******
Mabilis lumipas ang oras, alas sais na pala nang umaga naririnig ko na may tao na sa labas, it's means sa kusina yun. Maya-maya may kumatok na sa pintuan ng silid kung nasaan ako literal na katok na malakas. "Tss!" Iritang na pabangon na lang ako at inayus ang sarili ko. Tinali ko na lang ang mahaba kung buhok.
Agad naman akong lumabas at doon nakita ko ang tiyahin ko na nagluluto ng almusalan, mababa lang ito siguro nasa 4'6 lang ang taas nito may katabaan na rin ngunit nababakas parin ang magandang mukha nito.
"Mabuti naman at gising kana..." Anito na tiningnan lang ako saglit, sasagot pa Sana ako ng napalingon ako sa gawi ng hagdan papunta sa taas, bumaba kasi dun ang asawa ng tita ko si tito Nestor halos kasing taas lang sila at mataba na rin ito. Kasunod naman nito ang nagiisang anak nilang babae na kahit kailan hindi nya naging kasundo bukod kasing kaugali ito ng tita subrang arte pa!.
"Mommy! Wag mong sabihing dito titira ang pangit na yan!" Mataray na tanong ni Madisyn na naka ismid sa akin, tss Maka pangit ka eh Mas maganda pa ako sayo aniko na lang sa sarili ko.
"Naku! Ano pa nga ba!...sya sya kumain na kayo!" Sagot ng tita ko sa anak, isang taon ang tanda sa akin ni Madisyn ngunit matangkad ako dito sa idad kung disi-sais may taas akong 5'5. siguro sya mga 4'9. Katamtaman din ang puti nito na medyu singkit din ang mga mata nito na bumagay sa maliit na mukha nito.
Nag simula na silang tatlo kumain, ako naman parang tangang nakatayo lang. "Oo nga pala papayag akong mag-aral ka pero kailangan mong tumulong sa mga gawaing bahay dito!" Maya-maya sabi ng tiyahin nya habang kumakain ito. Tss di pa mabulunan! Ani ko sa isip ko.
"Wag ka lang papasok sa school ko ahh! Nakakahiya malaman nilang may probinsyanang pinsan ako!" Mataray pa rin na sabat ni Madisyn. Tss...ako dapat mahiya dahil pinsan kita!. Sagot ko na lang sa isip ko. Saka tumango na lang ako sa tinuran ng mag ina.
Matapos silang kumain akala ko papakainin na ako, pero tinuruan muna ako kung ano-anong gawain tss....ayus din may katulong na sila pero okay lang basta pagaaralin nila ako. Matapos ang lahat saka ako sinabihan kumain na, Diyos ko Kala ko pagsisimulain na ako magtrabaho.
🤩😍🥰*****************SHORT CHAPTERS **************🥰😍🤩
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
RomanceIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...