CHANGES IN MY LIFE

2.9K 84 3
                                    

There are so many changes in our lives since you've been gone. We missed you so much. I will never ever forget you, you will always live in my heart and will always stay on my mind.

CHAPTER FIFTY TWO

Nagising si Alexis na pawisang pawisan mula sa kanyang pagkakatulog. Nakita niya ang takot sa mga mata ng mama at papa niya.

Alexis ano bang napanaginipan mo at kanina ka pa umuungol diyan. Kanina ka pa namin ginigising ng papa mo pero hindi ka magising!

Diyos ko naman anak nakapangingilabot ka kanina. Hindi namin alam ng papa mo kung nanaginip ka lang ba o sinasapian ka na ng masamang espiritu.

Anak ano bang napanaginipan mo?

I've had a bad dream ma. Nakakatakot, mabuti nalang poh at panaginip lang pala ang lahat.

Anong panaginip yan? Tanong ng kanyang ina.

Ma I dream of Cara, natagpuan daw ang wasak na speed boat ko na ginamit ni Cara at kasabay nun ang paglutang ng isang bangkay na hindi na halos makilala dahil sa namaga na ang katawan nito dahil sa pagkababad sa tubig at dahil sa tila pinagpyestahan na rin ng mga lamang dagat ang katawan nito.

Nakakatakot ang panaginip ko ma! Nakakatakot yung mga naging pagtangis natin, yung mga iyak natin at yung pain na naramdaman ko parang totoo talaga.

Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na nailing.

Awang- awa na si Milagros sa anak. Kung may magagawa nga lang siya para maibalik dito si Cara.

Alexis anak, hindi isang panaginip ang lahat!

Anak kailan mo ba matatanggap na wala na si Cara. Anak kailangan mo ng tanggapin ang katotohanan.

Napatingin si Alexis sa ina at napasabunot sa ulo niya!

No! ma! Buhay si Cara! Alam ko buhay siya! Buhay si Cara ma.

Walang nagawa si Milagros kundi yakapin ang anak.

Anak naman please...one month ng patay si Cara. Palayain mo na siya. You are always having a bad dream kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap na patay na siya.

Alexis nandito pa kami ng papa mo! At ang mga anak mo! Sana naman isipin mo rin kami, anak magpakatatag ka para sa mga anak mo.

Sa tingin mo ba gusto ni Cara na Makita kang ganyan.

Let go anak!....

It's been a month na simula ng mamatay si Cara at ang lahat ng mga naiwan niya ay hindi pa rin lubusang nakakarecover sa pagkawala niya at isa na dun si Sandra na laging nagpapakalunod sa alak simula ng mawala ang kapatid.

Sinasabi ko na nga ba at naririto ka nanaman! Nag-aalalang sita ditto ni Joey.

Pwede ba Joey leave me alone! I want to be alone! Pabayaan mo na ako!

No Sandra! Hindi ko pwedeng gawin yun sayo!

Bakit ba ang kulit kulit mo Joey. Kailan k aba magsasawa sa pangungulit sa akin? Inis na tanongdito ng lasing ng si Sandra.

Hindi ako magsasawa Sandra. Hinding! Hindi! Hanggang sa matanggap mo na ako sa buhay ninyo ni Carlos.

Sandra please give me a chance open your heart for me!

Pakiusap dito ni Joey!

Malungkot na tumingin si Sandra sa mga mata ni Joey at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.

crazy for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon