CHAPTER FIFTY-EIGHT
Hindi rin napigilan ni Alexis ang mapaiyak ng matuklasan ang tungkol sa lihim ng kanyang mama. Hindi niya akalain na may itinatago din pala ang kanyang mama at ganun din ang kanyang papa. Ngayon ay alam na niya kung bakit kailan man ay hindi siya nagkaroon ng kapatid dahil baog pala ang kinilala niyang ama.
Mahal niya ang papa niya na kanyang kinilalalang ama at nasasaktan din siya para sa sakit na nararamdaman nito ngayong nabuksan na ang isang masakit na katotohanan. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya para sa kanyang tunay na ama pero unang kita pa lang niya dito ay magaan na nag loob niya dito at ngayon ay alam na niya kung bakit dahil ito pala ang kanyang tunay na ama.
Napakalupit talaga at napakamapaglaro ng kapalaran. Parang pinaglaruan ng tadahana ang mga buhay nila. Pero tama ang kanyang asawa siguro nga may dahilan kung bakit sila muling pinagtagpotagpo ng tadhana at iyon ay para muli silang pagbuklurin at pag-isahing muli, bilang isang buong pamilya, siguro may dahilan kung bakit sila muling binuhay ng diyos at yon ay para sa pagpapatawad at muling pagbubukas ng bagong kabanata sa kanilang buhay. Para sa pagtatama ng kanilang mga naging kamalian sa kanilang buhay at para sa pagsisimula ng panibagong buhay na walang galit na nadarama sa dibdib.
Pero ang sakit pa rin ng katotohanan na minsan sa buhay ng kanyang mama ay nagkamali ito, pagkakamali na siya ang naging bunga at naging dahilan ng pagkawasak ng isang masayang pamilya. Isang pagkakamali na naging dahilan ng pagkamatay ng isang inosenteng walang muwang na anak ni nay Amanda at ng kanyang tunay na ama, kaya naman hindi niya masisisi si Nanay Amanda kung bakit ganun nalang ang galit at pagkamuhi nito sa mama niya.
"Lumuhod ka man sa harapan ko at magmakaawa Milagros ng paulit-ulit hindi na nun maibabalik ang buhay ng anak ko at ang pamilya na winasak mo!" You're a home wrecker bitch Milagros! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak kong si Alexis at ang kapal din naman ng mukha mo para ipangalan sa anak ko ang anak mo sa pagkakasala!
Punong puno ng galit at pait ang mga mata at tinig ni Nanay Amanda. At hindi maiwasan ni Alexis na masaktan ng ipagsigawan nito na siya ay anak sa pagkakasala. Dahil siguro sa sobrang galit at sa dati nang iniindang sakit ni Nanay Amanda ay bumigay ang katawan nito at nahirapang huminga, nawalan ito ng malay, at labis na nabahala at nataranta si Tatang.
Amanda asawa ko. Alexis tulungan mo ako dalahin natin siya sa ospital, natatarantang wika nito kay Alexis. Mabilis namang tumalima si Alexis agad niyang binuhat si nanay Amanda at agad na isinakay sa kotse at isinugod sa pinakamalapit na ospital kasama ang nagpapanic na ding si Cara at Tatang Alfonso. Nay Amanda! umiiyak ng tawag ni Cara sa kanyang nanay Amanda na tila wala ng buhay. Nay lumaban ka please...nandito na tayo sa ospital. Inang please wake up!!!please hold on. Dok please save my Nanay, lumuluha pa ring pakiusap ni Cara sa doktor.
Don't worry ma'am we will do everything we can. Pagbibigay assurance ng doktor sa kanila.
Samantala si Milagros naman ay patuloy pa rin ang pagtangis na naiwan sa rest house. Kasalanan ko ang lahat ng ito Alfredo. This is all my fault! pag may nangyari pang masama kay Amanda I swear hindi ko mapapatawad ang sarili ko at baka hindi rin ako mapatawad ng anak natin. Patawarin mo sana ako Alfredo! Patawarin mo ako sa lahat ng kasinungalingan ko!
Milagros mahal kita. Mahal ko kayo ni Alexis at wala ng makakapagpabago nun kahit pa ang katotohanang sumambulat sa mukha ko ngayon. Kailangan mong magpapakatatag para kay Alexis. And Let's just pray na walang masamang mangyari kay Amanda, na sana ay makasurvive pa siya at magawa ka niyang patawarin.
BINABASA MO ANG
crazy for you
RomanceWhat cara wants, Cara gets! she is the only girl sa limang anak ni Don Carmelo at bunso pa kaya lahat ng gustuhin nya ay nakukuha nya! pero hindi ang lalakeng mahal nya. Twelve years old pa lang sya ay crush na nya ang best friend ng kuya nya na si...