Part-1

85 7 0
                                    

***

"Eh!...ano pa nga ba? Wala naman akong magagawa kundi ang kupkupin ang batang yan!" Galit na sabi ng tita May ko, kausap si nanay silya na kapitbahay namin.


Katatapos lang ng libing ng aking ina, inatake ito sa puso at agad nitong kinamatay, at bata pa lamang ako ng mawala ang aking ama. Ang tita May ko ang nagiisang kapatid ng nanay ko at ito na lang din ang natitirang kamag-anak namin.


Sa totoo lang ayaw kung sumama sa manila ayaw kung iwan ang bahay namin, maraming masasayang ala-ala kami ni inay dito. At higit sa lahat ayaw ko kay tita May noon pa man malupit na ito. Lagi nyang inaaway ang aking ina. Pero wala naman akong magagawa dahil bata pa ako.


"Mabuti pang ipag-bili na itong bahay bago tayo umalis!"  Anito na nakatingin sa akin, agad naman kinalaki ng mga mata ko nang marinig ang sabi nito.

"Po? Bakit po?" Naguguluhang tanong ko.

"Aba syempre sa akin kana titira! Saka wala na titira dito Kaya mabuti pa ibenta na ito" Sagot nito na parang di na mapipigilan pa.


"Pero May si ian  na ang Makakapagpasya nyan, sa kanya na itong bahay" sabad naman ni manang silya na agad kina-ismid ng tita ko.

"Sa akin sya titira! Mahirap ang buhay ngayun mag aaral pa sya aba! Maganda na yung kahit papaano eh may ambag sya!" Mataray pa nitong saad. Saka nag lakad papalayo sa amin hindi ko naman maiwasang maiyak, niyakap naman ako ni manang silya at inusal ang mga katagang KAYA MO YAN"



















************SHORT CHAPTERS ********😍😍😍🥰🥰😘😘😘😘😘😘😘😘😍🥰

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon