The Broken Heart

2.6K 70 2
                                    

A broken heart is one of those experiences that all of us as humans can share, yet you can only experience alone.

As humans, we're wired to experience incredible love and affection. But for every action, there's an equal and opposite reaction, and when it comes to the ecstasy of true love, that reaction is a gut-wrenching pain, a deep void of sadness, utter lethargy, and feelings of seemingly eternal loneliness.

 

            AFTER 6 MONTHS

            Malaki na ang tiyan ni Cara at halos hirap na siya sa kanyang pagbubuntis. Naiinis siya pag nakikita niya ang sarili sa salamin! Mukha kasi siyang butete at hindi siya makakilos, hindi niya maisuot yung mga damit na dati niyang isinusuot, hindi siya makapagshort, parati lang siyang nakamaternity dress at feeling niya nambabae na ang asawa niya kasi lagi nalang itong ginagabi umuwi, feeling niya tuloy ang panget panget na niya.

            Baby kalian ka ba naman kasi dyan lalabas, hirap na si mommy. Wika niya habang hinihimas ang kanyang tiyan na tila kinakausap ang baby niya sa loob.

            Sweetheart ano ka ba naman mamaya niyan magsalita si baby dyan sa loob.

            Mommy wag ka na po mag-alala after 3 months lalabas na din si baby wika nito sa kanya na nakihimas din sa tiyan niya. Baby aalis na si daddy papasok na si daddy sa office, wag mo pahihirapan si mommy ha, behave ka lang dyan sa loob ha, tila may isip na kinakausap nito ang baby sa tiyan niya.

            Baby sabihin mo kay daddy wag mangchichicks ha kung hindi lagot siya sa atin sisipain natin siya palabas ng bahay!

            Sweetheart naman, mambabae pa ba ako eh sa inyo palang ni baby kompleto na ang buhay ko!

            Ewan ko sayo Alexis! Dapat lang ano kung hindi humanda ka talaga sa amin ni baby pag labas niya. Sige na umalis ka na at malilate ka na.

            Okay sweetheart I have to go paalam nito sa kanya. Siyanga pala sweetheart nag-iwan na ako ng pang grocery kay nanay Mila if you want to go with her andyan naman si Mang Dado magpahatid nalang kayo. Tukoy nito kay aling Mila na yaya at kusinera ng mga ito na pansamantalang sa kanila muna naninilbihan habang buntis siya at si Mang dado naman ay family driver nila na sa kanila din muna nagduduty driver at guard niya ang trabaho nito sa kanila kaya di na siya nag-iisa sa bahay pag-umaalis ang asawa siya naman ay huminto na muna sa pag-aaral dahil sa kalagayan niya. 3rd year na siya sa kursong Business Management.

            Miss na tuloy niya ang mga friend niyang si Cherry at Jerome. Kahit lagi naman siyang dinadalaw ng mga ito ay di pa rin niya maiwasang mamiss ang mga ito kasi iba pa rin yung bonding nila nung nag-aaral pa siya.

Pagkaalis ni Alexis ay inutusan na niya si Nanay Mila na mag-grocery.

Nay Mila kayo nalang po ang mag-grocery ha, isama nyu si Mang Dado.

Naku wag na po mam, magko comute nalang po ako! Wala po kayong kasama dito, kabilinbilinan pa naman po ni sir na wag daw poh kayong iiwan na walang kasama.

Ay naku wag nyu pong intindihin yun si ALEXIS ako po ang sundin nyu, mahihirapan kayo kung magko-comute pa kayo. Saglit lang naman kayong mawawala eh! I'll be fine Nay Mila ang layo pa ng Due date ko noh, 6 months palang ang tiyan ko masyado lang OA yang asawa ko. Sige na po go na kayo ni Mang Dado.

  Pagkaalis nila Nanay Mila ay nagprepare na siya ng lunch nila. Nakaluto na siya ng lunch ng makabalik ang mga ito galing sa pag-gorocery kaya pagdating ng mga ito ay sabay sabay na sila kumain ng lunch.

crazy for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon