The Untold Story

2.9K 82 3
                                    

"There is no greater agony than bearing an untold story inside you."


CHAPTER THIRTY FIVE

            Hindi mapakali si Sandra, nababahala siya sa muling pagbabalik ni Cara. Alam niyang sa loob ng apat na taon na pagkawala nito kaylanman ay hindi ito nawala sa puso at isip ni Alexis. Hindi niya ito nakayang burahin sa puso ni Alexis ngayon pa kaya na nagbalik na ito.

            Napansin niya ang malaking pagbabago nito! Mas lalo itong gumanda at parang hiyang dito ang pagiging ina. Hanga din siya sa mga anak nito na sobrang bibo. Kamukhang kamukha ni Alexis ang kambal, hindi maaaring ipagkaila na anak ito ni Alexis. Halos lahat ng features ng mga ito ay nakuha kay Alexis.

            Sandra anak kanina ko pa napapansin na sobrang lalim ng iniisip mo! Is there any problem? Nag-aalalang tanong ng kanyang inang si Bianca.

            I'm in trouble mom.

            What do you mean?

            Bumalik na si Cara mommy the run away wife of Alexis.

            So! Sandra anak why don't you just give up on Alexis. Let him be kung saan siya masaya. Anak you already have Carlos, hindi pa ba sapat ang anak mo para maging masaya ka.

            Mommy ang makapagpapasaya lang sa akin ay pag nabigyan ko ng kompletong pamilya ang anak ko. Ako si Carlos at si Alexis. Ang maging buo kami yun ang makakapagpasaya sa akin.

            Sandra alam mong hindi mangyayayari yun diba. May asawa na si Alexis, kasal sila. Kung gusto mong mabigyan ng kompletong pamilya ang anak mo then palayain mo ang sarili mo sa sarili mong kasinungalingan.

            What do you mean mom?

            Sandra mommy mo ako! Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at kung kailan ka may dinaramdam at pinoproblema. Galing ka sa sinapupunan ko! Sa akin ka lumabas kaya wala kang maitatago sa akin.

            Anak kung talagang gusto mong bigyan ng buong pamilya si Carlos pwede naman eh. Kung sasabihin mo sa tunay niyang ama ang totoo.

            Mommy? Gulat na gulat na napatingin si Sandra sa ina.

Nagulat ka ano! Akala mo siguro hindi ko alam. Anak hindi maganda ang may itinatagong sikreto dahil balang araw kahit gano mo pa siya itago sisingaw at sisingaw yan. Kaya before it's too late aminin mo na sa mga taong involve ang totoo and besides anak kapatid mo ang sinasaktan mo sa ginagawa mong yan..

Isa kang Hidalgo at si Cara ay Hidalgo din! Kapatid mo siya. Let go of Alexis hayaan mong maging masaya sila!

No mommy! I wont allow that to happen! I love Alexis so much! Maaaring Hidalgo ang apelyedong gamit ng Cara na yun! Pero hindi ko siya kapatid. Ampon lang siya diba!

Sandra anak marami ka pang hindi alam. Matuto ka sana sa mga pagkakamali namin ng daddy mo. Akala mo ba anak masaya ako! Kailanman hindi ako nagging masaya dahil kinain ako ng galit ko! Nagpatalo ako sa galit! Nakalimutan kong magpatawad! Naging maramot ako kaya lumaki ka sa isang kasinungalingan. Anak gusto mo bang lumaki din si Carlos sa isang kasinungalingan at balang araw ay sumbatan ka. Anak wag mong hintayin pa ang panahon na yun dahil baka hindi ka na mapatawad ng anak mo at ng mga taong nasaktan mo.

Mommy anong alam nyu? Takang tanong ni Sandra sa ina.

Anak alam kong hindi si Alexis ang ama ng anak mo!

crazy for youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon