The Past and the Present

3.4K 96 8
                                    

       "Forget who hurt you yesterday, but dont forget who loves you today. Forget the past that made you cry and focus on the present that completes your smile."

                                                   CHAPTER ELEVEN

      Sandra you are drunk again! anong ginagawa mo sa buhay mo? umuwi ka lang ba ng Pilipinas para sirain ang buhay mo! Pagsesermon sa kanya ng kanyang ina!

        Why mommy? do you really care about me? puno ng hinanakit na tanong ni Sandra sa ina.

        Kasalanan nyu ni Daddy kung bakit ako nagkakaganito mommy! you and dad ruined my life! panunumbat niya sa ina.

        Para namang nawala ang pagkalasing niya ng sampalin siya ng mommy niya dahil sa mga sinabi niya. How dare you! pinag-aral ka namin ng dad mo, ibinigay namin lahat ng pangangailangan mo, minahal ka namin, inalagaan!.  anong karapatan mo na sagut sagutin ako ngayon ng ganyan! anong karapatan mo na sumbatan kami ng dad mo.

        You don't understand me mom and you will never understand me kasi hindi nyu naman alam what I have been through all these years! mom naging sunod-sunuran lang ako sa lahat ng gusto nyu ni dad but you never asked me kung ano ba talaga ang gusto ko! so I have no choice mom. umiiyak ng sumbat ni Sandra sa ina.

        Then now tell me once and for all ano ang ipinagkakaganyan mo? mahinahon ng tanong ng mommy niya.

        Mom wala na akong pag-asa maging masaya! I will stay alone all my life...wala na ang kaisa-isang lalakeng minahal ko. Wala na siya mom pag-aari na siya ng iba ngayon. Sabi nyu ni daddy layuan ko siya at kalimutan, sabi nyu bata pa ako at darating ang panahon na makakalimutan ko din siya, sabi nyu hindi siya ang tamang lalake para sa akin. Inilayo nyu ako sa kanya pero hindi ko siya nakalimutan mommy! hanggang ngayon siya pa rin po ang mahal ko pero kasal na pala siya sa iba, ang sakit sakit mom kasi hanggang ngayon mahal ko pa siya.

        Sandra anak ano bang pinagsasabi mo? biglang nakaramdam ng awa si Bianca para sa anak. Hindi niya kalain na hindi pa rin pala ito nakakamove on sa past love nito.

        Anak lalake lang yan! wag mong sirain ang buhay mo ng dahil sa kanya. Hindi ka na bata Sandra, you are already 33 to act that way.

        Anak marami pa naman dyang iba. Maganda ka professional kaya I'm sure na makakahanap ka pa ng tamang lalake para sayo.

        Pero kelan pa mom? 33 na nga ako diba and I now consider myself as an old maid.

        Stop that Sandra! I want you to fix yourself, ayaw kong makita ka ng dad mo na ganyan ka. Halika na sa room mo at baka madatnan ka pa ng dad mo sa ayos mong ganyan. I'm sure he'll be disappointed with you. Sinamahan ni Bianca ang anak sa kwarto nito na agad na nakatulog pagkalapat pa lang ng likod sa kama nito.

        Hindi niya akalain na ang boyfriend pa rin pala nito nung High school ang mahal nito hanggang ngayon.

*************************************************************************

        Nasa bahay na nila si Cara at Alexis, kumakain sila ng pop corn habang nanonood ng holywood movie. Sa bagay na yun ay nagkakasundo sila ni Alexis kahit pa nung bata pa siya.

        Alex Business partner mo lang ba talaga ang Sandra Villafuerte na yun? tanong ni Cara sa asawa habang nanonood sila.

        Cara manood ka na lang kaya, ang dami mo pang tanong eh.

crazy for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon