyat, marahil sinasadyang tagalan para maging handa anuman ang kakalabasan nito. Geez. Kinakabahan na talaga ako.

Agad akong dumiretso sa mga nakahilerang bulletin board. "One, two," bilang ko sa mga nakahilerang bulletin boards. "Three. 'Ayun." Nakita ko na rin sa wakas ang bulletin board kung saan naka-pin ang mga nakapasa sa kursong pinag-exam-an ko. Mas lumakas ang dagundong ng tibok sa aking puso. Kinakain na ako ng kaba.

Marami na ang mga taong nakapaligid dito kaya medyo masikip. Halos patagilid na lang ako naglalakad para makasingit lang. Sa aking puwesto ay may napapansin na akong mga masaya at ang iila'y mga nadidismaya. May mga pumasa at mayro'n ding mga hindi pinalad. Tuluyang bumalot ang lamig sa kamay ko.

Color Codes | Completed | Wattys2022 WinnerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon