******
Ian PoV **
Matapos ang klase lunch time na, agad kami nag ligpit ng gamit ni Jin wala na kasi kaming klase lahat kasi ng studyante kailangan mag hanap ng club na gusto nilang salihan.
"Let's go?" Si Jin yan na iniintay pala ako.
"Ahh, Jin...ahm..a-ano" Parang nahihiya ako kay Jin na sabihing may baon ako.
"What?" Taas kilay na tanong nito, maldita rin talaga itong babaeng ito.
"May baon ako!" Nakangusong sabi ko, saka napalingon sa gilid ko nang marinig ko na may nag "aww!" Parang kinikilig na ewan, yung dalawang lalaki at may kasama na itong tatlo pang lalaki.
"Tss...sige Tara sa canteen bibili ako ng food ko then let's find a better place to eat!" Nakangiting wika ni Jin saka hinila ako palabas ng classroom.
Sa totoo lang wala talaga akong pera, merun pala yung tira kung sampung piso baka maglakad na lang ako ulit pag uwi.
Pag pasok namin sa kapiterya ayun na naman ako hangang-hanga sa Ganda nito at laki tsk! Probinsyana ka talaga ian!. Nilibut ko ang paningin ko habang naka pila si Jin na hawak parin ang kamay ko na parang mawawala ako.
Ngunit nabigla ako ng biglang nag sitabihan ang mga nakapilang studyante doon kaya si Jin ang naunang bumili ng makakain nya.
"Ano gusto mo?" Tanong nito na kinailing ko na lang saka inirapan sya, ang kulit may baon nga ako eh.
"Okay!..Okay!" Irap din nitong sagot na kinatawa ko ng mahina, saka sya bumili ng pagkain na pinabalot nya.
Maingay ang kapiterya pero kahit isa wala akong naiintindihan na salita may ugali kasi akong filtered ang mga naririnig ko. May ugaling walang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao.
"Kabago-bago mo dito matunog na agad ang pangalan mo ahh!" Si Jin habang nag lalakad kami papuntang gilid ng school.
"Huh! Talaga?!" Maang na sagot ko sa kanya na kinatawa nito. Maya-maya pa narating na namin ang sinasabi nyang magandang pwesto, maraming puno doon at bulaklak may pangilan-ngilan ding mga upuan na may lamesa.
Pinili ni Jin ang isang Mesa na may naka palibut na upuan sa ilalim ng malaking puno. Kahit tirik ang araw hindi mainit dito. Maingat ko naman nilagay ang aking bag saka naupo si Jin naman inaayus na ang binili nito, binilan din nya ako ng softdrinks na nasa lata.
Rice and beef steak ang binili nito may soup din at gulay, Maya-maya tinaasan na naman nya ako ng kilay ng makitang nakatingin lang ako sa kanya. Saka naman dali-daling kinuha ko ang bag ko at nilabas doon ang aking binalut.
"Hmmmm...what's that?" Tanong nito at inamoy-amoy pa ang kalalabas ko lang na pagkain.
" Adobong manok...saka kanin!" Nakangiting wika ko sa kanya at inalok ko sya kung gusto nya. Tumango naman ito saka kumuha ng ulam ko.
"Nagbibiro lang ako kumuha ka naman?!" Sabi ko dito
"Wala ka ng magagawa na kuha ko na" sambit nito saka nilabasan ako ng dila nito at sinubo na ang aking ulam mukha naman itong nasarapan, medyu napapikit pa kasi sya.
Kumain na lang din ako baka kasi maubus pa dahil muli na naman itong kumuha ng baon ko, saka nilagyan nya ako ng beef steak sa aking kinakainan ngumiti ako sa kanya at nag pasalamat dito.
******SHORT CHAPTERS *********
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
TienerfictieIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...