This is dedicated to LaiFrancelo who reads every chapter of my work. Thank you so much for your votes and comments.
Most of the time we just realized the value and importance of someone when they are gone. Life is too short so let your love fills the life of those person you love. Let them feel they are important . Live life to the fullest!.... Share, Love and enjoy life.
CHAPTER FIFTY THREE
Bigla na lang nagising si Alexis sa isang lugar na bago sa kanya kaya napabalikwas siya ng bangon.
Maamong mukha ng isang matandang lalaki ang bumungad sa kanya!
Nasaan ako? sino ka? tanong niya dito.
Amang nandito ka sa bahay ko! Salamat naman at nagising ka na!
Bahay mo? Anong lugar ito? paano ako napunta ditto?
Amang kahapon kasing namamasyal kami ng alaga kong si bantay sa gubat ay pilit niyang hinihila ako patungo sa tabing dagat at hindi ko alam kung bakit iyon pala ay dahil naamoy ka niya. Naamoy niya na may nangangailangan ng tulong namin.
Wala kang malay ng matagpuan namin sa dalampasigan kung ano man ang nangyari sayo ay hindi namin alam!
Nagpasya akong dalahin ka dito sa aking munting tahanan at dito gamutin.
Taga saan ka ba? Anong ginagawa mo dito? Sunod-sunod na tanong nito sa kanya.
Taga Maynila po ako! Pero may rest house po kami sa Batangas at doon po ako galing ng mapadpad ako dito.
Napagpasyahan ko pong mamangka at pumalaot para maglibang at dito po siguro ako dinala ng mga alon sa lugar ninyo. Habang nasa kalagitnaan po kasi ako ng dagat ay biglang lumakas ang alon, dahilan para tumaob ang aking Bangka. Ang huling naaalala ko po ay nakayakap ako sa tumaob kong Bangka at hindi ko na po ma-alala kung gaano ako katagal nagpalutang lutang.
Nasaan poh ba ako? Anong lugar poh ba ito?
Amang ikaw ay narito sa Isla Puting Buhangin.
Iilan lang ang mga naninirahan dito.
Maswerte ka at dito ka dinala ng mga alon.
May kasabihan kasi ang mga naninirahan dito na mahiwaga daw ang Isla na ito.
Pag narito ka kasi sa Isla parang ang lapit lapit mo sa diyos. Tahimik, malinis ang hangin at napakasimple lang ng buhay.
Walang kuryente, walang mga pasyalan at tindahan na pwede mong bilihan ng mga pangangailangan mo pero lahat ng pangangailangan mo makukuha mo dito.
Halika iho. Tumingin ka sa labas. Namangha si Alexis sa kanyang nakita! Napakagandang tanawin. Napakaganda ng kalikasang kanyang nakikita.
Mula sa kubo ay matatanaw mo ang asul na dagat, na napapalibutan ng kabundukan. Kaygandang pagmasdan!
Ang ganda nga po amang.
Yan pa lang naaabot ng iyong mga mata pero pag nalibot mo na itong isla at napasok mo ang kakahuyan dito mas lalo kang hahanga iho.
Bueno pag okay ka na at kaya mo na ay ililibot kita sa buong Isla.
Salamat po sa inyo tang. Sincere na pasasalamat ni Alexis sa matanda. Napakagaan agad ng loob niya dito.
Walang anuman yun amang. Ano nga pala ang pangalan mo? Balik tanong nito sa kanya.
Alexis po tang.
Ang pagkakataon nga naman! Sambit nito na tila nagkaroon ng lambong sa kanyang mga mata.
Alam mo bang kapangalan mo ang aking namayapang anak.
Po! May anak kayong namatay? Bulalas ni Alexis.
Oo iho! Bata pa siya ng mamatay. 7 years old pa lang!
Ano pong nangyari? Tanong ni Alexis sa matanda.
Ayaw ko ng alalahanin pa iho. Napakasakit ng bahaging yon ng buhay ko.
I'm sorry po! Pasensya na po kayo kung masyado akong matanong paghingi ni Alexis ng paumanhin sa matanda.
Okay lang yun iho. Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo!
Nakahuli kami kanina ni bantay ng malaking isda sa dagat at inihaw namin ito. Naku iho siguradong magugustuhan mo dahil sariwang sariwa ito.
Nagustuhan nga ni Alexis ang ulam na inihanda ni tatang. Manamis namis at malinamnam ang inihaw nitong isda.
Napakasarap po nito tang. Ibang-iba sa mga pagkain sa Manila.
Sabi ko sayo eh. Masarap mabuhay dito iho. Simple lang ang buhay, walang mga luho pero ditto ka nakakaramdam ng pagkakontento.
Alam mo ba iho na sadya talagang mahiwaga ang Isla na ito noon kasing nakaraang buwan lang ay may napadpad din ditong isang napakagandang babae at ang paniwala ng lahat dito ay siya daw ang dyosang mas magbibigay liwanag dito sa Isla.
Babae po? Hindi alam ni Alexis pero may kakaiba siyang naramdaman ng mabanggit ng matanda na may babae ding napadpad ditto.
Ang naglaho niyang pag-asa ay tila nagbalik.
Oo bakit parang gulat na gulat ka! Alam mo iho napakaganda niya. Tingin ko bagay kayo nun kasi napakakisig at napaka gwapo mo! Ganyang ganyan din ako nung kabataan ko!
Ngumiti si Alexis sa tinura ng matanda.
Naniniwala po ako sa inyo tang kasi kahit naman po hanggang ngayon eh gwapo pa rin kayo.
Eh tang tungkol dun sa babae na sinasabi ninyo, nasaan po siya ngayon.
Ah siya ba? Mukhang intresado ka sa kanya ah.
Naku iho. Kung balak mo pormahan eh wag nalang baka magkaproblema ka eh napakasungit ng nangagalaga sa kanya.
Sino poh ba ang nangangalaga sa kanya?
Sino pa! eh di yong aking masungit na sinisinta pero wag ka mag-alala dadalahin kita sa kanya.
Bakit ka nga pala nagging intresado dun sa babae?
Binata ka pa ba?
Tang ang totoo po kasi niyan, hinahanap kop o yung nawawala kong asawa umaasa pa rin poh ako na buhay siya.
Napatingin sa kanya ang matanda!
Bakit ano bang nangyari sa asawa mo?
Inabot po siya ng bagyo sa dagat at natagpuang wasak ung kanyang speedboat kasabay nun ang pagkakatagpo sa isang bangkay na hindi na halos makilala at mahitsurahan dahi tila kinitkit nang mga lamang dagat ang katawan nito.
Naniwala sila lahat na ang asawa ko yun. Pero hindi po ako naniniwala at nawawalan ng pag-asa na hindi yun ang asawa ko!
Na buhay pa siya!
Naku iho kung may natagpuang bangkay imposible nan gang buhay pa nga ang asawa mo.
Oh sige pag malakas ka na pupuntahan natin siya para sa ikapapanatag ng kalooban mo. Medyo malayo din kasi ang sa kanila dito.
Doon pa sila sa kabilang bundok.
Biglang nakatanaw ng pag-asa si Alexis.
BINABASA MO ANG
crazy for you
RomanceWhat cara wants, Cara gets! she is the only girl sa limang anak ni Don Carmelo at bunso pa kaya lahat ng gustuhin nya ay nakukuha nya! pero hindi ang lalakeng mahal nya. Twelve years old pa lang sya ay crush na nya ang best friend ng kuya nya na si...