Secrets Untold

3.6K 88 4
                                    

CHAPTER FIFTY SEVEN

Napahimbing ang tulog nina Cara at Alexis dahil siguro sa pagod sa haba ng kanilang nilakad at byinahe kanina, kaya hindi na nila namalayan ang pagpasok ng kanilang mga anak sa kanilang kwarto, pero naalimpungatan siya sa mahigpit na yakap at halik sa pisngi sa kanya at kay Alexis ng kanilang kambal at sa pagdagan ng mga ito sa kanila. Mommy, Daddy, panggigising ng mga ito sa kanila, at halos sabay pa sila ni Alexis na nagmulat ng mga mata at natunghayan ang naiiyak sa tuwa na mga anak nila, naluha din si Cara sa sobrang tuwa na mahigpit at sabik na niyakap ang kambal, si Alexis naman ay mahigpit din na yumakap sa kanilang mag-iina.

Mommy, akala namin patay ka na, buti nalang mommy buhay ka. Masayang wika ni Xyra.

oo nga mommy segunda naman ni Xander. Mabuti daddy hindi ka tumigil sa paghahanap kay mommy.

Daddy thank you poh sa pagbabalik mo sa amin kay mommy ha. Paglalambing ng dalawa niyang anak sa kanilang ama.

We love you mommy, daddy. Wag na poh ulit kayo mawawala at mag-aaway ni mommy ha, request ng matabil na si Xyra.

Hindi na promise ni daddy yan. Alam nyo naman na sobrang love ko ang mommy ninyo. Siya lang naman ang mahilig mang-away sa akin eh, panunudyo sa kanya ni Alexis.

Mommy wag mo na aawayin si daddy ha, baling naman sa kanya ni Xander.

Promise ko yan sa inyo mga baby ko, never ko na aawayin ang daddy ninyo basta wag lang niya ako bibigyan ng sakit ng ulo eh.

Oh daddy narinig mo yan ha, pangungulit pa ni Xyra sa ama. Wag mo na bibigyan ng sakit ng ulo si mommy ha.

Yes mga boss I promise wika naman ni Alexis na nakangiti pang itinaas ang kanyang kanang kamay at nanumpa sa kanilang kambal.

Sobrang saya talaga ni Cara na muli ay kompleto nanaman silang pamilya ng bigla niyang maalala ang dalawang matanda nilang kasama.

Naku Alexis napasarap ang tulog natin kumusta na kaya sila nanay Amanda baka gutom na ang mga iyon.

Sino po sila Nanay Amanda mommy? Nagtatakang tanong ni Xyra sa ina.

Nak sila ang nag-alaga sa amin ng daddy mo ng mapadpad kami sa isang isla. Mababait sila tinulungan nila kami at inalagaan ng daddy mo.

Tayo sa kanila at ipapakilala namin kayo.

Sabay-sabay na lumabas ng kwarto ang mag-anak, at sumalubong sa kanila ang naiiyak na mga magulang ni Cara. Ang kanyang daddy at mommy.

Agad na niyakap ni Carmelo at Carmela ang inakala nilang namatay nilang anak. 

Naluha din siya ng parehong umiiyak naa yumakap sa kanya ang kanyang ama at ina.

Cara anak! ikaw nga! buhay ka nga! tila nanginginig pa ang boses ng kanyang mommy.

Yes mom! ako poh eto buhay po ako. Thanks to God kasi ibinalik niya ako ng buhay sa inyo.

Yes anak praise the lord thanks to him kasi isinuli ka niya sa amin.

We love so much my princess, naluluha pa ring wika ng kanyang daddy.

crazy for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon