Part_33

9 3 0
                                    

******



Ian PoV *




Hindi ko na namalayan ang araw halos mag dalawang linggo na pala mula ng umalis ako sa tiyahin ko, umalis o pinaalis pero hindi ako nagsisi na umalis doon kahit pa wala akong makain ngayun.

Hanggang sa isang araw na lang ang natitirang pera ko, nag titipid na nga ako sinasabi ko na lang sa mga kaibigan ko na diet ako sa tanghali kaya tinapay lang ang pagkain ko mukhang naniwala naman sila pero minsan pinapagalitan ako nila kaya napipilitan akong kainin ang binibigay nilang pagkain.

Bumangon ako sa pagkakahiga, sa sahig lang ako nahiga sinapinan ko nalang ng malaking t-shirt at hoodie ko ginawa ko naman unan ang aking bag na lalagyan ng aking mga panloob na kasuotan.

Tumuloy ako sa kusina para kainin ang lugaw na binili ko sa daan ganito lagi ang kinakain ko simula pa noong isang linggo, sa halagang limang piso may lugaw na ako may panglaman tiyan na rin ako.

Habang kinakain ko ang aking lugaw ginala ko ang aking paningin sa aking condong walang laman, wala kasing natira yung dating may ari nitong condo kaya naman plastic na kutsara lang ang gamit ko sa lugaw na kinakain kung naka paper cup.

"Kaya mo yan Corteza! . . ." Maluha-luhang sambit ko sa sarili napag isipan ko din na bukas na bukas din mag hahanap ako ng trabaho di ko kasi nagawa nung isang linggo gawa ng masyadong abala sa mga club na aking sinalihan.

Ayus naman ang pakikitungo sa akin ng mga mag aaral ng Bts kahit na alam nilang iskolar lang ako at mahirap pa sa daga, minsan nga habang naglalakad kami ni jin may mga nag aabut sa akin ng mga regalo maayus ko naman tinatanggihan ang mga ito, Ang hindi lang okay ay si Charlotte kung hindi ako susungitan nito paparinggan ng kung ano-anong Salita pero tulad ng dati hindi ko na lang pinapansin.

Matapos kumain napagpasyahan kung matulog na, maaga akong gigising para mag hanap ng trabaho bago ako pumasok sa school.

***

Kinabukasan inisa-isa ko ang mga tindahan restaurant na pwedeng tumanggap ng working student pero bigo ako dahil na rin sa aking edad at highSchool pa lamang daw ako, May nag sabi nga kung kasambahay naman daw ang aking papasukin baka sakali makahanap ako.

Mahirap naman iyun bihira na ang tumatanggap ng kasambahay na stay out saka working student kaya mag hahanap na lang sya ng iba, Mamaya ulit after school maghahanap ako.

Pag dating ko sa paaralan wala pa ang anim kung kaibigan kaya naisipan kung mag pahinga sa tambayan namin, Nang malapit na ako may napansin akong dalawang studyanteng nag uusap mukhang nagtatalo ang dalawa.

Maya-maya pa sinampal ng babae ang kausap nito na kilala ko medyu malapit na ako sa kanila kaya naririnig ko na sila.

"Lasing ka! . . . Eh yung Paulit-ulit na nangyari sa atin? Lasing ka pa rin ba? . . ." Galit na sigaw ng babae dito

"Hindi pa tayo handa para sa dinadala mo! . . Alam mong may girlfriend ako!" Pigil na sigaw nung lalaki.

"Buntis ako! At ikaw ang ama hindi ko lang ito kagustuhan ginusto mo rin ito!!" Umiiyak na sigaw pa rin nung babae saka tumakbo papalayo nag tago naman ako sa isang puno doon para di ako makita nung lalaki.

Nung wala na pareho ay saka lang ako lumabas ng puno at dumeretso na sa tambayan namin saka nahiga doon, "tsk! . .ano naman ang pakialam ko sa kanila!" Mahina kung sabi saka pumikit.

Maya-maya pa narinig ko na ang boses ni Wyatt at Axel napaka ingay talaga ng dalawang yun.

" hey Yanna!" Bati ni Wyatt na humiga sa tabiko at niyakap ako.

"Ang init Wyatt!" Sabi ko dito at tinulak ito kaya naman nahulog ito sa lapag.

"Yah!" Sigaw nito na tinawanan lang namin sya bumangon ako at tiningnan ang oras may kinse minuto pa kami.

"Paano nyu nalaman nandito ako?"  Tanong ko sa kanila

"Sa mga fans mo!" Sagot ni Jin habang may pinipindut sa cellphone nito saka inabut sa akin ito. Nakita ko ang aking larawan na kuha nang papasok ako sa gate saka naka higa mismo dito sa tambayan.

"Tss!" Aniko na lang, may isang website ang bts na mga mag aaral lang ang pwedeng pumasok doon. Wala akong cellphone kaya wala akong account pinapakita na lang nung anim yung mga kaganapan doon lalo't na yung about sa akin.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon