You can give without loving, but you cannot love without giving.
CHAPTER THIRTY FOUR
Masayang masaya ang kambal sa pakikipaglaro kay Carlos at sa iba pang mga pinsan ng mga ito. Siya naman ay nagpaalam muna sa ina na dun muna siya sa terrace dahil ayaw niyang makita ang asawa at si Sandra. Akala niya handa na siya sa pagtatagpo nilang iyon pero hindi pa rin pala, iba pa rin ang epekto sa kanya ng asawa nasa puso pa rin niya ang galit. Hindi niya kayang maging manhid.
Nasa Terrace na siya ng biglang mag-ring ang cp niya. Si Jerome ang tumatawag. Sinagot niya yun.
Hello! yes Jerome! Merry Christmas!
Merry christmas din Cara! kumusta na kayo diyan?
we are fine. Tuwang tuwa nga yung kambal ng mameet nila ang lolo and lola nila at ang mga kapatid ko. Ayun busy sila ngayon sa pakikipaglaro sa mga pinsan nila. Ikaw diyan kamusta ka?
Heto alone! malungkot na wika nito.
Ay naku naman kasi bakit ba naman kasi hindi ka pa sumama sa family mo sa Los Angeles para dun mag Christmas ayan tuloy loner ka ngayon! alam ko na why don't you come here and celebrate christmas eve with us, maaga pa naman abot ka pa for media noche kung aalis ka dyan sa inyo now!
Naku nakakahiya naman eh parang family reunion nyu yan eh, ako lang ang maiiba.
anong maiiba, eh ikaw naman ang naging pamilya namin nung kambal while I'm away with my family.
You come here na! wag ka na mag-inarte dyan! I'm sure matutuwa yung kambal na makita at makasama ka this christmas, at saka diba if ever, this will be the first christmas na hindi ka namin makakasama.
okay sige, alam nyo naman na malakas kayo sa akin eh.
okay bye! see you!
so kaya ka pala umalis sa baba at pumunta dito sa terrace para kausapin ang lalake mo!
Napalingon siya sa baritonong tinig na nagsalita sa kanyang likuran, at nakita niya ang nang-uusig at tila galit na hitsura ni Alexis.
Ang kapal! at ito pa ang may ganang magalit.
Hindi ba dapat siya yun!
Why did you leave Cara ng wala man lang paalam! punong puno ng hinanakit ang tinig nito ng tanungin siya!
Siya naman ay biglang nakadama ng takot at kaba! ito na nga ba ang sinasabi niya, ito ang iniiwasan niya ang komprontasyon nila ni Alexis.
Past is past Alexis! at ikaw na rin ang nagsabi diba, what is past is past at hindi na dapat pinag-uusapan.
I need an explanation Cara! matigas na wika nito!
Alexis why don't we just make it simple.
I don't love you anymore! so it's just as simple as that!
Shit! you should have at least told me about it before you leave! punong puno ng pait ang tinig nito at napasabunot sa kanyang buhok.
Why Cara? mas magaling ba ang lalake mo kaysa sa akin! tila nang-uuyam na tanong nito sa kanya habang unti-unting lumalapit sa kanya! siya naman ay tila nagulat at napako sa kanyang kinatatayuan kaya hindi siya agad nakaiwas dito, huli na ng marealized niyang sobrang lapit na ng distansya niya dito at huli na para umiwas siya, nahapit na siya nito, at nahuli ang kanyang mga labi na labis niyang ikinagulat! Hinahalikan na siya nito! marahas at tila nagpaparusa, halos humapdi ang labi niya sa klase ng paghalik nito and shit kaya niyang tiisin ang sakit at klase ng paghalik nito sa kanya pero hindi ang sakit na idinulot nito sa puso niya. Agad siyang kumawala at nagpumiglas sa pagkakayakap nito at pilit iniiwas ang kanyang mukha dito! pero mahigpit ang pagkakayakap ng isang kamay nito sa kanya habang ang isang kamay ay nakahawak sa ulo niya!
BINABASA MO ANG
crazy for you
RomanceWhat cara wants, Cara gets! she is the only girl sa limang anak ni Don Carmelo at bunso pa kaya lahat ng gustuhin nya ay nakukuha nya! pero hindi ang lalakeng mahal nya. Twelve years old pa lang sya ay crush na nya ang best friend ng kuya nya na si...