The Run Away Wife

3K 77 2
                                    

 Do you ever feel like running away! just suddenly leaving. No note, no warning, just getting your shit and leaving.

 CHAPTER THIRTY TWO

Madaling araw na ng makarating sila Cara sa Rest House nila Jerome. Hindi niya akalaing ganun kalaki at kaganda ang rest house nila Jerome sa Quezon. Palibot ito ng bundok at karagatan. Sariwang hangin ang sumalubong sa kanila. Nakatulong ang bagong kapaligaran na kanyang nabungaran upang kahit papano ay magkaron ng kapanatagan ang kanyang puso at isip.

Ang mabait na mayordoma nila Jerome ang sumalubong sa kanila sa Villa, maedad na ito at puro puti na ang mga buhok ayun kay Jerome ay si Aling Nena ang nangangalaga at mayordoma nila sa Villa.

Magandang araw po senyorito! Ganun din po sa inyo mga mam. Napakagaganda nyu! magiliw nitong papuri sa kanila ni Cherry!

Naku maraming salamat po! sagot ng best friend niya sa matanda. Siya naman ay tipid na ngumiti sa matanda.

Naku halina po kayo at mag-almusal po muna kayo at magkape nakahanda na po ang mesa. Alam kong pagod kayo sa byahe. Naiayos ko na po ang guess room senyorito kagabi na tumawag kayo pero bago po kayo magpahinga eh mag-almusal po muna kayo.

Halos hindi magalaw ni Cara ang pagkain na nasa harap niya. Habang ang dalawa ni Jerome ay masarap na kumakain. Daing na bangos, bacon, at sinangag ang kanilang almusal.

Nagkatinginan naman si Jerome at Cherry ng mapansing hindi niya nagagalaw ang pagkain sa harap niya at matamang nakatitig lang siya dun.

Best ano ka ba naman hindi mauubos yan kung titigan mo lang! sita sa kanya ni cherry.

Best wala akong gana, gusto ko nalang magpahinga!

No! kumain ka! nakalimutan mo na ba yang baby sa tiyan mo! best pag hindi ka kumain hindi lang ikaw ang magugutom at maapektuhan kundi pati yang baby sa tiyan mo! Kumain ka kahit ilang subo lang then inumin mo na din yang tinimpla sayong gatas ni Nanay Nena habang mainit pa.

Pero best wala talaga akong gana!

Pwes pilitin mong magkagana best alang-alang jan sa baby mo! pag ganyan ka ng ganyan eh mabuti pang ipasundo na kita kela tita at tito Carmelo!

No please wag! ayaw ko ng madamay pa sila sa gulo namin nila Alexis!

So yun naman pala eh! di kainin mo na yan dahil madali naman akong kausap! pagtataray na ni Cherry sa kaibigan. siyanga pala kagabi pa tawag ng tawag itong si Alexis at hanggang ngayon tumatawag pa rin hindi na yata natulog ang taong ito eh! anong sasabihin ko sa kanya!

Wala kang sasabihin best. Sabihin mo hindi mo alam kung nasaan ako!

okay fine! hindi na nakatiis si Cherry kaya sinagot na rin nya ang tawag ni Alexis.

Yes hello Alexis sorry kagigising ko lang at ngayon ko lang nacheck ang cp ko nakasilent kasi ito kaya ngayn ko lang nalaman na kagabi mo pa pala ako tinatawagan. May problema ba? tila walang alam na tanong ni Cherry kay Alexis sa kabilang linya.

Kasama mo ba si Cara Cherry ang sabi kasi ni nay Mila sinundo nyu daw si Cara kahapon at inaya sa mall.

I'm sorry Alexis pero hindi ko alam kung nasan siya, pagkatapos kasi namin magmalling ay inihatid na nila ako ni Jerome so hindi ko alam kung san pa sila nagpunta! teka wala pa ba dyan si Cara? baka naman nasa kanila lang!

No! wala siya dun kagabi tumawag ako dun at wala daw siya dun at ngayon naman katatawag ko lang sa kanila pero wala din daw siya dun.

Bakit hindi mo tawagan si Jerome kasi sila ang huling magkasama, patuloy na pagkukunwari ni cherry na walang alam.

crazy for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon