Yes, I know you love me, but not the same way that I love you. I wish you weren't my whole world. I wish I wouldn't have to look in your eyes and only want you. Because now that reality woke me up, I realized I have to deal with the fact that you're gone and will never return.
CHAPTER FIFTY ONE
Makalipas ang tatlong araw simula ng mawala si Cara sa kasagsagan ng bagyong Lando ay natagpuan na din ang speed boat na sinakyan ni Cara na wasak na at kasabay nun ang paglutang ng isang bangkay ng babae na halos hindi na makilala dahil namaga na ang katawan nito dahil sa sobrang pagkababad sa tubig. Mukhang kinain na rin ng mga isda ang bangkay dahil sa ukit ukit sa mukha nito.
Cara! !!!No hindi yan ang asawa ko! chief hindi yan si Cara hanapin ninyo ang asawa ko! ibalik ninyo siya sa akin parang awa nyu na.
Pagmamaka-awa ni Alexis sa mga marines at coast guard na nagsasagawa ng rescue and search operation.
Ang mommy naman at daddy ni Cara at ang buong family nito ay napahagulhol na ng may iahon na bangkay na hindi na makilala dahil nabutod na ito sa tubig at mukhang pinagpyestahan na ng mga isda ang katawan.
Ang mama at papa ni Alexis ay napahagulhol din!
Maging si Sandra na may matinding inggit na nararamdaman para sa kapatid ay napahagulhol din.
Ganun din si Nanay Mameng at Agnes.
Mangingilabot ka sa hagulhol at mga pagtangis ng mga taong nagmamahal kay Cara.
Ang mommy ni Cara na si Carmela ay hinimatay pa ng kumpirmahin ng mama ni Alexis na ganun nga sa suot ng bangkay na narecover ang suot ni Cara ng mawala ito.
Carmela! Carmela! tinapi tapi ni Carmelo ang asawa na hinimatay habang wala pa ring tigil sa pag-agos ang luha niya.
Lolo what happened to Lola? Nagtatakang tanong naman ng kambal na naiwan sa rest house at wala pang kaalam-alam sa mga nagaganap. Iniuwi niya muna sa rest house ang nawalan ng malay na asawa.
Your lola will be fine mga apo! dont worry about her! Lolo wants both of you to be strong ha.
No matter what happened just be strong okay!
Why? what is happening lolo? Nasaan na poh ba si mommy!
Hindi alam ni Carmelo kung ano ang isasagot sa mga apo.
Hindi pa namin alam kung nasaan na si mommy ninyo. Sige na dun na muna kayo sa room ninyo, maglaro na muna kayong magkapatid dahil busy pa ang lahat sa paghahanap sa mommy ninyo.
Lolo sana mahanap na si mommy para complete na poh ulit ang family namin.
Dahil sa sinabi ng apo ay lalong nakaramdam ng lungkot at awa para sa mga apo si Carmelo. Masyado pa kasing bata ang mga ito para maulila sa ina.
Samantala si Jerome naman at si Cheery na parehong nasa America ay hindi makapaniwala sa nalamang balita mula sa Pilipinas.
Mabilis na namalisbis ang luha sa kanilang mga mata.
Noooo!!!!!!!if I only know na ganito ang mangyayari sa kanya hindi ko na sana siya pinayagang bumalik ng Pilipinas Cheery! tila paninisi ni Jerome sa kanyang sarili.
Si Cheery naman ay hindi makapag react sa sinabi ni Jerome sige lang ang iyak nito.
Hindi makapaniwala na wala na ang best friend niya! Na wala na ang taong parehong mahal at importante sa kanila ni Jerome.
si Alexis naman ay patuloy pa ring isinisigaw ang pangalan ni Cara habang nakaluhod ito sa buhangin at isinusuntok ng paulit-ulit ang kamao sa buhangin!
BINABASA MO ANG
crazy for you
RomanceWhat cara wants, Cara gets! she is the only girl sa limang anak ni Don Carmelo at bunso pa kaya lahat ng gustuhin nya ay nakukuha nya! pero hindi ang lalakeng mahal nya. Twelve years old pa lang sya ay crush na nya ang best friend ng kuya nya na si...