ONE MORE CHANCE

2.8K 79 3
                                    

CHAPTER FOURTHY THREE

     Kitang kita ni Alexis kung paano maging wild at magwala si Cara sa dance floor. Alam niyang lasing na ito. Kita niya din kung paano walang magawa ang best friend nito na si Cheery. Simula ng maghiwalay sila ni Cara ay naging stalker na siya nito. Itinuloy pa rin nito ang pagpafile ng annulment paper nila at kahit labag sa kalooban niya ay wala siyang nagawa kundi ang pumirma at maki cooperate para mapawalang bisa ang kasal nila kapalit ng kasunduang hindi ito aalis ng bansa para dun na manirahan at para itago at ilayo sa kanya ang kanyang mga anak na utos ng papa nito.

     Nakita niyang may tinawagan si Cherry sa phone nito ng hindi nito maawat si Cara sa dance floor. Baka tumawag ito kay Brent o sa isa man sa mga kapatid nito. Nagkasya na siya na patingin tingin lang kay Cara mula sa malayo. Hindi pa ganap na naaprubahan ang annulment nila at patuloy pa rin itong dinidinig sa korte pero ayon sa abogado niya ay malaki ang chance na maaprove na ang annulment papers nila. At pag nangyari yun tuluyan ng mawawalan siya ng karapatan dito.
    
     Halos 40 minutes pa ang lumipas ng makita niyang may kausap na lalake si Cheery. Nakilala niya agad ang kausap nito at ganun nalang ang bumalot na inis sa kanya ng makilala ito. Walang iba kundi si Jerome Rodriguez ang karibal niya sa kanyang asawa at mga anak.

     Nakita niyang lumapit ito kay Cara sa dance floor at parang hinihila na nito si Cara paalis dun pero ang lasing niyang asawa ay tila nang-aakit pa na ikinawit ang dalawang kamay sa leeg ni Jerome. At dun na siya hindi nakatiis.
Shit!!!
Lumapit siya sa dance floor at inalis ang pagkakawit ng mga braso ni Cara sa leeg ni Jerome na hindi naman agad nakapalag.

     Excuse me pero lasing na ang asawa ko kaya iuuwi ko na siya.
    Excuse me pare ako na ang mag-uuwi sa kanya. Hindi magugustuhan nila tito Carmelo kung makikita nilang ikaw ang maghahatid kay Cara.

    Wala akong pakialam hindi pa naaaprubahan ng korte ang annulment papers namin kaya ako pa rin ang asawa at may karapatan pa rin ako sa kanya.

     Let's go Cara. Ano ba Alexis bitawan mo nga ako. Ano bang ginagawa mo dito.
     Iiuwi na kita. Nakakahiya na ang mga pinaggagawa mo.baka nakakalimutan mong asawa pa rin kita at daladala mo pa rin ang apelyedo ko.

     Wow hiyang hiya naman ako sa apelyedo mo Alexis.

     Hey Alexis wait! Saan mo dadalahin si Cara. Habol sa kanila ng bestfriend nitong si Cheery.

     I'll bring her home cheery, don't worry she's safe with me.

     No Cheery! Please call dad wag mo akong hayaang maisama ng lalakeng ito. Utos niya sa kaibigan. Ayaw niyang makasama si Alexis dahil baka ipagkanulo nanaman siya ng kanyang damdamin.

     Why are you so afraid with me my dear wife? Don't worry hindi ako nangangagat.

     Bitawan mo ako Alexis hindi ako sasama sayo. Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak nito sa kanya. Pero wala siyang nagawa ng para siyang bata na binuhat nito at isakay sa kotse nito.

     Agad nitong pinaharorot ang kanyang sasakyan. Habang nasa sasakyan ay nakaramdam ng pagkahilo si Cara unti unti ng pumipikit ang kanyang mga mata hanggang sa di na niya namalayan kung saan siya dinala ni Alexis.

     Samantala sa rest house naman nila sa Batangas dinala ni Alexis si Cara Simula nung mabili niya yun at dalahin dun si Cara nung anniversary nila na ang mommy at daddy pa niya ang naghanda sa surprise niya na yun para kay Cara ay hindi na ulit sila nakabalik don.

     Tulog na tulog pa rin ito ng buhatin niya at ihiga sa kama nila. Pagod din siya sa haba ng byahe nila pero nawala lahat ng pagod niya ng mapagmasdan ang maamong mukha ng asawa. Humiga na rin siya sa tabi nito at yumakap dito. Mahimbing siyang nakatulog kayakap ang asawa.

crazy for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon